MEET MY BABY❤️

HARA ATASHA 39 WEEKS AND 6 DAYS DUE DATE: AUGUST 3 DATE OF BIRTH: AUGUST 2 2.9kg Share ko lang experience ko as a first time mom ❤️. Grabi subrang hirap pala.. August 2 1:35 am nagising ako sa subrang sakit ng puson at balakang ko akala ko panaginip lang grabi subrang sakit at ang hirap kasi dugo lumabas sakin.. Kaya 4:50am pumunta na kaming lying in pag IE sa'kin 1cm palang pero subrang sakit na kaya pinauwi mona kami. So ayon sa bahay halos naiyak iyak na ako sa sakit imagine 1cm palang pero super sakit na talaga. Pero tiniis ko hanggang 3:00pm di kona talaga kaya super sakit na talaga patindi na ng patindi may lumabas narin na panubigan ko pero kunti pa kaya bumalik na kaming lying in pag IE sa'kin 3-4CM palang di na kami pinauwi tiniis ko talaga yung sakit hanggang 9:30pm don na talaga halos mahimatay na ako sa subrang sakit. Kaya sabi ko sa midwife ang sarap ng umiri tapos natatae na ako kada sakit ng puson ko yung yung na fefeel ko kaya pinasok na akong delivery room pag IE 8-9CM pinatagilid muna ako mga 20 minutes so ayon after 20 minutes Pinairi na ako din 10:20 pm lumabas na baby ko subrang sarap sa pakiramdam pag narinig muna yung iyak ng baby mo. Subrang thankful ako sa nagpaanak sakin at umalalay kasi subrang bait nila. At take note! Di ako nasaktan sa pag IE at pagtahi sa pempem ko ha ganon sila ka gentle 😂❤️. Kaya sa mga soon to be mom diyan kaya niyo yan pray lang talaga kayo🙏🙏.

MEET MY BABY❤️
39 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats momsh 😁😍 39 weeks and 1 day ko na. Nakakakaba naman yang na experience mo pero Excited narin ako to meet my baby boy 😊

😢😭😭😭anu ba yan ganyan ba talaga kaskit manganak mamshie nakayanan mo.. ang galing mo😭sana makaya ko rin huhu

4y ago

Oo subrang hirap yung feeling na gusto mo nalang ipahiwa tiyan mo para lumabas agad c baby 😅😅.

Congrats po. :) Magkano po gastos nyo sa lying in? hehe

4y ago

Mahal naman mommy.. samin 2k lang talaga wala pang Philhealth.

VIP Member

Congratulations po,mommy,sa cute niyong baby girl💖

Bakit mommy masakit ba pag tinatahi na yung pempem?

4y ago

Hindi naman sis di mo ma feel may anesthesia naman.

hello baby welcome to the world . congrats mommy

VIP Member

Congrats cute ng baby mo😍💗

VIP Member

Welcome to the world Baby 🎉

cutee ni babyyy, congratssss mamshh

Congratulations po 💐💐