ako lang ba dito na naiinis sa kapatid ng asawa nila?

Ganto kase yan, 3month's na ako halos na nakatira dito sa mama ng asawa ko. napansin ko lang sa kapatid niya napaka tamad as in. yung pati pinagkainan niya iiwanan niya lang sa lamesa tapos punta agad ng kwarto niya manuod maglaro. Ganon lang gawa niya everyday as in wala siyang gawa. Kaya gawa ko dito ako naghuhugas lagi yan umaga, tanghali, gabi. tapos nagluluto din ako. hindi naman sa nagrereklamo ako kaso lang dapat tumulong din yung kapatid nya. pati kase damit niya mama pa ng asawa ko naglalaba 19yrs old na. mag 2ndyr college na. naaawa lang ako sa biyanan ko kase 59 na yung edad nilang magAsawa tapos sila parin. dapat sakanila nagpapahinga na yung mga anak na yung maglaba ng damit nila kaso hindi. ? hindi rin nila inuutusan hays. sa 3months ko dito diko nakita kapatid niya na naghugas manlang ng pinggan as in. nakakainis lang! sinasabi ko nga sa asawa ko sabi lang ng asawa ko masyado nilang mahal yan kaya di nila inuutusan. kain tulog lang gawa. yung kakatapos mo lang mag hugas saka siya gigising tapos di niya manlang hugasan nakikita niya na ngang malinis. hays

28 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

wala kang magagawa kasi nkikitira ka, pag di mo naman ginawa ma stress ka din sa kalat at ikaw pa mahihiya sa mga byenan mo, kaya no choice hanggat anjan ka sa kanila.

6y ago

kaya nga no choice talaga. sinabi ko nalang sa asawa.

Haynaku ganyan din ako. May pakialamerang hipag. Buti ngaun nakabukod na kmi. Eh sya kababaeng tao sya pa ang dala ng asawa nya. Malaki nman kita nila .

yung tipong pagkatapos kumain, hihilata, kulong sa kwarto samantalang ikaw hnd magkaugaga sa kalilinis at kaliligpit ng kalat, nakakaimbyerna

Sabi din ng husband ko, hayaan mo na hindi ka naman inaano. Kasi nga kapatid nya yun, syempre kakampihan nya kht sinasagot sagot na magulang

Nakakaasar lalo na sa part na may trabaho pero kung makahingi ng pera kala mo may pinatago kilala lang kami kapag gusto ng pera hahahaha

VIP Member

kung aq sau pababayaan q , kasi kaw lang din mastress nyan, ,hayaan mu pinagkainan nia , nasa magulang din yan kaya ganun anak nila

6y ago

yap tama nasa magulang talaga, kung anu nakikita sa magulang nagiging tama sa mata ng bata.

VIP Member

wla ka tlgang choice kc haws nla yan at nki2tira ka lang sbi nga their haws their rules...

VIP Member

Ganyan na ganyan dn talaga kapatid ng mga knkasama ko...

6y ago

prang ikaw lng din walang kwenta mag comment