Dara Genoraga Labordo II profile icon
SilverSilver

Dara Genoraga Labordo II, Philippines

Contributor

About Dara Genoraga Labordo II

Hot Momma

My Orders
Posts(12)
Replies(123)
Articles(0)

My Birth Story

Goodafternoon mga Momsh gusto ko lang i share yung Birth story namin ni Baby. So yun start ng December 13 pinapabalik ako ng 4pm to check again ng I.E dahil 4cm nako pero hindi ako bumalik ng 4pm nag lakad ako ng napaka layo dahil ramdam kong ayaw niya pa lumabas dahil sobrang likot niya pa pero nung pauwi na kami sa bahay naka ramdam nako ng hilab sa tiyan na every 5 mins wala ng tigil talaga pero nakakaya at natitiis kopa naman so nag decide ako bumalik ng Hospital bandang 8-9pm dahil nakakaramdam na nga ako ng hilab pero pag I.E sakin ng still 4cm parin sabi ni Doc lakad-lakad pa daw then balik after 2 hours mga 11pm so lakad-lakad ako until 11pm pag I.E still 4cm parin daw so nalulungkot nako dahil sobrang sakit na at todo lakad at akyat-baba naman ako sa hagdan di manlang na dagdagan. Nag decide akong umuwi kami ulit sa bahay pag tapos ng I.E dahil antok at sobrang sakit narin ng paa ko kaka lakad. So natulog ako kahit humihilab yung tiyan ko then bandang 1am ng Dec 14 kada hihilab siya sobrang sakit na yung tipong tumutulo na luha ko, sinabihan nako ni Hubby na bumalik na kami ng Hospital para ma check ako pero ayaw ko dahil baka 4cm parin kada hilab iyak nako ng iyak kahit walang luha. Then biglang may bumulwak saking tubig so nanginig nako at pinatawag kona si Mama sa Hubby ko para pumunta na ng Hospital. Pag dating dun still 4cm parin pero pumutok na panubigan ko. Kada hihilab siya talagang umiiyak ako ng malakas dahil sobrang sakit hanggang sa iaakyat nako sa Delivery room sakto natatae nako na ewan lalabas na pala si Baby ko iyak nako ng iyal dahil di kona mapigil pero pinapagalitan ako ng Nurse at Doctor. Pagka akyat sakin sa taas sobra na ang iyak ko dahil lalabas na talaga pero pinapagalitan parin nila at narinig kopa sabi nung Nurse na nag akyat sakin nako Doc 4cm palang naman yan tignan mo pinipilit niya lang kasi iire. Parang gago yung Nurse diba palibhasa hindi niya alam so sabi ng Doctor lipat muna daw ako sa higaan dahil baka malaglag daw ang Bata pag umiri ako sa upuan so tiniis ko muna hanggang malipat ako sa higaan pagka higa pina ire ako ng Doctor at full na nga daw at nandun na yung ulo ng Bata di pako pinapa ire pero umiri nako ng isang malakas dahil di kona talaga kaya at lumabas agad siya. Sobrang nag thankyou sa Doctor at lalaking Nurse na kinapitan ko habang umiire at nag thankyou kay Bro na naka raos na kami. Worth it lahat ng hirap nung lumabas na si Baby paulit-ulit akong nag Thankyou sa mga taong naka paligid sakin at kay Bro dahil di niya kami pinabayaan??.So Dec 14 at 3:04am siya lumabas via Normal Delivery??❤️?Sorry at napahaba po?? Meet my Little Girl Driana Lhei?2.8kg?

Read more
My Birth Story
 profile icon
Write a reply