Ken Ezekiel T. Vidal

Edd: Oct 3, 2020 Dob: Oct 2, 2020 Via Normal delivery 2.9kg Share ko lang mga momsh experience ko Pasensya na agad mahaba po ito😊 Sabi nila Iba talaga ang pain basta panganay. Oct 1 mga 6pm nag pa IE na ako sa center kasi iba na talaga yung pain may discharge narin ako niyan na blood 1cm palang daw ako pero yung pain ibang iba talaga subrang sakit na ng balakang ko. Pag uwi ko ng bahay tuloy2x na talaga yung pain sabi ko 1cm palang to ha anong klasing pain pag umabot ako ng 9cm?😂 Straight talaga wala akong tulog mag damag puyat ako gusto kong e kalma ang sarili ko gusto ko maidlip pero iba talaga ang sakit. Oct 2 mga 10am naligo na ako pero palala ng yung sakit ng balakang ko hanggang mga 4pm d ko na kaya nag prepare na kami papuntang center. Mga kapatid ko kasama ko mga momsh ang asawa ko kasi nasa manila at ako nasa probinsya so kailangan ko din tulungan ang sarili ko. Nag pakatatag ako para sa baby namin. Oct 2 4:30pm pag IE sakin ng staff sa center 4-5cm na daw sabi ko need ko paba umuwi? Kasi ayoko na umuwi ng bahay sa totoo lang😂 pero pag IE sakin ng midwife 8cm na daw ako natuwa naman ako😊 6pm sinalang na ako sa DR sabi ulit ng midwife 6cm palang daw ako naloka ako mga momsh medyo na dissapoint ako kasi hirap na hirap na ako lakad lakad ulit. Sabi pa ng midwife sakin pag d daw ako nanganak mga 10pm refer niya daw ako sa hospital syempre nag effort ako na maglakad pa kahit subrang sakit na talaga. Bago isinalang sa DR ng 8pm dumating nanay ko Mother in law ko at 3 ko pang kapatid andaming nag aabang kay baby. 8-8:30pm hindi pa lumalabas si baby subrang hirap na ako humi hingi na ako ng tulong sa midwife na tulungan ako pero waley talaga nag advise na si midwife by 9pm wala parin refer na talaga sa hospital(mahina talaga si midwife kasi active labor ako pero never niya ako ininject ng pam pahilab) yung family ko kumontak ng kakilala naming midwife d kasi sha ang on duty nun kaya pina punta nalang sha sa center. Pag dating ng midwife na pina punta ng family ko tanong niya agad sa on duty midwife nabigyan daw ba ako pam pahilab sagot niya hindi daw. Bakit daw hindi e nasa pwerta na yung ulo ng bata nagalit sha sa on duty midwife pinapasok narin yung ate ko sa DR kasi mag 1hour na akong hirap sa pag ire at kina kapos na ng hininga dinadaganan na ni midwife ang tiyan ko pero wala talaga hanggang dumadami na yung dugo na lumalabas sakin. Natakot narin ate ko kasi baka mapano pa kami ni baby tinanong nila ako kung kaya ko pa? Sumigaw ako na hindi ko na kaya iyak ako ng iyak. Nag tawag na sila ng rescue para madala na ako sa hospital habang nasa sasakyan kami don palang tumatalab ang pam pahilab grabe subrang sakit yung taeng tae kana talaga😂 Pag dating sa hospital nag panic na mga nurse at yung nag recieve samin sa emergency kasi yung ulo nasa pwerta na talaga nag wawala narin ako sa subrang sakit talaga. takbuhan na yung mga nurse direcho na agad ako sa DR yung swero ng dextrose ko natanggal pa dahil nag wawala na talaga ako dat time sabi ko ok lang kung e ECS na ako bahala na yung gastos basta safe kami ni baby dasal lang ako ng dasal pero sabi sa DR relax lang daw ako kasi ma normal delivery daw ako. Dumating na yung OB na mag papaanak sakin prepared na lahat 2 ire lang ako baby's out na at 10:10pm subrang saya ko kasi narinig ko yung iyak ni baby. Dry labor na ako mga momsh andaming dugo na lumabas sakin. Sinuction ako ng mga tubo kasi kumulat na yung dugo tapos sabayan pa ng tahi ng walang anestesia grabe kinausap ko pa yung doctor bigyan manlang ako ng pain reliever kasi fresh talaga yung sakit ng tahi. Subrang nkaka proud din yung ganitong hirap na naranasan ko for the sake of my baby walang kapantay na kaligayahan. Sa mga soon to be mommy alaways pray lang po at laging tatagan ang sarili para kay baby. God bless mga momsh. Thank you😊

Ken Ezekiel T. Vidal
32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Wow long post pero worth reading naman. 😍Nakakaproud ka momsh. Ang hirap talaga manganak kapag panganay😅Nahirapan din ako nung nanganak ako pero worth it naman lahat. Congratulations to both of you monshie. And hello kay baby welcome to the outside world. 😇😇😇Good job momsh. Btw bakit po siya may takip sa mata?

Magbasa pa
4y ago

Ah kaya pala. your welcome po momsh. keep safe kau palage ni baby. God Bless😇😇😇

VIP Member

congrats mommy💙 grabe kinakabahan at natatakot na tuloy ako manganak dahil sa kwento mo. huhu sana hindi ako pahirapan ni baby ko. #firsttimemom

4y ago

kaya mo yan mommy💪 Pray lang po lagi😊🙏

VIP Member

Congratulations mommy. October due din ako, 19. May bloody show na. pero 1cm palang. Praying na tuloy tuloy na ang progress.

4y ago

Praying sa inyo mga momsh. Sakin nung 1cm ako bongga yung pag inom ko ng salabat 4x a day malaki din ang tulong sakin. try niyo rin mga mommy😊

Good job mumsh nakayanan mo yun! Congrats sainyo ni Baby,antaba na agad!❤ Bat nga pala sya may takip sa mata?

4y ago

Ohhh. Ok na ba sya?

congraTs,,😊,,,nkAka kabA nmN,,,laLo ko tuLoy gsTo mngAnak nA,,😊,,teAm nov. herE

4y ago

Thank you mommy😊 Pray lang mommy. kaya mo yan💪

congratz mommy... ❤️sana ako din po makaraos na din...october 19 due

4y ago

thankyou mommy... godbless din po at kay baby..🙏🙏

congrats mommy.....sana ako din...hehe..lmp ko oct.21...utz nov.3

4y ago

God bless mga momsh. kaya niyo yan pray lang talaga at kausapin niyo si baby lagi💪🙏

ako 2cm na. sana may progress ung cm ko pag nagpa check up ako mamaya.

4y ago

Mag salabat po kayo mommy and pineapple juice. yan lang din po ininom ko.

Congrats mommy😍😍😇 Mommy ano po yan nsa mata ng baby nyu

4y ago

Thank you mommy. worth it talaga lahat ng pain nung nakita ko na si baby. Kay mo yan mommy pray lang lagi💪🙏. keep safe mommy God Bless you🙏

Congrats po my! Pero bakit may nakatakip sa may ulo ni baby?

4y ago

Ah. Ok po mommy.