31 Replies
Hi Ma'am! ☺️ I'm a private school teacher po. Sa isang catholic school. Na sobrang higpit pagdating sa ganyang case. We're getting married na dapat this April 2020. Engage kami for 1 yr. Then ayun na last yr po Nov biniyayaan kami ni Fiance ng blessing. Hihihi. At first sobrang nakakatakot kasi pareho kaming teacher sa isang private school (magkaiba kami ng school naman), akala namin matatanggal kami ganon. Naagad yung kasal naging March. Kaso inabutan ng quarantine. Hanggang sa nagmove na kami ng ilang beses ng petsa. Wala e. Walang choice. Kundi maghintay. Actually bago pa magFeb, alam na ng mga katrabaho ko, school admin, lahat, even si Sister. Ang advice lang nila sa amin ay magpakasal na. Para di na gaanong mahalata yung tiyan. Pero halata na siya ngayon dahil inabutan na ng quarantine. Ayun po ma'am, wala naman pong masama sa case natin. Hindi rin naman po natin kasalanan na maging ganito. May plan naman din kayo talaga magpakasal, nauna lang si baby. Just like our case. ☺️🙏 Sabihin mo na po sa school admin niyo. Wag mo isipin sasabihin nila. Hehehe. Ganyan din ako nun e. Nastress ako sobra. Buti na lang di ako maselan magbuntis. And I'm sure po maiintindihan ka naman nila. Goodluck po sa journey niyo! 🙏❤️ Sana nga po at matuloy na rin kasal namin this May. Hindi muna siguro namin ipush ang church. Magcivil muna kami. Hinahabol kasi yung expiration ng Marriage license e. Anyways, I'm 28 weeks preggy. Hihihi. Godbless po! 💕
Hi momshie....same situation po tayo I'm 26 years old and 5 months preggy same public teacher din po ako tapos sa government din nag work partner ko, hindi rin kami kasal plano pa lng pero nauna talaga c baby... .I can't blame you kung ano na fefeel mo ngayon kasi I've been der ang pinagkaiba lng natin hindi matanggap ng parents ko kaya na stress ako ng sobra at nag bleeding ng 10 weeks pa c baby ko pero thank God naging ok nmn kaya pls. Po wag ka mgpaka stress, wag mo na isipin ang sasabihin ng ibang tao ang importante pananagutan ka ng nakabuntis sayo... Sa principal mo nlng mo na sabihin tapos sa mga close na ka trabaho mo.. .. Mga 2 months c baby ko nung sinabi ko sa principal namin tapos mapapansin din nmn yan ng mga ka trabaho mo just say Yes f tanungin ka no nid for more explanation bahala sila f ano isipin nila ang mahalaga ang Well being ninyo ni baby.....
Same here mam.. 😊 Wag niu po isipin sasabihin ng ibng tao.. Hnd po sila ang bumubuhay sa inyo.. Sabihin niu po s principal niu kahit wg muna sa mga coteachers mo kc mas pangit kung sa iba pa malalaman ng head mo ung totoo mas papangit image mo sa knya.. Ako da moment na nalaman q n preggy q sinabi q agad s amga kasama q then sa head ko nadismaya sya nung una pero wla sya mgagawa ei andto na kya tinanggap n lg dn nea pinayuhan lg nea q na dpat makasal na kmi ng bf q hanggat maaga pra dpa malaki tyan ko pero gnito nman ung nangyari wla napurnada.. Wla ng church wedding, civil n lg kmi agad aft ECQ.. Kya pagtapos po nito pag magrerepory na po kau s school sabhin niu po agad s principal niu.. 😊😊
Hi momshie same po tayo, public school teacher din ako at kasalukuyang 7months pregnant po. Ito ginawa ko noong andyan ako sa sitwasyon mo, noong nalaman kong preggy ako una kong sinabihan mga closest co-teachers ko then yung principal namin. Hindi naman nagalit sa akin yun school head namin. Sila lang talaga pinagsabihan ko nun then later ewan ko bakit nalaman na din ng mga iba kong co-teachers, pero happy naman sila sa akin. Noong nalaman namin ni Boyfie na pregnant nga ako nagplano na talaga kami magpakasal, para sa pamilya ko (gusto ni mother earth at father earth) at para din sa work ko (role model po tayo sa mga bata at sa society). Last February 2020 nagpakasal po kmi sa Chuch. :)
I'm a public school teacher din po... Medyo same po tayo ng situation but now Everyone knows about my pregnancy in school. I was thinking about the code of ethics too before pero not a big deal na po yan ngayon....yes it's not a good thing because we should be a role model pero Kung Ang pinangangambahan niyo po at matanggal Kayo sa trabaho,may laws na po ngayon that protects the dignity of women so Hindi daw Tayo pwede tanggalin sa service dahil lng we get pregnant and not married...that's what my colleagues said.
sakin mamsh, nagulat nalang sila nung nagpaalam ako sa principal na magcounselling kami ng bf ko para makakuha ng Marriage License..Brigada Eskwela na yun dat time..den kinabukasan, pumunta akong school..syempre nagtanong sila tungkol sa sitwasyon ko, 2months preggy n ako non..wala naman akong may narinig na sabi-sabi, baka siguro hindi lng pinarinig sakin..wala ka nang magagawa sa mga taong ganyan mamsh, kaya wag mo nalang intindihin yung mga sabi-sabi at chismis nila sayu.
Same po tayo, I am a teacher also po. Ikakasal dapat kami ngayong month kaya lng na postpone din due to covid. Plano na talaga namin this year na magpakasal, pero yun ng nauna din si baby. I am , 21 weeks pregnant na po. Okay lng yan momsh. Di ka nag iisa. Alam na din ng mga kakilala namin na buntis ako and we're getting married. Sabihin niyo na po momsh, its up to them kung ano sasabihin nila. Wag ka magpapa stress, si baby po isipin mo wag yung ibang tao. God bless! 😊
Public Teacher din ako....i think wala namang problema sa sitwasyon....marami akong kilala na teacher na live in lang tas may anak...infact may co teachers akong mgkalive.in at alam ng lahat..wala namang negative na reaksyon mula sa skul...isa pa...ano pakialam nila....khit anu pa gawin niyo may masasabi tlga ang mgA taong judgemental... Khit pa mgpakasal agad kayu or hindi for sure may masasabi parin yung iba...😁
wala nmn pong batas nag sasabi na di ka pwede ma preggy pag di ka married, meron nga po batas na pag pro protect for women para d ma discriminate at d yan grounds para matanggal ka as a teacher nasa batas yan naka limutan ko lang kung ano.. be proud mommy ang importante you chose life more than anything else tsaka may balak naman kayong mag pakasal.. hayaan mo sila chismis lang ang mabibigay nila wag ka pa apekto
im not a teacher... and im not really aware sa policy or whatsoever... pero nowadays normal na nmn yan... pang lumang tradition na lang yung dapat kasal ka or what... ako bilang me anak na nag aaral... i wouldnt mind kung teacher ka ng anak ko... wala nmn magiging epekto un sa pagtuturo mu eh... ang tanung na lang is maapektuhan b trabaho mu if ever?.. kung wLa nmn penalized sa gbyan.. dedma na