Okay lang po ba magpa covid vaccine(astrazeneca) ako 17weeks pregnant

Covid vaccine

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Best to ask your OB regarding COVID-19 vaccine. magkakaiba kasi opinion ng bawat doctor like my OB I asked her if pwede na ako mag pa COVID vaccine pero sabi nya huwag muna and after ko na lang manganak. As per her sa ibang bansa pa lang kasi may studies na applicable ang COVID-19 vaccine sa buntis dito sa Pilipinas wala pang pag-aaral. So kung ano man po ang sabihin ng OB nyo sundin nyo na lang po muna

Magbasa pa

moderna or pfizer lang po ang pwede sa buntis. nakapagpabakuna na po ako 33weeks preggy. pabakuna ka na din mamsh para yung antibodies mapunta sa baby panglaban sa viruses yon lalo na ngayon delta variant is threat. tandaan wala pang bakuna para sa mga sa panahon ngayon kapag nahawaan ng covid ang bata kawawa at walang kalaban-laban. 😢

Magbasa pa
VIP Member

wag na po muna, may side effect kasi dahil syempre virus din ituturok sayo pero mas pinahinang klase, so pag nagproduce ang katawan mo ng antibodies magkakaroon ng chemical reaction then pwede kayo lagnatin since mahina ang immune system natin while pregnant. Pero you may take naman po biogesic since it's safe. Kayo po,

Magbasa pa

sabe ng ob ko okay lang daw basta matapos ang 1st trimester at magandang brand daw moderna kasi sa america moderna ginagamit na vaccine para sa mga pregnant.. pero kahit ako alanganin den nakakatakot.. kasi next month na darating vaccine na moderna at isa ako sa mga nakaregister na para sa vaccine sana

Magbasa pa

Ako po hindi ako nagpavaccine while pregnant. Di rin naman kasi ako lumalabas noon. Pero after manganak, nagpavaccine na po ako ng astrazeneca. Yung side effect nya kasi ang natakot ako kaya di ako nagpavaccine nung buntis. Kakavaccine ko lang kahapon 2 days ako nilagnat at muscle pain and headache.

VIP Member

wala pa pong pag aaral na pwede ang covid vaccine sa mga preggy moms. may mga side effects po kasi ito na maaaring makasama kay baby. If you have any questions or Vaccine Anxiety you may watch this mommy https://www.facebook.com/theAsianparentPH/videos/164522715490317/

Sabi po ng OB ko, if you are a high risk individual (working as nurse, or hotel staff, or other frontliner duties), you may consider getting vaccinated. Pero if sa bahay lang daw po naman, better not. Yun nga daw po, best to consult your OB po .

Kung ako sis wag na muna, kawawa kasi si baby eh.. siguro mas ok na i take mo nalng ung mga vitamins na nirereseta sayo ng ob mo for you and your baby.. marami kasing side effects ang bakuna na baka maka apekto kay baby

no po muna. sabi ng head doc namin, wag daw po muna kasi wala pang studies tungkol don. masyado pa pong delikado. mag iwas nalang po muna tayo maglalabas at follow health protocols para maging safe si baby

sabi po ng ob any vaccine except sputnik po pwede sa buntis. 2nd at 3rd trimester lang po pwede. nakapag pavaccine ako mamsh sinovac okay naman po wala akong naramdamang side effects. #32weeks