pa'rant moms..

May cousin ako.. May 2 month old baby sila ng Misis nya. Tapos etong misis nya, nag work agad.. Eto namang pinsan ko house husband sana pero may sideline sya sa baranggay namen.. So ung baby lagi nilang iniiwan saken or sa mama nya na may inaalagaan ding bata dahil yaya sya. Naiinis ako sa girl.. Nagwork work agad wala pang 2 months ung baby kung kanikanino na nila iniiwan. Tapos ung pinsan ko parang ayaw nyang bantayan ung bata pag wala yung asawa nya lagi nyang iniiwan samen.. Minsan di na ko makakilos sa bahay.Eh 6 mos. Pregnant din ako.. Minsan naiistress ako sa baby kasi iyak sya ng iyak ang hirap nya patulugin. Ang sakin lang.. Di naman ako sa madamot.. Naaawa lang dn ako sa baby na hindi mapirmi sa bahay nila.. Parang ung bata pa yung nagaadjust skanila.. Minsan kahit rest day nung girl iiwan pa din samen kesyo may bibilin saglit.. Tapos lagi pa syang kelangang sunduin ng pinsan ko sa work eh alam naman nyang walang maiiwan sa anak nila. Parang lahat kame magaadjust skanilang dalawa. Kainis na minsan. Sorry mejo mahaba.. ✌

53 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo nalang po... although kahit sabihin ko yan, mahirap din naman kasing mag-open. Actually, wala naman masama kung mag trabaho sila parehas, baka kaya nag-trabaho agad yung babae kasi alam nya capability nya at kailangan talaga. Ang nakikita kong prob. hindi okay sa inyo na mga pinag-iiwanan ng bata ang sitwasyon o "style" nila. Kasi po nakakaramdam kayo ng kabigatan, but I understand you po. May point din naman kasi kayo kasi 2 months old palang ang bata. For me, mas okay na sa bahay lang muna sya para natututukan nyang mabuti ang kapapanganak palang nyang sanggol. I think kailangan mag step-up ni Guy para magawa ni Girl yung Mommy Duties na sya dapat ang gumagawa. Pero for now habang hindi pa nangyayari, pag pasensyahan mo nalang muna siguro. Pero mas okay, kung magkaka-usap usap kayo.

Magbasa pa

Kawawa naman si baby feeling unwanted ng parents. Tapos ngayon pati pinagbilinan suko na din.. though may karapatan ka naman talaga sumuko.. buntis ka at need mo din naman unahin sarili mo at ung baby mo. Sa panahon ngayon ang hirap maghanap ng yaya.. kung may mahanap man sila syempre another expense na naman un. Siguro kung sinu ung mas kumikita baka pwede mag give way ung isa. Sa sitwasyon na ito mukha si girl ung ok ang kita. At si kuya ay so so.. Seems takot o ayaw lang talaga nia mag alaga which are expected on most of the boys.. tapos may pasundo sundo effect pa.. wala na nga time sa baby nila, nakuha pang magpabebe. Nu ba un..

Magbasa pa

Kausapin mo sis, or kausapin mo ying mismong nanay para siya magsabi sa anak niya na dimo kayang bantayan ang bata kung pwede lang huwag muna siya iwan iwanan kausapin molang ng maayos isa pa 2months palang ang bata pag nagkasakit yan for sure sainyo ang sisi (huwag naman po) at siympre instead na nakaka pagpahinga ka habang buntis ka dahil kapag nakapanganak kana mahirap pa jan ang mararanasan mong pagod sa sariling anak mo, kasi newborn palang yun matinding puyatan. so , better na kausapin niyo na kabang maaga pa si ate girl dahil kawawa ang bata sakanila ,kung ayaw nila sabihin nila hindi yung ganyan.

