Induced

GAANO PO KASAKIT MAINDUCE LABOR

19 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Skl po experience ko. Sobrang sakit po talaga ng induced labor, mommy. Sabi po sakin ng OB ko, mas masakit po yon sa normal labor. That time na ininduced po ako, 1cm na po ako 'non. Wala pang isang oras humilab na po siya nang sobra and sobrang sakit po talaga, diko siya kinayang ihandle unlike nung nafefeel ko dati bago ako salpakan ng pampainduced. Huhuhuhu. Sobrang sakit na parang hinahati po yung katawan ko, tas ang likot ko po 'non sa kama. Nagmamakaawa na ako sa OB ko, sa ate ko, tsaka sa partner ko na hindi ko na kaya. 5 hours, 1cm parin po ako 'non. Tapos after an hour, 5cm na agad. Dinala na po ako sa DR, nung nandon na po kami 7cm na ayun mga 40minutes po ako umire kasi di pa po ako marunong. Sa awa naman ng Diyos, nailabas ko na si baby. At nawala po yung sakit at hilab. Pero masasabi ko po na nakakatrauma siya. 😁☺

Magbasa pa

natrauma ako sa induced labor. 8am pumutok panubigan ko 3 pm n ako inassist at sinalpakan ng pampahilab na nasa dextross grabe 10x na sakit ng labour ang nararamdaman ko. Nasa puwerta na pla si baby hindi pa din ako inaasikaso. nagmamakaawa ako sa mga nurses na tulungan na kong mailabas c baby kse di ko na kaya. nagagalit pa sila. First baby ko din kse. Ang ending nagpalipat ako sa mister ko sa private. painless nalang kaya.buti nalang safe na c baby ngayon. kase natuyuan na dw ako ng panubigan.

Magbasa pa

Mabilis LNG po un paghilAb. But induced or not induced..same LNG po na masakit at nakakatraumA..but best feeling un paglabas ng baby tapos s ipapatong sa tummy mo..grabe sobrang ginhawa.. Sunod na mararamdaman mo is nakakairitang feeling habang tinahati lalo kong malaki ang baby n lumabas sa iyo

Magbasa pa

Sobrang sakit momsh. Parang mahahati yung katawan mo. Di mo alam kung saan ang masakit. Ako nun umiiyak na talaga ako sa sobrang sakit kasi lagi ako stock gusto ko na magpa cs pero sabi ko kaya ko yung sakit. Worth it naman yung sakit nung lumabas na si baby 😊

Sobrang sakit po sakin hayyysss nkaka trauma nga po kya ginawa ko pinilit ko na ilabas si baby khit malayo pa cm inire ko na sya kaya wala pa 2hours na full cm nako ayun sa awa ng dyos matinding irihan lumabas na si baby 😊 gaan na sa pakirmdam 😊

VIP Member

induced/painless hindi masakit po . Walang sakit matagal nga lang mag open cervix muntik ma ECS pero naka intay ob ko . 9pm 10cm umire lang ako tapos yun labas na si baby nagising na lang ako nililipat nako sa room

Yung feeling na.100x kang may disme natatae kapa .. nakakatulog pa nga ako biglang sasakit naman di ko makalimutan yun ako na nag sasabi.sa doctor na kung pwede na bang I ere

Ano po ibig sabihin ng induce labor? Iba ba yun sa normal delivery? At bakit kailangan e-induce labor? First time mom po kasi ako at malapit na manganak...Salamat po sa sasagot

5y ago

Induce labor parang forced labor kumbaga. Merong nakasaksak sau pra humilab tyan mo at bumilis ang pag taas ng cm mo

Sobrang sakit pero di ako pinahirapan ni baby halos 30 munites lang ako nag labor iniri ko na kahit 8cm plang. Pero worth it pag nandyan na si baby.

Masakit po na induced labor tinuturok po ung gamot s dextrox.un mabilis nga nag open ung cervix kaso grabeh hilab ng tiyan mo ung pain nia sobra.