Induced
GAANO PO KASAKIT MAINDUCE LABOR

Skl po experience ko. Sobrang sakit po talaga ng induced labor, mommy. Sabi po sakin ng OB ko, mas masakit po yon sa normal labor. That time na ininduced po ako, 1cm na po ako 'non. Wala pang isang oras humilab na po siya nang sobra and sobrang sakit po talaga, diko siya kinayang ihandle unlike nung nafefeel ko dati bago ako salpakan ng pampainduced. Huhuhuhu. Sobrang sakit na parang hinahati po yung katawan ko, tas ang likot ko po 'non sa kama. Nagmamakaawa na ako sa OB ko, sa ate ko, tsaka sa partner ko na hindi ko na kaya. 5 hours, 1cm parin po ako 'non. Tapos after an hour, 5cm na agad. Dinala na po ako sa DR, nung nandon na po kami 7cm na ayun mga 40minutes po ako umire kasi di pa po ako marunong. Sa awa naman ng Diyos, nailabas ko na si baby. At nawala po yung sakit at hilab. Pero masasabi ko po na nakakatrauma siya. ๐โบ
Magbasa pa