Magbasa pa

Sis, ako don ng bbntay sa pmngkin ko 3-5 mos tyan ko. Di aq ngppa stress. Bawal sma stress ang preggy. And try mong pagsabihan un mag asawa may bata kang dinadala. Kung ikaw manganak na, dont tell me di ka na aangal? Ikaw na din mag aalaga sa anak nila? No. Pagsabihan mo dahil mgkakaanak ka din. Bawal kang ma stress pano kung my mangyari sau sila ba aako sa gastos? Sis pwede din mag say NO. 😊 sinabihan ko SIL ko na di ko na kaya bantayan bby nya kasi nahhirapan na ako mgbantay at buntis pa ko. Ayun isa sa kanilannag sakripisyo both kc cla may work. Kausapin mo sis para maintindihan ka nila.

Magbasa pa

Better mamsh kausapin mo ang parents ng baby. Kc parang di na tama yung sistema nila tho madaling unawain dahil siguro sa financial kaya need na nya pumasok sa work. Pero di rin nman pwede na maging obligado ka ng alagaan ang anak nila, ok lang siguro kung paminsan-minsan nakikisuyo sila sayo. At syempre buntis ka pa so parang too much nman na i-obliga sayo ang pag-aalaga sa bata. Lahat nadadaan sa maayos na usapan. Huwag ka padadala sa inis mo, explain mo din side mo baka sa tingin nila ok lang sayo. Maaayos nyo din yan. Good luck and God bless

Magbasa pa

may ganyan talaga nanay 🙄 ganyan din yung pamangkin ng asawa ng tita ko ayaw nya alagaan anak nya ang pinagkaiba lang walang work yung girl laging asa sa nanay yung pag aalaga gusto laging chismis kahit nilalagnat na yung baby nya nakikipagchismisan pa sa bilihan ng gamot hay juskooo ako nga next yr pa magwork 1yr and 2months na non si baby kase mas okay kung tayo mismo yung mag aalaga sa kanila kaya kung ako sayo momsh pagsabihan mo na sila baka masanay sila kase laging may sumasalo ng pag aalaga sa bata

Magbasa pa
VIP Member

I think kya gnyan dhel ang point of view nla "MAY TGA BANTAY SA BABY NILA".. Kya okay lng khet wla cla n okay lng mgwork cla parehas.. Knowing nman n buntis ka saio p tlga pnpaalagaan.. Not good! Hnd dn s pgddmot, okay lng saio ibilin kundi ka sna buntis.. Gwen mo mnsn pg off nun girl, mejo alis alisan mo stay k s room or kunwri mei lkad k pra hnd saio iwan.. Alibies k nlng.. Icpn mo srili mo at ang baby s tyan mo..

Magbasa pa

Baka need tlga nila ng financial needs para sa bata pero much bettera kumuha nlng cla ng mag aalaga sa bata ung kamag anak din na wala pang pamilya at babayaran nlng ung tao kesa inililipat lipat sa inyo sa pag aalaga na may mga trabaho o may pamilya na, nakaka abala kase d naman sa pagdadamot pero dapat alam nila ung situation ng iba and most and foremost responsibility nila yan d dapat inaasa sa family member/s

Magbasa pa

Thankyou mga momsh sa pagsagot.. I understand naman yung financial needs nila ofcourse. Naaawa lang talaga ako sa bagets syempre pamangkin ko din yun and parang feeling yata nila nasa 1 yr old na ung anak nila. Pero ngayon nag aalibi muna ako talaga.. Kasi naiistress din ako pag ayaw mag sleep ng bagets.. Makakatulog tas pag binaba sya gising agad.. Di naman pwedeng kalong ko lagi. Hehe salamat sainyo!

Magbasa pa
VIP Member

May ganyang parents pala talaga? Ako nasa tummy palang baby ko pero nasa plano na namin na hanggat wala syang 1yo. di muna ako mag wwork. Pero better to talk to them both po cos what if may mangyari sa baby (wag naman sana) pero for sure, di nila makikitang mali nila yun dahil wala sila. So, iwasan nating mangyari yun. And baka lumaki yung baby na hindi sila kilala. Sila din mahihirapan.

Magbasa pa
5y ago

Actually sis, matagal nga yung 1yr. Kaya ngayon palang nag iisip nako pwede business para kahit jobless ako eh may tulong ako kay daddy kaya lang hirap mag isip ng pwede inegosyo. 🥺