Please englighten me po. What is the earliest week a baby can survive outside the womb?
Currently at 23 weeks (just entered 6th month). I am kind of worried dahil cerclage na lang ang nagproprotect kay baby. Ibinalik rin si pessary para to add to protection. Pero nakakatakot na talaga. Kasi kahit close cervix ako, naikli talaga ang cervix ko. I just want to be a mom and pasensya na kayo if nakapagshare ako. Sabi ni OB goal namin ay maka 28 weeks at least. Pero sa ngayon na week 23 may chance na rin po ba?
Nakakaintindi ako kung bakit ikaw ay nag-aalala, lalo na sa sitwasyon ngayon. Ang goal ng OB mo na makarating ng 28 weeks ay maganda at mahalaga para sa kalusugan ng iyong baby. Sa week 23, mayroon nang chance na mabuhay ang isang baby kung siya ay ipanganak ng maaga. Ngunit, siyempre, mas mainam pa rin na makaabot ng mas matagal sa tiyan ng ina para mas maging malakas at malusog ang kanyang katawan at baga. Ang cerclage at pessary ay mga paraan upang protektahan ang iyong baby, at tama lang na ikaw ay mag-alala. Maari mo ring kausapin ang iyong OB tungkol sa iba pang mga option o mga bagay na maari mong gawin upang dagdagan pa ang protection para sa iyong baby. Sa ngayon, mahalaga na maging masunurin ka sa mga payo ng iyong OB at sundin ang kanilang mga instruksyon. Huwag kang mag-atubiling magtanong o humingi ng tulong mula sa iyong OB o sa mga kapwa magulang sa forum na ito. Huwag kang mawalan ng pag-asa, magdasal ka at magtiwala sa proseso ng pagbubuntis. Sana ay maging malusog ang iyong baby at ikaw bilang isang ina. Kaya mo ito! https://invl.io/cll6sh7
Magbasa paLakasan mo ang loob mo mi, sana kahit umabot man lang ikaw ng 8 mos. May nabasa ako 29 weeks na premie sya tagal ng baby nya sa nicu. Dependen din siguro sa bby kung lalaban. Di ko masasabi sayo na wag kang mag worry kasi kahit ako nag woworry ako para sa bby ko kasi masyado sya mababa 7 mos na ako. Pero pray lang mi namaka abot 3rd tri para mas mataas ang chance siguro.
Magbasa paako rin mommy cerclage at pessary currently. puro bedrest talaga at dasal. one day at a time ang pagsurvive. wag ka mapressure at mastress sa future, magtiwala kang aabot ka sa term. kahit 36wks na ako ngayon, in terms of chances, ang sinasabi pa rin sa akin ni OB igagapang hanggang mag term. kaya natin to :)
Magbasa pamsg mo fb acct mo sis hanapin kita
may napanood ako sa TikTok nakasurvive yung preemie baby nya at 24 weeks kaso naapektuhan ung eyesight dahil siguro sa tagal na naka incubator kaya baby pa lang nakasuot na ng salamin. stay strong mommy. hoping umabot sa 28 weeks and more si baby mo.
hello mi ako din nacerclage nung 16 weeks i am 29 weeks and 2 days na magtiwala lang tayo sa cerclage natin and syempre kay god makakaraos din tayo , since nacerclage ako bedrest lang hanggang ngayon ☺️
hala pano pakiramdam nung nakalabas na po? katakot naman sya pag ganun. di ko po alam talaga kasi walang synptoms. ask mo po ob mo
Sad to say mii, wala tayong technologies na katulad ng sa ibang bansa. Nagpreterm po ako at 23 weeks and sad to say,ilang mins lang si baby,hindi talaga kaya. Magtiwala ka po sa Panginoon.
wala po ako naramdaman that time nakita na lang po agad nung mag papa ultrasound po ako
Mom to be of a Golden Gift of God