Husband and his kabet

Di kami magkasama ni hubby sa bahay dahil stay-in sya sa work. Nag leave sya nung mismong birthday ko at kinagabihan, bigla ng may nagtext saking babae. Tinatanong kung ako daw ba yung asawa. Baliktad na e, parang kasalanan ko pang ako yung legal wife. Dahil wala talaga akong pake nuon, di ko pinansin yung girl. Pinayuhan ko lang sya na wag papatol sa may asawa at lugi sya. After ilang months, may nagchat na naman sakin at nagpadala ng mga pic nung girl at ng asawa ko na magkasama. Magkakiss, magkatabi sa kama, date sa MOA. Nanginginig ako kasi di ko expect na papatol talaga asawa ko e. Dun na nagsimula yung trust issues ko. Ilang buwan na nakalipas, ginugulo pa din ako nung babae. Take note, may asawa din tong babae ah. At kamukha ng asawa ko HAHA older lang yung asawa nya. Ang sarap na patulan e kaso sayang din naman ang lakas ko. I blocked her na lang sa fb para makausad na ako although mahirap. Nandun sakin yung gusto ko na lang hiwalayan yung asawa ko pero di nangyayare kase anong punto non? Hayaan ko na lang sya mambabae talaga? Sayang sweldo sa iba pa mapupunta HAHA Buti na lang din bago pa nung unang beses na may nagtext sakin about my husband cheating, nag resign na sya ng trabaho. Kaya di na sila magkasama sa work. Pero tuloy pa din sya mang gulo hanggang sa nag decide nga ako iblock sya ksi pinapraning nya ako e. And hindi n maganda epekto sa pagsasama namin ng asawa ko. Pero tbh, hanggang ngayon sobrang sakit pa din. Naiisip ko deserve ko ba yun. Mambababae na nga lang dun pa sa ano. Hay. Mga ganong feeling. Pero kinakaya pa naman para sa anak. πŸ‘

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

related ako dito,πŸ˜…πŸ˜… nun buntis ako nalaman ko nagcheat din si lip. nag ala detective Conan ako para malaman details. pero di ko inaway si girl. di ko din inaway lip. nagchat sakin si girl para ipaalam un status nila. kinaybigan ko para malaman ko lahat at kung sino sino sa common friend namin nakakaalam at relatives nia. takenote kinunsinti ng lhat ng tropa at byenan ko at mga kapatid. sa bahay pa ng pinsan nila ginagawa ang milagro. masakit oo. pero nanaig sakin pagiging calm ko. gumawa ako dummy account para magchat ko sarili ko bout sa cheating nia. why? para mapraning sya. kakaisip kung sino ang nagtraydor sa kaniya🀣 di ako nagkamali. nagaway away sila ng mga tropa at mga relatives nia dahil sa "dummy" na nagchat sakin at nagdetalye ng mga ginagawa nila ni girl🀣🀣 ending nagtino. pero may lamat na relasyon namin lalo na trust issue. 1yr narin sya namatay ngayon. ok na akong single parent ❀️

Magbasa pa

grabe ha, super strong mo naman.. i confront mo asawa mo..kung hahayaan mo yan at di mo sya i coconfront parang ang dating sa kanya okay lang sayo kahit sa teleserye kapag my ngtext na kabet sugod agad.. kahit naman ako...papatulan ko ung babae πŸ˜‚ grabe kapal naman ng mukha non hahaha... pero kase nga iba na panahon ngayon kung sino pang kabet sya pa malalakas ang loob gnyan kse uso sa social media ngayon e kaya dmeng kabet na akala mo nama'y ikinaganda at ikina hot nila ang patulan sila ng may asawa o karelasyong iba akala mo yung mga kabet e iki na proud pa nila ung pangangabit nila 😀pakisabi sa asawa mo ang kapal ng mukha nya πŸ˜‚ sorry galit lang din ako sa gnyan, ng kagnyan din kse jowa ko noon na asawa ko na ngayon, kinonfront ko ung babae ininvite ko pa sa kasal namen may asawa na din ung babae at mdameng anak shocka talga naaalala ko na naman πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ sorry po

Magbasa pa

ay nako ko momsh... alam ko sobra hirap.. been there.. pero hingi ka lang guidance kay God and tutulungan ka nya.. ako inilaban ko asawa ko at karapatan ko bilang legal na asawa... and nakita at nraramdaman ko din naman na gusto talaga ng asawa ko ayusin family namin.. kaya sino ako para ipag kait yon. mas masakit kung yung mga anak ko makikita ko mag suffer dahil hinayaan namin masira tuluyan family namin... and Thank God still we are complete we are happy.. and I can say pinatatag kami ng mga nangyari.. mahirap pero sabi ko nga ask lang ng guidance kay God and magiging ok din lahat.. and yung sa naging other woman ng asawa ko pinapakita ko sa kanya na masaya kami.. maumay sya 🀣

