βœ•

She’s here

Feb 14,8 am. Pagtayo ko from bed biglang may parang pumutok down there then lumabas yung kulay tubig. Not sure kung panubigan ko na ba yun since ftm ako hindi ko alam. Nakita ni hubby yung paglabas ng tubig so inaya nya ko puntang hospital. Sabi ko mamaya na baka naman naihi lang talaga ako. So nagpalit ako ng undies with panty liner tapos natulog ulit after kumain kasi balak namen nun mag date sa mall since valentines day at maglakad lakad na rin. I was 39w 2d that time. Pag gising ko around 2pm, drenched na yung panty liner ko and nararamdaman ko din na may lumalabas talaga saken so I chatted my ob, punapunta na nya ko sa hospital to check kung nag rupture na ba talaga bag of water ko. Hesitant pa ko pumunta kasi kinabukasan na rin naman yung sched check up namen so naisip ko bukas nalang ako punta sa kanya. Anyway, si hubby hindi na pumayag, do we went there. Sa ER na IE ako, sabi wala naman daw leak at 1 cm palang daw ako. They called my ob and my ob wanted to check me to be sure so they had me admitted. I was induced into labor. Around 10 pm, my ob arrived tapos pag check nya saken, nakita nya sa hospital pad na may kulay green discharge na ko. Pag ie nya madumi na yung nasa gloves nya meaning naka poop na si baby sa loob while I was induced. She decided to proceed with caesarean delivery kasi maka mainfect na daw si baby. Around 10:48 nakalabas na si baby but she had to stay sa NICU kasi nagkaron na ng infection at mabagal ang paghinga. Hanggang nakalabas ako after 3 days di ko nahawakan si baby dahil naka oxygen sya. That was the scariest and hardest time of my life. Makita mong hirap anak mo, hindi mo mahawakan, hindi mapadede. I almost don’t want to see her kasi it hurts. Iyak ako ng iyak. Yung asawa ko kahit anung pigil nya naiyak na rin. First time parents kame so talagang bago samen lahat. Gusto kong e comfort si baby and tell her it’s going to be okay, na uuwi na kame soon pero di ko sya mahawakan. I went home without my baby pero as per her pedia hopefully bukas pwede na sya iuwi. Yun yung happy thought ko ngayon. Na malapit ko na syang mahawakan for the first time. There’s no reason not to celebrate valentines day dahil bday ng baby ko. Her name is Summer and she’s 2.9kl and I’ll be meeting her soon.

36 Replies

hi, ganyan din baby ko. 9 days sia sa NICU. sumuka pa sia dugo. Nung una ni-room in pa sia samen after ng delivery, CS din ako. then the next night after ko manganak i tried to wake her for feeding, then nakita ko me blood sa bibig nia, i thought galing sa breast ko so I checked, wala naman. ginising ko asawa ko para dalhin sa nurse si baby, binalik wala naman daw. then maya maya lumungad na sia ng blood, super dami pati poops nia. ngayon one month na sia, okay naman. super stressed ako nung nasa NICU sia. after 5 days, pinabreastfeed na saken. pero halos wala ko milk kasi puyat ako at stressed plus stressful din mga matatandang nurse sa public hospital na pinagdalhan namin dahil walang NICU sa hospital kung san ako nanganak. pipilitin ka magbrestfeed kahit na hirap na hirap ka na. thank God naging okay naman kami. after ko maCS, nasa hospital kami araw araw. sa labas lang kami ng NICU ng papa nia kasama ng ibang parents din na nagbabantay sa anak nila. imagine mo super sakit pa ng tahi ko pero sa hallway kami ng hospital halos buong magdamag. hanggang ngayon praning ako, konting kibot lang ng baby ko natataranta ko. si papa nia halos ayoko na papasukin kasi ayoko mag-isa sa gabi. night shift kasi si hubby ko. anyway, magiging okay din sana si baby mo. kung full term naman sia, malaki naman chance na maging okay.

Same tyo pumutok panubigan ko pero 1cm palang, nun pala nauubos n rin tubig ko.mararamdaman mo naman kung ihi siya kasi kaya pang pigilin. Pero pag water bag na, di na kontrolado kaya kmi nun naramdaman ko takbo agad sa ER. Wla pa ob ko nun namatayan sya ng asawa. Kontak sila ng iba pang ob pero wla p rin kaya napalipat kmi sa private awa ng dios naging kmi kasi nakakain n sya ng poop ko at siya nmn nakatae n sakin. Dec 26 nngyare un. Ako lang nag antiobiotic nun. Ngayon super healthy na sya. Gagaling rin sya momshie

Same . nanganak den ako ng feb 14 2am .. emergency cs , dapat tlga induce labor lng ako , kaso pag dteng ko ng hospital pag i.e sken raptured na water bag ko tas color green na sya . so nag decide na i.cs .. awa ng dyos nkalabas na kme ng hospital pero nka heplock c baby kc kelangan pa nga mag antibiotic .. Anyway ! Congrats sayu mamsshhh

Congrats sis stay stronhlg.induced labor din ako sis pero na cs din ako nkakain baby ko ng dumi ko kc natuyuan nko.khit pwede n ko lumabas d ko talaga iniwan baby ko naawa ako everytime lalagyan sya ng antibiotic kc umiiyak talaga sya nag stay kmi ng 6 days sa hospital.last feb.5 ko n cs nkauwi kmi feb.11 na

Congrats po, God is good sis same here until now nasa NICU si baby kasi preemie baby sya. Masakit makita anak mo na nasa ganon sitwasyon pero need pagpakalakas para kay baby. 😊❀️

Thank you rin po, momsh. I'll pray for you and your baby's safety din. God bless momsh. πŸ˜ŠπŸ™

Bat daming na CS nung feb 14. 😭 same tayo sis feb 14 tapos cs din pero thanks God walang infection si baby kaya nakauwi agad kami after 3days. Be strong mommy! Gagaling di si baby

Same sis cs din ako nang feb 14 overdue na si baby

Congrats po! Ang cute po ni baby 😍 Kaya po yan ni baby momsh. Pray ka lang po lagi mommy ! God bless po

You'll be fine, baby. We will pray in Jesus name ❀ congratulations, Mommy!

Ang pretty po n baby, sana ako dn mgka baby girl dn po ako.. Stay strong po

Congrats sis, magiging okay din si baby. Stay strong po.

Trending na Tanong