Balik-alindog
Currently at 37 weeks. Mga mamsh na kasing payat ko sa first picture, bumalik po ba ang katawan nyo after nyo manganak? Ano pong pwedeng gawin?
Yung kapatid ko po parang di nanganak. May time pa na sumobrang pumayat siya kasi ayaw tumigil magbreastfeed ng pang 3rd baby niya. Kami na lang nagsuway sa kanya kasi para na siyang may TB sa pagkapayat kahit kain ng kain at di nageexercise. Pinatest din namin thyroid normal na lang. Ngayun gaining na siya ng weight naman.
Magbasa paBreastfeed tsaka puyat haha, pero depende nga po siguro mamshie sa katawan., ako po mamshie parang ganun yung nangyari sakin eh tapos yung stretch marks talaga di maitago haha pero ayos lng po yun tanda yun na nagdala tayo ng buhay na binigay sa atin ni Lord. god bless po sa inyo ni baby☺
Babalik din sa dati yan pagktapos manganak syempre pagod at puyat kalaban kapag lumabas na si baby. Nung sa 1st ko payat lang ako bago mabuntis tapos nung nagbuntis ako tumaba ako pero pagktapos ko manganak balik sa payat na katawan ulit. Pagod kasi mag alaga tapos puyat linis pa ng bahay
mas payat pa ko sa yo dati sis. pero eto d na bumalik dati kong katawan.pero sabi nila mas ok dw ganito katawan ko mejo malaman.ang problema ko lang talaga is yung tyan ko, malaki pa din.hirap naman ako mag.exercise kulang sa oras.lagi asikaso na kay baby.
After ko manganak balik na sa dati katawan ko. Hehe mejo may puson pa nung una pero dahil nauupo ako sa arinolang may pinakuluan ng dahon ng bayabas lumabas lahat ng excess dugo dahil sa panganganak, okay na ulit. Hehe
ako two months na baby ko pero d na bumalik katawan ko sa dati bf kc ako bawal pagutom kc makakabinat daw malaki pa rin yung belly ko. d na ata to babalik sa dati.
Exercise and healthy diet kapag puede na, meaning nakabawi na ng lakas. Breastfeeding helps a lot na bumalik sa dating size! 😉
Magbreastfeed ka mommy! Babalik yan agad. Bumalik kusa katawan ko after 2 months 😊 with stretch marks nga lng
Well, in my case its not like before before talaga but i got weight back. Exercise lang talaga mommy 😊
It depends on our body Mommy! In my case, breastfeeding at puyat (kasama talaga sa buhay ina) 😄 ...