Magbasa pa

grabe na mga kabet ngayon 🀣 lakas ng loob nuh . para sakin mommy napakatapang nyo at nagagawa nyong maging matatag para sa mga anak .kahit peste Yang asawa mo.. haist akala Naman ni kabet ehh kinaganda nya un πŸ˜… at least tayong mga legal wife minahal ng totoo ehh sya Mahal ba talaga 🀣 if I know mga lalaki sex Lang habol sa mga kabet πŸ˜… Pero hayaan na natin sila ..ang mahalaga wala tayong nasisirang pamilya .wala tayong kasalanan at pagkukulang sadyang babaero Lang mga lalaking madaling maakit napakarupok 🀣 karma si real namn .ako malakas loob ko Kasi pag ginawa sakin Yan ipapakulong ko sila. God bless po mommy .Kaya natin Yan malakas Tayo πŸ₯°

Magbasa pa

Pray ka lang mommy.. everything will be ok basta kapit lang kay God.. Better confront your husband.. oo nakakatakot kasi baka mamaya hindi ikaw piliin nya.. And that is very painful.. and if ganun nga.. you have to let go kasi mahirap kung isa lang gusto lumaban.. pero be brave na ilaban rights ng mga anak mo...PERO kung mahal ka nya at ang pamilya nyo... at gusto nya nmn maayos family nyo..ipaglaban mo sya.. wag mo hayaan yung pamilya mo ang masira... Tandaan mo.. Ikaw ang asawa.. ikaw may karapatan sa asawa mo...masakit pero pag nangibabaw yung love nyo hindi lang sa isat isa pati sa family nyo sa mga anak nyo.. magiging ok lahat.. gawin nyo center si God...

Magbasa pa

Actually may benefit naman kahit panu ang strategy mo na deadma kay kabit dahil may reason siguro yung kabit kaya ka ginigulo, imagine sya pa may lakas ng loob na manggulo where in fact sya ang antogonist... level up na talaga ang mga second hand hehe..Habang pinaparamdam mo kay kabit na deadma ka mas ok ksi ma feel nya na loser sya hahaha kasi ang gusto nya ay maghiwalay kau ni hubby permanently para mapunta sa kanya. Kausapin mo ng masinsinan si hubby mo kc possible nakipaghiwalay na si hubby mo sa kanya kaya etyong si kabit nanggugulo nalang di ba. Stay strong mami for your family. Sana magbago na si hubby mo.

Magbasa pa
1y ago

ganyan din mindset ng nanay ko noon hanggang sa paulit ulit na lang at napagod na sya kaya naghiwalay na sila. you dont deserve that kind of treatment sa asawa mo. edi kung gusto nya sa kabit nya dun na sya kesa naman "ilaban" mo pa yan eh paulit ulit naman na.

Ito sabi ko sa hubby ko " Mas mainam pang mamatay ka kaysa mangbabae ka." yan ang sabi ko sknya. Sorry pero hindi pa kami kasal sinabi ko na sknya na kapav sya nagloko kahit mahal at may anak kami iiwan namin sya. Kaya ko buhayin anak namin. Hindi ko need ng asawang hindi kayang maging mabuting asawa at ama. besides, Hindi ko deserved na lokohin at mas lalong mas mahal ko sarili ko kahsa sknya noh. Ayoko lumaki ang mga anak ko na ganyan ang gawain ng ama nila. Kaya sorry momsh saken hindi pwd yan. Yan turo ng tatay ko samin ng Ate ko.

Magbasa pa

my god panu mo natitiis makisma sa ganian asawa imagine tumikim sya ng ibang babae . if sabi mo legal wife minamahal ng totoo kung totoong mahal ka niyan di sya mangangabet girl . ang matapang na babae hinihiwalayan ang babaerong asawa alalang ala sa ikabubuti niyo at mga anak niyo hindi yun mag se settle lang for less dahil lang kasal kayo . if ako yan i will let go immediately kasi imagine having sex to your husband knowing na may kabet or nangabet sya .

Magbasa pa

Sa akin non sis baka nag dummy account ako at nag message rin ako sa hubby niya at nang malaman rin niya ang katotohanan. Kakapal talaga mukha nang mga kabit ngayon no. Sila pa una nagkukusa mag message sa atin mga asawa. Walang mga takot. Yung mali ko dati, inaway ko at agad binlock ako. Tapos siya pa may gana magpost nang sana makarma daw kami. Ano raw? Feeling blessed ka siya ngayon e tinuringan namang kabit. Sarap naman tirisin.

Magbasa pa

Tama ka.. Wag n wag k mag give way pra mging masaya cla.πŸ’―πŸ’―πŸ’―πŸ’― Pwde mo kasuhan.. Pero ayaw mo nga ng gulo..... Hahayaan mo lng b tlga? Alm b ng asawa mo n ginugulo ka ng kabit nia? Or hnd mo manlang b naisip n ipaalam s asawa ng kabit ang gngwa ng asawa nia. Pra mpag sabihan? Matalino ka te.. Pwde mo cla guluhin. Pero hnd. O PAPAKAWALAN asawa mo.. Hnd n masaya sau asawa mo. Pwes hnd rin cia Sasaya s iba...

Magbasa pa