Philhealth New Policy

FYI mga momshies ❤️ Kabuwanan ko na po ngayon Dec. 31 po ang due date ko then last year pa yung huli kong contribution. Pumunta po ako sa Philhealth, wala na daw pong watgb. Ito na po ang new policy. Kaya ang binayaran ko lang ngayon ay 800 pesos from October 2019 - January 2020 (depende po sainyo if gusto nyo na bayaran ng pang isang buong taon) Ako kasi hanggang sa January 2020 lang muna hinulugan ko. Pwede ko na daw magamit yun sa panganganak.

Philhealth New Policy
49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo sis Dec 26 duedate ko and last hulog ko nung may work pako Oct 2018 yun, tanong ko lang ilang buwan pa ang huhulugan ko para magamit ko sa panganganak ko?

6y ago

Sis maymae Dec 31 due date ko, pinabayad lang sakin kahapon is from Oct-Dec. Bakit po kaya ndi na ako pinagbayad ng para sa January-Sep 2019?