gusto ko na po talagang mag kaanak ee ??

sinu po nakaexperience ng PCOS dito? nabuntis na po ba kayo kahit may history kayo ng PCOS? anu pong ginawa nyo para mabuntis? need help po gusto ko na po talagang mag kaanak ee ??

135 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

May PCOS ako since 2014. Both ovaries po. Naging ganun after ko manganak sa first baby ko. Pina take ako ng pills, diane, pero di ko nagustohan.. pinag metphormin ako pero nakakahilab sa tyan kaya nag decide ako istop lahat all at once and looked at the brighter side, hangga't may PCOS ako, hindi ako mabubuntis hangga't gusto ko. Kaya yun, di naman talaga ako nabuntis pero lumaki ako, 100kilos.. nagka diabetes ako, nawala na rin ang gana ko sa sex, nagka depression ako... mga symptoms ito ng PCOS. Wala akong abnormal hair growth and acnes. Dahil nga wala na akong gana sa sex and may depression ako, na apektohan ang pagsasama namin ng husband ko kaya naghiwalay kami in June 2018. October 2018, napag desisyonan kong mag exercise 30mins everyday and nag take din ako ng virgin coconut oil two table spoons before meals. Consistently ginawa ko yun for 3 months and bigla nalang ako dinugo ng napaka heavy... from 100kilos naging 89kilos ako and nagpa TVS ako... BOTH OVARIES CLEARED NA SA PCOS in January 2019. February 2019, nagkabalikan kami ng husband ko. Unti-unting bumalik ang sex life namin and nag improve na din ang mood ko, back to normal ang mens ko, pero diabetic pa rin ako.. August 2019, I got pregnant sa second child namin and I am now on my 32 weeks :) One thing din na nakapag help na mabuntis ako is Myra-E. Di ako nag take ng Myra-E para mabuntis o dahil sa mga sabi-sabi, uminom lang talaga ako nito kasi part ng effects ng PCOS ay magmumukha kang lalake like not so feminine ang features or aura mo.. kaya nag take ako.. at yun, wala pang isang bottle nun, nabuntis ako. Recently ko lang nalaman, marami na pala naka pansin na nakakabuntis ang Myra-E or may possibility na makahelp na mabuntis.

Magbasa pa
VIP Member

I was diagnosed with PCOS 2 years ago. Ni recommend ng 1st OB ko na mag pills (Cybelle) and Metformin ako since I don't have any plans on getting pregnant pa (just to regulate my period). I got married last year (May) and I stopped my pills last August since I want to get pregnant na. (Around October) Went to my 2nd OB (new) and she recommended I start taking Folic Acid na and we just waited naturally na magkaperiod ako para mabigyan nya ako ng pang ovulate. (December) Eventually I got my period on my 1st day I went back to my OB. She advised that I take Ovamit on my 5th until the 10th day. We did a transvaginal ultrasound on the 10th day to check if I'm ovulating, unfortunately, I was not (I cried so hard - #dramaqueen 😂, but i was still hopeful). Good thing, I have a very supportive husband. My OB said I need to continue taking Folic and Metformin and same thing, we need to wait til my period comes and I need to take Ovamit on the 5th day onwards. And so we waited... Supposedly, I should have my period last Jan. 7 but it did not come. I had a pregnancy test last Jan. 14 and booooommmm! I'm pregnant. Now, I'm 6 weeks and 7 days preggy. ♥️🎉🙏 I went back to my OB and even her was shocked! God works in mysterious ways and he surely hears our prayers. 😇 I hope and pray that you'll be blessed with a Baby bump of yours as well soon. Godbless!!! 🙏♥️😇

Magbasa pa

Last 2018 nalaman kong may PCOS ako which is nakakapag hina nang loob kasi di daa basta2 mabubuntis pag may ganyan kahit na alam kong di mdali pinauubaya ko sa panginoon lahat ng pagaalala ko, na admit ako last year dahil sa sakit di ko alam kong makasurvive ako nong panahon na yun hanggang umayos kalagayan ko sabi ko sa sarili ko na baka di na talaga ako mabibiyayaan ng anak kasi maysakit pa ako may PCOS pa pero yung prayers ko kada gabi di ko nililimotan hanggang sa yung tita ko may pinainum na Chinese herbal sa akin last october umayos na kalgayan ko tapos mga 2months na pag iinum ko di ko pa alm buntis na pala ako so ayun bless na bless talaga kasi nabuntis akon unexpected at alam kong nakatulong yung Chinese herb na binigay ng tita ko sa akin kasi pang palinis daw yun ng katawan, wag kang mawalan ng hope kasi dadating at dadating yan sayo pag sadya nyang ibibigay.

