Pangalawang Beses na

Good day! May gusto lang po ako ihingi ng advice. 10 years and half na kami ng partner ko. Nag aaway naman kami dati pero Yung tahimik at maayos na pagtatalo until this year kapapanganak ko Lang nung Feb. 4 mos na ung baby namin. Nagkaron kami ng away na nasaktan nya ko. Sinapok nya Yung ulo ko after that nag usap kami Sabi nya Hindi nya na uulitin. Until now it happened again. May napagtalunan kaming maliit na bagay about gamit sa bahay Lang, tapos sinuntok nya ko ng dalawang beses naharang ko Yung hita ko kaya nagkaganyan at may pasa. Ano po hang dapat Kong gawin? Salamat po.

Pangalawang Beses na
105 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Bakit kailangan mo pa magtanong kung anong dapat mong gawin? Habang pinapalampas mo ang bawat pananakit mamimihasa yan. Kumawala ka na as early as now.

5y ago

Sa 10 years and half namin naging mabuting partner sya :'( ngayon hindi ko alam bakit sya nagkaganyan. Kaya ako nagtatanong dahil nagtatalo ang damdamin ko. Kailangan ko bang iwan ang asawa ko sa ganitong sitwasyon oh kailangan ko sya i save sa sarili nya nagaalala ako Hindi po sya drug user , nagaalala ako dahil baka something in his mental health bothers him. Gusto ko syang ipa doctor madalas na may temper sya lately or baka under depression sya dahil nawalan sya ng trabaho at crisis Hindi ko po alam. Nahihirapan na po ako. iniiyak ko nalang lahat Kay lord.