Philhealth New Policy

FYI mga momshies ❤️ Kabuwanan ko na po ngayon Dec. 31 po ang due date ko then last year pa yung huli kong contribution. Pumunta po ako sa Philhealth, wala na daw pong watgb. Ito na po ang new policy. Kaya ang binayaran ko lang ngayon ay 800 pesos from October 2019 - January 2020 (depende po sainyo if gusto nyo na bayaran ng pang isang buong taon) Ako kasi hanggang sa January 2020 lang muna hinulugan ko. Pwede ko na daw magamit yun sa panganganak.

Philhealth New Policy
49 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

True yan mumsh, kakagaling ko lang philhealth para bayaran yung mga months na namiss ko. Nag resign kasi ako last August yun din last na hulog ko. Sabi nila by December 9 mag i-increase na sila ng 275 ata na dati ay 200 lang. By 2020 ang increase na nila ay 300. Tapos pag may mga months ka na hndi nabayaran may penalty na daw. Kung gusto daw na mag advance payment for next year 200 pa din daw bayad pero hanggang dec 8 na lang yung offer nila na yun.

Magbasa pa
6y ago

Salamat sa info sis. Nakapagbayad nako kanina. 😊