Ask the Expert Series - πŸ€±πŸ»πŸ‘ΆπŸ» Paano Nakakatulong ang Breastmilk sa Immunity ni Baby?πŸ‘ΆπŸ»β“

πŸ€±πŸ»πŸ’¬Join me,Tin Cervantes, a Certified Breastfeeding Counselor and Owner of Yokabed - Home of Lactating Moms, sa Ask The Expert session on Breastfeeding & Lactation para sa topic naπŸ€±πŸ»πŸ‘ΆπŸ» Paano Nakakatulong ang Breastmilk sa Immunity ni Baby?πŸ‘ΆπŸ»β“ 🀱🏻Kasama ang team ng theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Lactating Mommies sa inyong breastfeeding journey sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around: Health Benefits of Breastmilik How Breastmilk Helps Baby's Immune System Nutrients Baby gets from Breastfeeding How Breastmilk Can Help Baby When Sick Can Breastmilk Work Like Medicine And so much more! Mama's Choice Featured Products of the Week: Skin Vitamin Lotion Moisturizing Hand Gel Kids Toothpaste

Ask the Expert Series - πŸ€±πŸ»πŸ‘ΆπŸ» Paano Nakakatulong ang Breastmilk sa Immunity ni Baby?πŸ‘ΆπŸ»β“
61 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommies, I just gave birth. Nung nasa ospital pa kami ni baby, unlilatch talaga since sa public lang ako nanganak, bawal bottle feeding dun. May output naman sya (poops at urine) which means kahit papano may nakukuha sya sakin tama po ba? Ngayon po nakauwi na kami, parang wala na sya makuha sakin. Same lang din naman paglalatach namin nung nasa ospital pa kami. As in iyak ng iyak. Naawa ako baka kung mapano kaya napilitan na muna kami bumili ng formula milk. Pero di po ako susuko sa pagbreastfeed. Penge naman po tips. Nagtetake po ako ng malunggay capsules at malakas po ako sa water. Medyo stressed lang po ako kase naawa talaga ako sa anak ko sa sobrang iyak nya. Alam ko nakaapekto po yun sa daloy ng milk. Please help me po. 😒

Magbasa pa
1y ago

Hi Mommy, ang output po at least urine or ihi ay 6-7x in 24 hrs at least 1-2 poops in 24hrs also. I will hand expression baka may barado lang sa breast. https://www.youtube.com/watch?v=yjjoPmJ0rwE&feature=share check mo rin Mommy kung tama ang latch ni baby, kung masakit , may mali, kung may clicking sound shallow latch. try to search 'assymetric latch" tutorial sa youtube. make sure na tama rin ang position.

Doc Tin ask ko lang kung ako lang ba ung tamad talaaga ko mag pump kaya 1 aday lang ako nag pupump pag talagang ntagas lng at dpa nadede c baby. Dahil ayoko nmn mag oversupply di ako nag iipon ng milk kaya ung na pupump ko lagi na 6oz pinapainom ko sa 2nd ko na 3years old πŸ˜… kaya nagagaya din ung panganay ko na 10yo hinahalo nya sa miloπŸ˜†.ATT dahil maarte asawa ko ayaw tikman hinahalo ko sa kape nya cnasabe ko nlng coffeemate un khit wala nmn kme coffeemate 🀣🀣🀣🀣🀣🀣🀣🀣

Magbasa pa
1y ago

Hi Mommy, if baby's gaining weight naman through direct feeding at least 500grms per month, means sapat ang naiinom nya sayo . di naman need mag pump or mag collect kung ayaw mo, pwdeng as needed lang gaya ng ginagawa mo kung kailan lang feeling mo marami, tama yang ginagawa mo, di ka mag oversupply kung as needed lang. and nakakatuwa naman kasi naibibigay mo pa sa eldest mo ang liquid gold mo pati sa asawa mo hehe .. good job Mommy 😍😍

