Ask the Expert Series - 🤱🏻👶🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi?👶🏻❓️

🤱🏻💬Join me,Tin Cervantes, a Certified Breastfeeding Counselor and Owner of Yokabed - Home of Lactating Moms, sa Ask The Expert session on Breastfeeding & Lactation para sa topic na 🗨🤱🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi? 🤱🏻Kasama ang team ng theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Lactating Mommies sa inyong breastfeeding journey sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around myths and facts about breastfeeding, pain and sore nipples in breastfeeding, washing nipples before breastfeeding, flat or inverted nipples in breastfeeding, bleeding during breastfeeding—basically anything you hear about breastfeeding—I can help you confirm or deny here! ❓️💬 ❤️🤱🏻

Ask the Expert Series - 🤱🏻👶🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi?👶🏻❓️
64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hello Ms Tin! Totoo po ba na kapag nagbleed ang nipple area habang nagpapabreastfeed, kailangan nang itigil dahil masamang makainom ng dugo si baby?

2y ago

nope normal naman talga yun mommy nagsusugat dede madali lng naman po mag heal yun .pwede pwede po magpadede kaht ganun .sakin dati ganun ngyare first time ko mag padede ang sakit kasi sugat sugat niple ko pero tiis lng heheh para breastfeed ang baby😊😊

Good Afternoon po, bakit po sa kabilang breast ko pag nag papump aq parang dugo or rusty ung kulay nya while ok nmn po sa kabilang breast. Salamat po sa sagoy

2y ago

thank you so much po Ma'am♥️♥️♥️

Hello po. Ask ko lang po. Totoo bang pag nahlulungad madalas si baby after breastfeed, maaring reason ay di katama ng baby ang gatas ng ina? Thank you

Hello Ms. Tin hindi po pamahiin pero totoo po ba ang sinasabi nila na kapag breastfeeding ka ay hindi daw po agad nabubuntis. parang contraceptive?

Totoo po ba na nadede ni baby ang kinakain nating mga mommy? May rashes po kasi si baby ko, bawal daw pong kumain ng mga itlog, manok, talong at toyo?

2y ago

Mommy track mo yung kinain mo past few days, isa isa lang muna, then kung ano nag react yun muna ang iwasan mo, temporary lang naman ang ilan., ma outgrew rin nila yan eventually

Ms Tin bakit yung anak kong breastfed di ganoon kataba. yung isang anak kong formula fed, siya pa yung mukhang mataba at malusog. ask ko lang.

2y ago

Hi Mommy di po basehan na kung payat ay di healthy at ang mataba ang healthy, dahil depende po sa genes or kaninong structure ng katawan namana ni baby ang mga breastfed, natural food ang breastmilk at hindi po artificial, ang protein ng breastmilk rin ay easy to digest. at ayon sa pag aaral kahit lean ang katawan ng mga breastfed ay mas hindi sakitin.

Mam Tin bakit po kaya minsan mabango ang katas ng breast milk amoy candy, pero minsan naman ang lansa ano pong cause non? sa nakakain ba?

TapFluencer

Hello Ms. Tin! Totoo po bang walang overfeeding ang breastfeeding? Nilulungad kasi lagi anak ko pag nagpapadede ako nung first months niya.

2y ago

yes po walang overfeeding kung breastfeeding or breastmilk since easy to digest ang protein ng breastmilk, normal lang ang lungad as long as gaining naman sila ng weight at still happy baby, pwde happy spitter lang and eventually ma outgrew rin po nila yan.

VIP Member

Ano po bang mas mabuti, milk feed the baby every 2-3hrs (per schedule) or wait kung kailan sya gugutom (demand feeding)? Thank you.

yung anak ko po 18months n po sya pero 8.4 lang ang timbang nya pure breastfeed po and malakas naman din po sya kumain.