Welcome my baby (long post ahead)

Share ko lang mga momshie delivery journey ko. 1 am ng oct.22 may konting pain na kong nararamdaman sa puson ko, akala ko false labor lang since 10-20mins yung pagitan. Hanggang magumaga, di na talaga ko nakatulog. 5:30 nagdecide kami ni hubby na pumunta na sa lying in kung san ako manganganak. Pagdating dun ie agad, and to my surprise, paa daw ni baby yung nakapa ng midwife and 6cm na ko. Pinagmadali na kami na pumunta sa hospital kc on labor na talaga ko, need ko daw ics.. Private hospital kami nagpunta nung una, kaya lang di kaya ng budget, lipat kami sa public hospital, while nasa ambulance kami, sobrang sakit na talaga. Pag tigil na pagtigil palang pumutok na panubigan ko. Di ko talaga maexplain yung pain lalo at breech xa, pinipigilan nila akong umire. Kc malalagay daw sa alanganin baby ko, kaso minutes lang after pumutok ng panubigan ko, nakapa ko na yung paa ni baby. Ayun na, nagkagulo na sila. Iniakyat na ko agad sa 3rd floor at dun na sa pasilyo palang, pinaanak na nila ko. Sobrang hirap at sakit, pero worth it nung makalabas baby ko. Sobrang thank you dito sa tap at sa mga mommy, dami ko natutunan.. And now, meet my baby.. Baby Enrico Macam DOB: Oct. 22, 2020 EDD: Oct. 30, 2020 Via Normal delivery 3 kl

Welcome my baby (long post ahead)
47 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

paano nila pinalabas si baby ng normal kahit breech po si baby?? curious lng po. God is miraculous tlaga. Congrats mommy.

4y ago

tinulak ulit ni doc yung isang paa ni baby ko momsh papasok, siguro 2 o 3 times nya tinulak. then nung naayos na nya siguro at nakuha na nya yung dalawang paa ni baby, pinairi nila ko ng todo. ayun, awa ng dyos nailabas ko naman po xa. ang haba lang ng hiwa sakin..

TapFluencer

congrats po galing nman ni baby lumusot hehehe nd na pinahirapan c mommy nia sa gastos congrats momsh...

4y ago

welcome momsh

VIP Member

Congrats mamsh 🎉😍 Welcome baby boy.. ask lng mommy bigla nlang po ba sya nging breech?

4y ago

ok mommy, goodluck po sayo. makakaraos ka din, pray lang

Meron akong kumare na ganyàn din, breech pero nakaya niya Ng normal. Congrats.

4y ago

yes mommy, salamat.. buti nga nakaya ko din.. sobrang thankful din ako sa mga doctor at xmpre kay baby, kc nung nilabas ko xa di xa agad umiyak.. buti na lang fighter din si baby ko ☺

congrats mamsh😍🥰.buti nainormal mo pdin.usually xe kpag breech CS nga.

4y ago

oo nga mamsh, tnx to god talaga kc di nya kami pinabayaan, lalo at di agad umiyak si baby paglabas.

kapag po ba sa lying in manganganak kelan dapat mag start mag punta dun ?,

4y ago

Nung manganganak na ko nagpunta ko sa lying in nung nakaramdam na ko ng contractions, though minonitor ko sya ng almost 5 hrs bago dumiretso and pagdating dun 6 cm pa lang. 3 days akong nasa 4cm bago ko naramdaman yung contractions. Mag IE naman sila sayo to see if need mo na talaga maadmit.

VIP Member

Buti po nainormal nyo kahit breech position si baby. congrats po 🤗

4y ago

oo nga mamsh eh. pasalamat nga din ako kc nainormal ko xa..

congrats po...sana po makaraos na rin po ako congrats mommy😍😍

VIP Member

wow! galing ni mommy breech pero NSD. congrats po

4y ago

korek ka jan mommy.. 😁

Super Mum

Hello baby Enrico! Congratulations mommy ❤️