TapFluencer

πŸ†πŸŽ‰ CONGRATS Mommy July Anne Perano! You are the chosen winner of this Ask the Expert session's Giveaways by Mama's Choice!! Please claim your prizes by sending us an email at @[email protected] and include a screenshot of your question and the ATE post. πŸ†You WIN the following PRIZES πŸ†πŸŽ‰ Mama's Choice Sun Vitamin Lotion Mama's Choice Moisturizing Hand Gel Mama's Choice Kids Toothpaste

Magbasa pa

3 weeks na kami ni baby pero ang napupump ko prng milk nya is 120ml lang lagi. 2 beses ako nagpupump isa sa morning isa sa gabi ung 120ml na un is hirap pa ko punuin dahil nagrerest ako for 15 mins. Halos 1 hr ko bago mapuno. Ask ko lang po panu po magparami ng milk supply? Dahil pumapasok rin ako sa grad scul which is naiiwan ko si baby minsan at gusto ko maka iwan ng maraming milk for her. Salamat po#pleasehelp

Magbasa pa
1y ago

Hi Mommy, hindi measurement ang nakukuha ng pump sa production ng breast, kahit after pumping at nagpapadede ka di yan nauubusan ng milk, basta effective ang transfer ng milk. sa age ni baby mo at 120ml ang nakukuha mo, marami po yan, 30-45ml per hour ang average na milk intake nila kung di ka nakakapag direct feed. more latch makes more milk,more sucling makes more milk, most mothers can make more milk than your babies take, at kahit kambal ay pwde. something hot or something warm makakatulong rin sayo to feel good about yourself, it is also important na laging kasama mo ai baby at on demand feeding para tumaas ang confidence more na you can produce more milk. iwasan mo lang rin ang caffeine intake na matataas para di humina ang supply. more water at wag magpapagutom.

Mga mi may question lang po sana ako. Sana may maka help. Pregnant po kasi ako while breastfeeding sa panganay ko 2yrs old. Madalas kasi masakit d*d* ko matigas ganyan pero alam ko naman dahil sa pagbubuntis ko din yon. Ang question ko sana hindi naman ba madedede ni panganay ko yung yellow na gatas? Yung unang gatas na need ng mga newborn na pinaka masustansya daw

Magbasa pa

Hello po Ms. Tin Cervantes, kakapanganak ko lang po 2 days ago ang yung baby ko po ay nasa NICU, hinihingian po ako n magready na ng breastmilk in case na need na ifeed si baby. 2days na po ako nag hot compress at massage ng breast kaso wala pa po ako nakukuha. Any tips po? Salamat po

Hello po. Currently breastfeeding my 3 year old and my 5 month old. Hindi po kaya maagaw ng 3 year old ko yung nutrients or makulangan ng milk si 5 month old? Di ko kasi ma wean si 3 year old and dahil na rin sa picky eater siya and parang nagiging comfort an rin niya πŸ˜…

1y ago

Thank you, Ms. Tin.

TapFluencer

Nakakatulong ang Breastmilk sa immunity ni baby para makaiwas sa mga sakit at para hindi sakitin ang ating mga baby gaya ko na Breastfeeding mommy malusog at hindi sakitin ang aking baby at nakakatulong itong mag develop ng maganda ang brain ng ating mga baby

Hello po good day! Ano po dapat ko gawin yung anak ko 1 year and 2 months ayaw kumain kahit anong pilit ko complete naman sa vitamins wala parin ganang kumain. Milk lang talaga yung iniinom niya pero maliksi naman po siya. Salamat po sa sagot

Hello po. Good day! Pag nilalagnat kasi si bb ko pinapa dede ko siya ng madalas. Tanong ko lang po, okay lang ba na pinapadede ko si bb kahit hindi pa umaabot ng 2-3hrs? Nanghihingi po kasi siya ng dede.

1y ago

Mommy on demand feeding lalo na kung may sakit si baby, mas need nya madalas sumuso para mas mabilis syang maka recover sa sakit nya. di kailangang hintayin ang 2-3hrs, hanggat gusto nya ipasuso lang.