success!!

Meet my Kenzo Gabriel ❤️ Edd: July 21 Dob:July 9 (7:15pm) 2.96 kilos/6.51 lbs Via normal delivery Sobrang sakit ng labor ko kasi nauna lumabas ang dugo 3am pa lang humihilab na tiyan ko at nasakit na balakang ko..8:30am nagpa i.e sa lying inn at sabi ng midwife 2cm pa lang ako at makapal pa cervix ko so umuwi muna kami..around 11am,grabe na yung sakit 2-3mins interval na..kumain muna ako ng lunch tapos pahinga konti..mga 2:30pm pumunta na kami ng lying inn dala na namin mga gamit namin at kay baby(for admission na)3-7pm grabe yung labor ko parang mapuputol na yung likod ko na ewan d ko maintindihan..then mga 7pm na nagrapture yung panubigan ko then dali2x ako pinapunta sa delivery room..7:15 lumabas na c baby..thanks god....kaya gudlak sa mga team JULY jan..😊

success!!
68 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po! Edd ko July 29 sa first ultrasound, at July 24 naman sa second ultrasound. Ganun pa rin no sign of labor haha gusto ko na makaraos kasi super excited na ang panganay ko na makita ang baby sister nya. God bless sa #TeamJuly

4y ago

Makakaraos ka din momsh,kinakausap ko din c baby nung nasa tummy pa lang sya..walking everyday lang atleast 1hr..kahapon tinry ko uminom ng pineapple juice pero konti lang kasi sobrang asim at mejo matamis..

Congratulations girl kase naka raos kana ako hindi pa. within next week na ako manganak sana maging normal din ako. Mahirap kase kapag meron kana edad bago na sundan ulit.

Same tayo momsh, dob. Ko din ng july 9, 7:10 am ( edd. July 14).❤❤ Nauna din dugo sa akin, sobrang sakit, na parang gusto ko ng umire ng umire. Dami ko din tahi😁

VIP Member

Congratss momsh. Nauna kapa sakin 😅 edd ko july 18 no sign of labor padin ako . Sana makaraos nadin .

congrats mommy.. sana si baby mag yaya na din sya. edd. ko july 22 pero wala parin sign of labor😔

Congrats momsh. Same tayo nagkaroon ng bloody show. 2 days labor ako. Pero so happy nakaraos na.

VIP Member

Team July ❤️ Sobrang excited na din makaraos at makita si baby boy kooo. Congrats po! ☺️

Congrats po magkano po nagastos nyo panganak sa lying in balak kupo kasi manganak din sa lying in

4y ago

Magkano po hulog nyo nun sa Philhealth-..

Excited n rin ako due date ko july 15 peo pwala wala p ung tigas ng tyan ko at balakang

4y ago

goodluck mommy! stay safe sa inyo ni babu ❤️

Mommy nung nag IE Ka Diba may dugo Yun after. Tapos tuloy tuloy na Yung dugo??