Kayo na po bahala

Ganto din po ba kayo mang trato ng mga First Time Mom?? Nag tanong po ako ng maayos dahil sa pigsa ng anak ko sa ulo. Dito po ako nag tanong dahil hindi po pwede ilabas ang mga baby dahil po naka quarantine po tayo. Hindi naman po ako mag aask dito kung pwede po ako pumunta sa Pedia eh. Pero sana naman po. Wag ako murahin paki sabi na lang po sakin ng maayos? Hindi naman kasi ako perfect na magulang eh. Ginagawa ko lang yung best ko para sa anak ko

Kayo na po bahala
101 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

kawawa naman si baby :( try mo sis na mag utos ka ng isang member sainyo or ikaw hanap ka ng clinic na open pag may nahanap kana saka mo dalhin si baby sa clinic na yun mag mask nalang at dala ng alcohol for safety ..

Jusko hnd masamang maging OA na nanay kapag anak pinag uusapan kawawa kc tlga ung bata sa itsura ng ulo nya aq na dko anak dko makeri how painful pra sa bata ung my ganyan na nsa ulo nya ang pigsa sa dumi yan nakukuha

5y ago

Kahit naman sa probinsya siya nakatira may doctor parin naman doon. Hays wag na kasi magpalusot. Gumawa nalang ng paraan para din naman yun sa anak niya.

VIP Member

Naaawa lang po sila sa baby mo kaya nakapagcomment sila ng ganun, emergency na kase yan ate kahit lockdown gawan mo ng paraan mapacheckup si baby baka dahil sa takot mo sa virus magkacomplikasyon pa yan.

Pa check up mo na yan. Sa akin nga muntik na mahulog sa meningitis yung pigsa sa may tabi ng tenga ko dati nung bata pa ako. Kasi sabi nung doctor ko yung Nana may possibility umakyat sa utak. Buti naagapan

5y ago

In case di mo alam yung meaning mg ER madame, EMERGENCY ROOM po yun, nasa hospital po yun. Doon po dinadala yung mga pasyente gaya ng anak mo po. Doon titignan nung doctor na naka duty doon. Wag puro dahilan! Gumawa ka rin ng paraan!

Nakita ko din yung pic kanina. Unang pumasok sa isip ko, bakit naging ganun kalala ang itsura bago nag tanung kung ano ang pwedeng gawin. Sa pic kasi parang napabayaan na yung sugat sugat sa ulo.

5y ago

Pde naman po lumabas lalo na pag emergency cases. Ako po nung nkaraang araw dinala ko baby ko sa er, wala kasing clinic pedia. Dahil lang sa di sya nkapoop ng 3 days, 2 week old baby ko hehe oa na kung oa pero para lang masigurado ko maayos sya bakit hindi dba. Ftm din po 😁

Hi sis sa my facebook my pedia paki search... At sundan nalng ung instruction mabilis nag reresponse mga doctor within the day baka matulungan ka online doctor search mu nalng para matulungan agad c baby

VIP Member

Kung ayaw mo lumabas, tawagan mo nalang yung pedia im sure may viber or messenger un at isend mo sakanya yung picture ng ulo ni baby mo para maadvise ka kung anong pwedeng antibacterial/antibiotic dyan.

5y ago

Oo nga pwede nman pic lng ipakita s drugstore. Saka po mag follow up po kayo dapat sa pedia,tawagan nyo ulit,ngayon pagka dika parin mabigyan ni pedia ng reseta or other way para magamot yang malalang kondisyon ng anak mo pwede ka nmang pmunta sa ibang hospital na wlang covid case ,kung covid ang pinopoblema mo.

https://ph.theasianparent.com/gamutin-ang-pigsa-tips Basahin mo ateng baka makatulong. Sana gumaling na pigsa ng anak mo. Linisan mo muna ng bulak na may tubig yung sugat bago mo lagyan ng ointment.

bakit hinayaan nyo naman po na lumala ng ganyan yung sa anak nyo? Buti sana kung maliit lang yung pigsa okay lang, ate masakit sa kanya yan, buti nakakatulog ka na ganyan yung lagay ng anak mo jusko.

Momshie pag emergency po dumiretso agad sa hospital. Emergency yang sa ulo ng anak mo. Wag mo na po hintayin mapano pa yang anak mo. Kahit lockdown basta emergency kelangan dalhin agad sa hospital.