Ako lang ba? Bakit naging ganito ako?

Hindi ko alam, pero parang ang hirap maging asawa at nanay. Hindi ko alam pero bakit bigla ako nag iba, palagi ako nagagalit o naiinis sa asawa ko kahit wala naman siya ginagawa. Minsan oo naiinis ako kasi pakuramdam ko pagod na pagod na ako. Namimiss ko yung dating kame ng asawa ko, alam kk na nasasaktan ko siya sa mga actions ko. Paano ko ba maiiwasan magalit? Paano ba maging nanay at asawa ng sabay? Parang asan ako dun? Kapag nanay at asawa na ba, wala ng ikaw?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan ako nung kapapanganak ko lang. parang ayaw ko makita asawa ko nun. sa anak lang namin nabuhos oras ko nun. labanan mo po, kung ma open up mo sa kanya para maalalayan ka nya. isip ka masasayang moment. pray. magigng ok din nararamdaman mo po.

3y ago

Sa totoo lang nag oopen a siya. Kasi sabi niya okay ako ngayon, mamaya hindi nanaman. nakakapagod na daw, pilit niya ako iniintindi. Pero naging ganon ako after ko mananak sa 1st baby namin. mag 10 months na si baby, narerealize ko naman mga pinagbago ko at ayoko nun. gusto mo maging mabuting asawa din. sabi nga ng asawa ko, parang mas handa pa ako maging nanay kesa asawa. samalat mommy sa comment mo. praying malampasan ko ito. malampasan namin. 😭😭😭😭

TapFluencer

Habang dumadami anak natin nawawala na rin identity natin kasi yung priority nasa pamilya na. Kaya mapapansin mo parang ibang tao ka. Sabayan mo pa ng asawang walang pang intindi. Paglaki ng mga anak ko babawi aq sa sarili ko