Di ko alam kung tama pa ba tong ginagawa samin ng mother ng asawa ko gusto kong hayaan na lang kasi ayoko na pati tungkol sa pera pag awayan pa namin..Nung una wala naman sakin kung magbigay bigay asawa ko sa nanay niya ng panggastos dito sa bahay since dito naman din kame nakatira ng asawa ko 30 weeks pregnant ako hindi ko alam kung masyado ko lang ba talagang pinapalaki yung problema pero since magkakaanak na kame ng asawa ko gusto ko magkaipon kame pero ang nangyayari eh halos lahat ng sahod ng asawa ko hinihingi na ng nanay niya..okay lang naman samin tumulong dito sa bahay pero parang inuubliga na niya asawa ko na ganto ibigay niya tapos ang gagawin ng nanay ng asawa ko eh ibibili niya ng gamit sa motor di kaya pangsusugal pero gamit nga ng anak ko wala pa kame halos nabibili knowing na malapit na ko manganak..asawa ko naman di naman makaangal kasi kahit papano nakakaasa naman kame sa nanay niya..ultimp pagbinilihan ako ng asawa ko ng gamit palagi pa siyang may tanong na bakit mo siya binilan nun kesyo baka masanay siya ng ganyan tapos pag di mo na maibigay iwan ka..nakakabwiset lang ultimo pagbili sakin ng asawa ko ng stock ng pagkain na nilagay niya sa kwarto para pag nagutom ako may makakain ako agad eh nagawa pang sabihin na pinagtataguan ba namin siya ng pagkain..payo naman po sobrang sama lang ng loob ko#1stimemom #pregnancy #advicepls #momcommunity