Ask the Expert Series - 🤱🏻👶🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi?👶🏻❓️

🤱🏻💬Join me,Tin Cervantes, a Certified Breastfeeding Counselor and Owner of Yokabed - Home of Lactating Moms, sa Ask The Expert session on Breastfeeding & Lactation para sa topic na 🗨🤱🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi? 🤱🏻Kasama ang team ng theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Lactating Mommies sa inyong breastfeeding journey sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around myths and facts about breastfeeding, pain and sore nipples in breastfeeding, washing nipples before breastfeeding, flat or inverted nipples in breastfeeding, bleeding during breastfeeding—basically anything you hear about breastfeeding—I can help you confirm or deny here! ❓️💬 ❤️🤱🏻

Ask the Expert Series - 🤱🏻👶🏻Mga Pamahiin sa Breastfeeding: Totoo o Hindi?👶🏻❓️
64 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Madami akong naririnig na benefits o pros sa breastfeeding pero ano naman ang mga cons nito? napansin ko ksi parang mas clingy mga babies na breastfed kesa formula fed.

2y ago

Hi Mommy base on my experience as a breastfeeding Mom for 17yrs straight, wala naman akong nakikitang cons because I enjoy being with them always, but also kung clingy sayo sa ngayon eventually kapag lumaki na sila at kaya nila mag decide on their own. but don't forget rin to pamper yourself kahit simpleng mga bagay lang na makapagpasaya sayo, self care rin.