Pangalawang Beses na

Good day! May gusto lang po ako ihingi ng advice. 10 years and half na kami ng partner ko. Nag aaway naman kami dati pero Yung tahimik at maayos na pagtatalo until this year kapapanganak ko Lang nung Feb. 4 mos na ung baby namin. Nagkaron kami ng away na nasaktan nya ko. Sinapok nya Yung ulo ko after that nag usap kami Sabi nya Hindi nya na uulitin. Until now it happened again. May napagtalunan kaming maliit na bagay about gamit sa bahay Lang, tapos sinuntok nya ko ng dalawang beses naharang ko Yung hita ko kaya nagkaganyan at may pasa. Ano po hang dapat Kong gawin? Salamat po.

Pangalawang Beses na
105 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ikulong yang mister mo !!! YUN DAPAT MONG GAWIN ! SINAKTAN KA NIYA in that sensitive situation , BUNTIS ka at kahit sabihin pang ikaw may mali o siya , kung anuman ang napag awayan Di sapat na rason yun para Saktan ka ng mister mo !!! tas syempre habang nagpa-File kana ng kaso para sa Partner mo , magpagaling ka na .. Mas better Kung magpatingin ka sa OB mo din baka nakasama din yan Kay Baby mo mamshie .. Thankful talaga ako dahil di Nananakit partner ko, Ilang beses na rin kami nagtalo And Mostly ako yung may mali But still , Anjan pa rin siya para sakin , at mas Lalo siyang naging mas maalaga ngayong Buntis na ko , FTM ako kaya Doble or tripleng Ingat ginagawa ko .. Kung magtatalo Ehhh Lumayo layo nalang muna para iwas STRESS din .. Payo ko lang Na ganyan nalang din Gawin mo , If Ayaw mo naman ipakulong partner mo dahil sa Mahal na mahal mo , may ganun kasi ee diba .. Pero kung pasama na ng pasama sitwasyon Mamii , mas mabuting maghiwalay nalang talaga kayo ..

Magbasa pa

Get MEDICAL CERTIFICATE agad mommy habang visible pa ang pasa mo. You can use that for future legal action you may file against him. Marami kang dapat gawin actually based on your preference and the degree of damage done to you. 1. Pwede mong kausapin ng masinsinan. It is never ok to hurt anyone. I guess he has been.abused as a child. Remember an abused is an abuser. 2. You can file a TPO (Temporary Protection Order) para hndi siya makalapit saiyo if nagiging intense na ung pananakit and if mas naging habitual. 3. File an action for Violation of RA 9262 (VAWC) on the ground of physical abuse. Mommy remember that physical abuse is never ok; it is never normal. You must do something to stop it before it is too late. Wenhave many government agencies willing to support you on your quest. God bless you.

Magbasa pa

Ganyan din ako dati sis.una sapok lang.tas nag so sorry din lang.pero naulit ng naulit.after nya makasakit,mag so sorry.ganun ng ganun. Pinapatawad ko sya palagi kse mahal ko sya at para sa anak namin.pero umabot sa point na almost everyday sinasaktan na nya ako.at sa harap pa ng anak namin.my advise is,iwan mo na sya hanggat maaga pa.hindi titigil yan.it may become worst pa.alang alang sa anak mo.open up mo rin nangyari sa close friend or family para aware din sila sa situation mo.

Magbasa pa

di tama yan mommy,once na msaktan ka aswa mo meron yang kasunod,and then pag nahulasan sya ssbhn nia lang ulit sau ung una nia cnb na di na nia uulitin..at 2nd time ipa blotter mo na sya,pra sa pangatlong beses ggwin nia yan sau alm nia mangyayari sa knya...why other mommys came at ds siruation is dhl kabbgay dn ntn ng chance s knla which is sometimes wrong na..dhl nggng result is to give them onother chance to hurt us nt only emotinaly but physicaly

Magbasa pa
VIP Member

Dapat mong gawin? Punta ka sa Brgy. mag report ka sa VAWC. Mahirap man pero kelangan din matuto ng asawa mo, hiwalayan mo na yan... Bago pa maulit ng maulit ang pananakit nya sayo(kahit na nananakit lang sya pag nag aaway kayo) iwanan mo na. Wag mo na antayin na maging punching bag ka nya pag nagtatalo kayo... Wag mo panghinayangan yung taon na pinagsamahan nyo. Isipin mo yung mga taon pa na bibilangin mo at pag titiisan mo kasama ang anak mo....

Magbasa pa

Ganyan dati un kinakasama ko Puro hindi na uulitin lalo tumatagal mas lumalala un pananakit niya meron un sinuntom niya ulo ko na na comfine ako sa ospital ng 3days kc sa likod mismo ng tenga nya ako sinuntok .di ako makarinig .sabi ng lola ko hiwalayan kona kaso siya mismo un papatay sakin.kaya mas pinili ko mga anak ko. Kasi kung mahal niya talaga ako kahit anu away ndi niya ako dpat pagbuhatan ng kamay..

Magbasa pa

Wag nyo po buburahin yang mga photos sa phone nyo momsh. Evidence po yan. Kung safety nyo na po nakasalalay mas ok po na wag po kayo magsama sa isang lugar. Kung nagawa nya po sa inyo, baka next na po anak nyo na. Manghingi po kayo ng tulong sa kamag anak nyo po. Ipareport na rin kung kinakailangan. Importante po, irespeto nyo po sarili nyo. Wag po kayo pumayag na ganyan trato nyo. Para sayo at sa anak mo.

Magbasa pa

Alam niyo po, once na ginawa niya na ang pananakit posible maulit yan ulit. At kapag hinayaan niyo magiging hobby niya na yan kapag nagtatalo kayo. Ngayon palang gumawa ka na ng move. Ipaalam mo sa mga kamag anak niyo or ipablotter mo siya. Kung mahal ka niya at may respeto sayo never kang sasaktan niyan kahit gaano pa kalaki ang away niyo. Be smart mamsh. Maraming inaabuso ngayon don't be one of them.

Magbasa pa

Maawa knlng momsh sa sarili mo, alam ko masakit na ipablotter mo yung partner mo or even kasuhan but it is not worthy of your love anymore kasi sinasaktan kana nya. Pag mahal ka hindi ka kayang saktan physically or even emotionally but kung emotionally pa hindi pa siguro sinansadya pero pag physically ginusto nya talaga. Make a way and pray lng momshie God bless you and keep safe. 🙏😔

Magbasa pa
VIP Member

Lagi pong nakatatak sa isip ko pag ako sinaktan ng LIP ko o kahit dati nung dalaga pa po ako once na sinaktan ako ng lalaki hihiwalayan ko na po. Kasi once na pinag buhatan ka po ng kamay ng isang lalaki uulit at uulit po yan. Ako mahaba po pasensya ko pero hindi po ako papayag na saktan ako. Kaya mamsh hiwalayan mo na po siya kasi uuli at uulit po yan kahit anong pangako po niya.

Magbasa pa