Husband and his kabet

Di kami magkasama ni hubby sa bahay dahil stay-in sya sa work. Nag leave sya nung mismong birthday ko at kinagabihan, bigla ng may nagtext saking babae. Tinatanong kung ako daw ba yung asawa. Baliktad na e, parang kasalanan ko pang ako yung legal wife. Dahil wala talaga akong pake nuon, di ko pinansin yung girl. Pinayuhan ko lang sya na wag papatol sa may asawa at lugi sya. After ilang months, may nagchat na naman sakin at nagpadala ng mga pic nung girl at ng asawa ko na magkasama. Magkakiss, magkatabi sa kama, date sa MOA. Nanginginig ako kasi di ko expect na papatol talaga asawa ko e. Dun na nagsimula yung trust issues ko. Ilang buwan na nakalipas, ginugulo pa din ako nung babae. Take note, may asawa din tong babae ah. At kamukha ng asawa ko HAHA older lang yung asawa nya. Ang sarap na patulan e kaso sayang din naman ang lakas ko. I blocked her na lang sa fb para makausad na ako although mahirap. Nandun sakin yung gusto ko na lang hiwalayan yung asawa ko pero di nangyayare kase anong punto non? Hayaan ko na lang sya mambabae talaga? Sayang sweldo sa iba pa mapupunta HAHA Buti na lang din bago pa nung unang beses na may nagtext sakin about my husband cheating, nag resign na sya ng trabaho. Kaya di na sila magkasama sa work. Pero tuloy pa din sya mang gulo hanggang sa nag decide nga ako iblock sya ksi pinapraning nya ako e. And hindi n maganda epekto sa pagsasama namin ng asawa ko. Pero tbh, hanggang ngayon sobrang sakit pa din. Naiisip ko deserve ko ba yun. Mambababae na nga lang dun pa sa ano. Hay. Mga ganong feeling. Pero kinakaya pa naman para sa anak. 👍

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pray ka lang mommy.. everything will be ok basta kapit lang kay God.. Better confront your husband.. oo nakakatakot kasi baka mamaya hindi ikaw piliin nya.. And that is very painful.. and if ganun nga.. you have to let go kasi mahirap kung isa lang gusto lumaban.. pero be brave na ilaban rights ng mga anak mo...PERO kung mahal ka nya at ang pamilya nyo... at gusto nya nmn maayos family nyo..ipaglaban mo sya.. wag mo hayaan yung pamilya mo ang masira... Tandaan mo.. Ikaw ang asawa.. ikaw may karapatan sa asawa mo...masakit pero pag nangibabaw yung love nyo hindi lang sa isat isa pati sa family nyo sa mga anak nyo.. magiging ok lahat.. gawin nyo center si God...

Magbasa pa