Ask the Expert Series - 🤱🏻👶🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi?👶🏻❓️

🤱🏻💬Join me,Tin Cervantes, a Certified Breastfeeding Counselor and Owner of Yokabed - Home of Lactating Moms, sa Ask The Expert session on Breastfeeding & Lactation para sa topic na 🗨🤱🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi? 🤱🏻Kasama ang team ng theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Lactating Mommies sa inyong breastfeeding journey sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around myths and facts about breastfeeding, pain and sore nipples in breastfeeding, washing nipples before breastfeeding, flat or inverted nipples in breastfeeding, bleeding during breastfeeding—basically anything you hear about breastfeeding—I can help you confirm or deny here! ❓️💬 ❤️🤱🏻

Ask the Expert Series - 🤱🏻👶🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi?👶🏻❓️
61 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ang kape ay may caffeine at ang mga beer or red wine ay may alcohol na maaaring mahalo sa breastmilk mo. Pero talaga bang hindi ka na pwedeng uminom ng mga ganitong inumin mommy?

1y ago

Depende po sa caffeine content, ideally not more than .30g / 300mg ang recommended intake for breastfeeding mothers. Because there are babies na super sensitive sa caffeine intake ng moms nila. But they outgrew it pag 3 mos and older na sila. Me as a breastfeeding Mom before for 17 yrs straight I drink coffee and walang reaction sa baby ko kaya observe mo lang right baby mo. Beer and red wine in moderation rin, still pwde mag breastfeed. again observe lang rin si baby, or mas safe kung older na sila.

Good day. Pag flat chested po ba kaunti lang talaga ang milk supply? Paano po paramihin? Thank you po in advance.

5mo ago

mas marami pa milk yung pinsan ko na bfeed kaysa sa akin eh maliit susu nun.

good day po,, totoo po ba na mas madali mag unti ung milk supply pag dipo na dedehan ni baby? pump lng kc gamit ko ayaw ni baby dumide sa akin pag dating nia ng 3 months

Sabi nila ang right breast ay purong gatas, samantalang ang left breast naman ay tubig. pero napansin ko nga mas preferred ni baby yung right boob ko. pero di daw totoo yon?

1y ago

Hi Mommy, after colostrum, mature milk po ay dalawang variant, Foremilk ay malabnaw at more water na pampatid uhaw ni baby, Hindmilk naman na mas malapot at maputi, ang huling milk na nagpapa satisfied sa kanila at nag add ng timbang nila. ibahin mo lang ang posisyon ni baby, pwdeng di sya komportable sa hawak mo , try mo rin football hold sa kabilang side na ayaw nya or sidelying position.

Good evening po. I wanna ask lang po na totoo nga po pagkaligo po dapat po iinum ng mainit bago magpadede? kasi maaari daw pong makakuha ng lamig ang bata. ty

1y ago

Hello po, no po ,Myth lamang po yan, maaring mag breastfeed anytime, before or after maligo at hindi rin necessary na uminom ng mainit, laging warm ang ating gatas.

Hi Ms Tin, may nagsabi sakin na wag munang magpadede dahil iinom ka ng antibiotic, makasasama sa anak ko ang gamot. Pero nireseta naman siya ng doktor. Ano po gagawin ko?

1y ago

Hi Mommy, kung alam ng OB na breastfeeding or Lactating Mom ka, bibigyan ka ng antibiotics na walang contraindication sa breastfeeding mo. kaya pwde magpasuso.

Ms. Tin, ano pong gagawin sa yung mga milk sa freezer pag nag brownout ng 10hrs? May scheduled power interruption po sa amin tas 10hrs po. Salamat po sa pagsagot.

Wag daw padedehin agad2x si baby paggaling ka sa initan..magpalabas ka daw muna ng 2 drops ng BM mo ago mo sya padedehin..bawal kamote tops at langka nagpapaampat ng BM

1y ago

Hi Mommy, myth po yang bawal magpasuso kahit galing ka sa init, may lugar sa mundo na mainit ang klima yet pwde sila magpasuso anytime. ang Kamote Tops naman ang healthy at langka ay hindi rin bawal, in fact nakakatulong pa yan sayo.

Madami akong naririnig na benefits o pros sa breastfeeding pero ano naman ang mga cons nito? napansin ko ksi parang mas clingy mga babies na breastfed kesa formula fed.

1y ago

Hi Mommy base on my experience as a breastfeeding Mom for 17yrs straight, wala naman akong nakikitang cons because I enjoy being with them always, but also kung clingy sayo sa ngayon eventually kapag lumaki na sila at kaya nila mag decide on their own. but don't forget rin to pamper yourself kahit simpleng mga bagay lang na makapagpasaya sayo, self care rin.

Hello Ms Tin! Totoo po ba na kapag nagbleed ang nipple area habang nagpapabreastfeed, kailangan nang itigil dahil masamang makainom ng dugo si baby?

9mo ago

nope normal naman talga yun mommy nagsusugat dede madali lng naman po mag heal yun .pwede pwede po magpadede kaht ganun .sakin dati ganun ngyare first time ko mag padede ang sakit kasi sugat sugat niple ko pero tiis lng heheh para breastfeed ang baby😊😊