GS with yolk sac and embryo w/o heartbeat 🙏🥺

First ultrasound Dec 27, 2024 (2nd check up). Sa first check up ko kasi nagbase si OB sa LMP ko kaya akala namin 7 weeks na si baby on the said date. During 1st Transv US, sac lang ang nakita 5 weeks 5 days. So nag adv si OB na ulitin ang ultrasound. 2nd Transv US Jan 06, 2025, may yolk sac and embryo na din. Pero yung laki niya is for 5 weeks and 6 days palang. Hindi nagmatch yung date. Naguguluhan ako, i'm so confused. Sobrang nag ooverthink at di ko mapigilang hindi umiyak. I can't lose my baby, I had miscarriage last year at sobrang fresh pa rin ang lahat. Meron ba dito same case po sakin na slow growth si baby pero nag continue ang pregnancy at nagka heartbeat si baby after two weeks. Please comment po, kailangan ko po ng dagdag pampalakas ng loob. Thank you🥺

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

nagtetake ka po ng duphaston? nirereseta yun para maging viable ang pregnancy, pampaincrease ng progesterone levels. may history ka na po ng miscarriage, maganda po na magpaalaga ka po sa ob-perinatologist doctor for high risk pregnancy. ako twice na nakunan before magbuntis sa 3rd ko nagpaalaga ako sa obrei. then nung buntis na nagpaalaga na ko sa ob peri. aggressive ang approach ng ob peri to make the pregnancy viable. avoid stress po and magpray po

Magbasa pa
2d ago

Yes po, I'm taking Dydrogesterone 3x a day and Progesterone 1x a day. 3 days after ko magpositive at magpacheck up nagtake na po agad ako pampakapit pati ng folic acid.

pray lang po.. magkakaheartbeat yan in Jesus name