Magbasa pa

Consult an OB sis. I was diagnosed with PCOS 2014, puro pills and metformin ang pinatake s kin nung dati kong OB, pero nde nakokorek ung cycle ko.. Nagpalit aq ng OB then pinatake aq ng dupahston for certain period pra mag normal cycle ko..then tlgng exercise and pinaiwas tlg sa kin ang sweets, anything n may color na drinks bawal and less carbs.. then ung nagttry n kmi ng partner ko may nireseta sya s kin pang ovulate na gamot pero, then nagpaultrasound pa kmi pra ma make sure na may egg aq ready during ovulation pero still it didn't work out on our first try.. turned out n panget ung quality nung egg ko pra ma fertilized,, mhrp din kasi timing since ldr kmi and once a year lng sya umuuwi ng pinas. Then in preparation for 2nd try, pinag start aq ng folic acid ni OB then continue diet.. thankfully nakabuo din. 34 weeks atm

Magbasa pa

May severe and mild na PCOS kasi. Yung iba unting cyst lang naman. May history ako ng PCOS which is treatable, sabi baka daw sa nature ng work ko pero everytime na resigned yung partner ko nabubuntis niya ko. 2nd pregnancy ko to ngayon, yung una nakunan ako. Healthy lifestyle lang din po ang katapat, kaya kong magbuntis kahit may work ako pero laging walang nabubuo pag may work yung partner ko. Minsan kasi hindi lang din dahil sa PCOS natin, minsan kahit yung partner natin dapat healthy rin siya physically and emotionally. Nakakaapekto yung emotional stress sa physical well being natin. Uminum ka na din momsh ng folic acid or mga vitamins na pwedeng i-take ng buntis para mas mataas na healthy din yung katawan mo for pregnancy. Try doing the lifestyle of a pregnant para mas prepare yung body mo.

Magbasa pa

Ako po. May PCOS po ako on both ovaries, 7 months po akong inalagaan ng OB ko pero naumay na ako kahit na hindi ko alam kung okay na ba siya or hindi. Tapos, instead of Rice ang kainin ko, Hard Boiled Egg lang ang kinakain ko then ulam. Hindi ko alam na buntis na pala ako nun. Nag papraktis pa ako ng sayaw after office and nakapag travel pa ako from Quezon Province to Cagayan De Oro not knowing na 5 weeks pregnant na pala ako nun. Lahat ng simbahan na pinuntahan ko nag wiwish ako at iniiiyak ko talaga yung wish ko na sana magkaron ako ng anak. And now, I’m 35 weeks pregnant to a Baby Girl. 🙂 Trust on God’s timing and tiwala lang talaga. 😇

Magbasa pa
VIP Member

Na diagnose ako with PCOS both ovaries Aug2019. Then ginawan ako ng 3months program ng OB ko wherein iinumin ko lahat ng gamot na binigay nya. If magkaroon ng magandang improvement, papayagan na nya kami gumawa ng baby..pero pag hindi pa nagimprove PCOS ko, additional 3months sa program.. pero after 3months ng program(Dec2019), naayos agad yung PCOS ko binigyan naman nya ako ng iba't ibang vitamins para naman makatulong at pinayagan na makabuo ng baby. Feb2020 nalaman namin na 4weeks pregnant na ako🥰 ngayon 4months preggy na. So paalaga ka na sa OB and live a healthy lifestyle and PRAYERS.. yun lang ang susi para mapreggy even with PCOS🥰🥰

Magbasa pa

Ako po i was diagnosed last dec 05 2018 then sabi ni ob kapag hnd ako nag healthy lifestyle at ptuloy pden sa mga unhealthy foods pag nag 30 ako magkaka diabetes nako kaya natakot ako nag excersise and diet ako pero syempre may cheat day den from 61kilo to 45kilo nung na achieve kona yan hnd nako msyado nag strict sa diet kse ang payat payat kona daw kaya kumakaen nako tlga ng bawal pero hnd ako tumigil mag excersise then dec 12 dpat period kona hnd ako nagkaron kse regular naman regla ko nag pt ako ng dec 17 then nag positive sya tpos dec 20 nagpacheck nako ayun preggy na tlga ako sis

Magbasa pa
5y ago

Dec 05 2018 ako nagka pcos tapos dec 17 2019 preggy nako

VIP Member

I was Diagnosed ng PCO'S last 2015 po. Pag may pco's ka mataas blood sugar mo, cholesterol halos lahat nalang ata tapos both ovaries ko pa meron plys irregular po ako,pinag pills ako ng OB at pinagdiet , nagdiet ako at medyo umoki ung menstruation ko at nawawala ung pco's ko pero d ako nabubuntis padin kasi siguro wala din sa timing. Uminom din po ako ng mga supplement like cellcentials ng usana na malaki din talaga naitulong for me at last august 2019 nag take ako nung green barley i dont know kung nakatulong yun pero i believe po ,last week ng nov 2019 nabuntis napo ako

Magbasa pa

Hi sis. Na-diagnosed din ako last 2015 na may PCOS both ovaries. Akala ko nga buntis ako kasi lahat ng signs and symptoms ng buntis dati na experience ko pero ang reason pala PCOS. This year sinubukan ko lang uminom ng Vita Plus Melon. Ganyan din kasi frustration ko eh. Gusto ko na ulit magkababy. 😅 Kaya nagbasa basa ako sa possible na pwedeng inumin at gawin to get pregnant. Naka 3 boxes ako ng nainom. Ngayon I'm 28 weeks pregnant. Thanks kay Papa God. ❤ Subukan mo exercise, balance diet tapos inom ka lang ng Vita Plus saka syempre prayers. 💕

Magbasa pa