ako lang ba dito na naiinis sa kapatid ng asawa nila?

Ganto kase yan, 3month's na ako halos na nakatira dito sa mama ng asawa ko. napansin ko lang sa kapatid niya napaka tamad as in. yung pati pinagkainan niya iiwanan niya lang sa lamesa tapos punta agad ng kwarto niya manuod maglaro. Ganon lang gawa niya everyday as in wala siyang gawa. Kaya gawa ko dito ako naghuhugas lagi yan umaga, tanghali, gabi. tapos nagluluto din ako. hindi naman sa nagrereklamo ako kaso lang dapat tumulong din yung kapatid nya. pati kase damit niya mama pa ng asawa ko naglalaba 19yrs old na. mag 2ndyr college na. naaawa lang ako sa biyanan ko kase 59 na yung edad nilang magAsawa tapos sila parin. dapat sakanila nagpapahinga na yung mga anak na yung maglaba ng damit nila kaso hindi. ? hindi rin nila inuutusan hays. sa 3months ko dito diko nakita kapatid niya na naghugas manlang ng pinggan as in. nakakainis lang! sinasabi ko nga sa asawa ko sabi lang ng asawa ko masyado nilang mahal yan kaya di nila inuutusan. kain tulog lang gawa. yung kakatapos mo lang mag hugas saka siya gigising tapos di niya manlang hugasan nakikita niya na ngang malinis. hays

28 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry to say po pero wala po kayo karapatan mainis kasi ganyan na set up nila before ka dumating.. ikaw po nakitira kaya wala ka po magagawa jan. Kaya lesson sa plano magkapamilya, unahin ang bahay, kahit rent lang muna. Iba pag kayo lang talaga. You can have your own rules..

Ang mahirap kasi jan mommy, nakikitira kayo sa in-laws mo, and baka ma-offend siya kapag sinabi mo sa kaniya yung tungkol sa anak niya. Ang maganda siguro, kausapin mo na lang yung kapatid ng asawa mo, or yung asawa mo mismo yung kumausap sa kapatid niya para naman makinig.

You don't have the right na mag reklamo mommy. First, nakikitira po kayo saknila and second ganun na po talaga yung kapatid ng mister nyo (spoiled bratt). Much better po if wag nyo nalang syang pansinin para malessen yung inis nyo sakanya at hindi na po kayo ma-stress😊

nakakainis tlga yung ganon.pero sa part mo, wala kang say sis.kasi nakikitira lang kayo.so kahit inis na inis ka na, ganun tlga. siguru pwede mong sabihan si husband mo para sya ang magsabi. kanya kanya naman kasi ng pagpapalaki ang mga magulang.

VIP Member

same case nung mga 3-6mos. preggy ako 😂 ewan ko siguro kasi normal na sating mga buntis ang mainis lalo na kapag ganyan talagang maiirita ka. hayys iwasan mo na lang po mastress masyado mommy kawawa naman si baby masasanay din tayo.

Kung ako sayo. Wag mo pansinin pinagkainan niya. Kung saan niya iniwan, wag mong kukunin. Hintayin mong amagin nang matuto siyang pinagkainan niya yun ilagay niya sa lababo man lang kung ayaw niyang hugasan. Lintek yang mga ganyang tamad!

6y ago

nakakabwesit kaya talaga sis yung mga tamad. nakakairita din kase sa mata na may nakikita kang hugasin. kaya huhugasan nalang talaga.

Sampal mo sa mukha nya pinagkainan nya haha. Diretsahin mo na ang tamad tamad di na na awa sa mama nya. Nkakainis mga ganyan sarap supalpalin,buti nalang iisang anak lang ung asawa ko. Wala aqng pakikisamahan na kapatid nya

tanda mo na din pero bat ka nakikituloy sa byenan mo? la sariling bahay?? inesstress mo lang sarili mo . what we dont know wont hurt us. lipat ka ng bahay para wala ka problemahin sa katamaran ng bayaw mo.

6y ago

Hahah parang ang dali magkabahay or kahit mangupahan. Toxic naman po.

Ganyan na ganyan din kapatid ni asawa ko. ang maldita pa. me topak pa minsan Kaya tinitiis ko na Lang kase Kelangan. pakapanganak ko balik na kami sa inuupahan namen di ko kaya dto,

6y ago

yon nga din iniisip ko pag nakapanganak ako uuwi na ako sa mama ko.

VIP Member

wag mo nalang siguro pansinin, iba iba rin kasi tayo ng magulang and yung the way kung pano sila itrato, baka masyado na-baby ng parents, halos ganyan rin kasi kami sa bahay.

6y ago

yung parents nga may problema kase di nila inuutusan kaya di natututo sa mga gawaing bahay.