Ken Ezekiel T. Vidal
Edd: Oct 3, 2020 Dob: Oct 2, 2020 Via Normal delivery 2.9kg Share ko lang mga momsh experience ko Pasensya na agad mahaba po ito😊 Sabi nila Iba talaga ang pain basta panganay. Oct 1 mga 6pm nag pa IE na ako sa center kasi iba na talaga yung pain may discharge narin ako niyan na blood 1cm palang daw ako pero yung pain ibang iba talaga subrang sakit na ng balakang ko. Pag uwi ko ng bahay tuloy2x na talaga yung pain sabi ko 1cm palang to ha anong klasing pain pag umabot ako ng 9cm?😂 Straight talaga wala akong tulog mag damag puyat ako gusto kong e kalma ang sarili ko gusto ko maidlip pero iba talaga ang sakit. Oct 2 mga 10am naligo na ako pero palala ng yung sakit ng balakang ko hanggang mga 4pm d ko na kaya nag prepare na kami papuntang center. Mga kapatid ko kasama ko mga momsh ang asawa ko kasi nasa manila at ako nasa probinsya so kailangan ko din tulungan ang sarili ko. Nag pakatatag ako para sa baby namin. Oct 2 4:30pm pag IE sakin ng staff sa center 4-5cm na daw sabi ko need ko paba umuwi? Kasi ayoko na umuwi ng bahay sa totoo lang😂 pero pag IE sakin ng midwife 8cm na daw ako natuwa naman ako😊 6pm sinalang na ako sa DR sabi ulit ng midwife 6cm palang daw ako naloka ako mga momsh medyo na dissapoint ako kasi hirap na hirap na ako lakad lakad ulit. Sabi pa ng midwife sakin pag d daw ako nanganak mga 10pm refer niya daw ako sa hospital syempre nag effort ako na maglakad pa kahit subrang sakit na talaga. Bago isinalang sa DR ng 8pm dumating nanay ko Mother in law ko at 3 ko pang kapatid andaming nag aabang kay baby. 8-8:30pm hindi pa lumalabas si baby subrang hirap na ako humi hingi na ako ng tulong sa midwife na tulungan ako pero waley talaga nag advise na si midwife by 9pm wala parin refer na talaga sa hospital(mahina talaga si midwife kasi active labor ako pero never niya ako ininject ng pam pahilab) yung family ko kumontak ng kakilala naming midwife d kasi sha ang on duty nun kaya pina punta nalang sha sa center. Pag dating ng midwife na pina punta ng family ko tanong niya agad sa on duty midwife nabigyan daw ba ako pam pahilab sagot niya hindi daw. Bakit daw hindi e nasa pwerta na yung ulo ng bata nagalit sha sa on duty midwife pinapasok narin yung ate ko sa DR kasi mag 1hour na akong hirap sa pag ire at kina kapos na ng hininga dinadaganan na ni midwife ang tiyan ko pero wala talaga hanggang dumadami na yung dugo na lumalabas sakin. Natakot narin ate ko kasi baka mapano pa kami ni baby tinanong nila ako kung kaya ko pa? Sumigaw ako na hindi ko na kaya iyak ako ng iyak. Nag tawag na sila ng rescue para madala na ako sa hospital habang nasa sasakyan kami don palang tumatalab ang pam pahilab grabe subrang sakit yung taeng tae kana talaga😂 Pag dating sa hospital nag panic na mga nurse at yung nag recieve samin sa emergency kasi yung ulo nasa pwerta na talaga nag wawala narin ako sa subrang sakit talaga. takbuhan na yung mga nurse direcho na agad ako sa DR yung swero ng dextrose ko natanggal pa dahil nag wawala na talaga ako dat time sabi ko ok lang kung e ECS na ako bahala na yung gastos basta safe kami ni baby dasal lang ako ng dasal pero sabi sa DR relax lang daw ako kasi ma normal delivery daw ako. Dumating na yung OB na mag papaanak sakin prepared na lahat 2 ire lang ako baby's out na at 10:10pm subrang saya ko kasi narinig ko yung iyak ni baby. Dry labor na ako mga momsh andaming dugo na lumabas sakin. Sinuction ako ng mga tubo kasi kumulat na yung dugo tapos sabayan pa ng tahi ng walang anestesia grabe kinausap ko pa yung doctor bigyan manlang ako ng pain reliever kasi fresh talaga yung sakit ng tahi. Subrang nkaka proud din yung ganitong hirap na naranasan ko for the sake of my baby walang kapantay na kaligayahan. Sa mga soon to be mommy alaways pray lang po at laging tatagan ang sarili para kay baby. God bless mga momsh. Thank you😊
Soon to be mommy