Private school ang anak ko. Mga pinsan naman niya public school. Pinalilipat nila ang anak ko!

For context, nakatira ako sa parents ng asawa ko habang nasa abroad ang asawa ko at nagiipon na kami para maka bukod sa sariling bahay. Every month, kami ng asawa ko naman ang nagbabayad ng kuryente at nagpapagrocery ng araw araw na pagkain. Ang anak ko kay nasa private school, same school kung saan ako lumaki. Ang mga pinsan naman niya ay nasa public school. Ngayon pinepressure ako ng aking parents-in-law pati ng mga sisters-in-law ko na ipasok ko din sa public school yung anak ko. Dahil panget daw tingnan na yung anak ko lang ang nasa private school. Wala po ako problema sa public school, laking public school ang asawa ko. Maganda ang naging career niya. Just to be clear. Magaang lang talaga ang loob ko sa private school kung saan ako dati dahil kakilala ko pa din ang mga teacher pati principal pati mga magulang ng mga classmates ng anak ko. Nasa tama naman po ako di ba? Pero sinasabihan po akong selfish dahil nagmamatigas daw po ako. Sabi ko na lang desisyon naming magasawa ang school ng anak ko at sige aalis na lang kami at magrerent kung ganito na lang ang control nila sa amin. Nagalit bigla ang in laws ko dahil sino daw magbabayad ng kuryente at groceries nila. Kaya drop na lang daw nila yung schoool topic. pero ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng treatment ng mga in laws ko sa akin. Feeling ko binaback stab nila ako. HELP po

16 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

parang may nabasa din ako na ganto nung nakaraan, not sure kung ikaw din yun anon or iba baka same story din. yung ayaw paalisin ng parents kasi walang groceries at gagastos sa bahay kasi ang kuya ay nawalan ng work, sinisilip din nila yung magpinsan kasi magkaiba ng school private at public kaya sabi ng sister in law nya na pag aralin din sa private yung isa. mas maganda po na bumukod nalang kayo para wala pong mapupuna. mahirap po ang madaming reyna sa iisang bahay, magtatalo talo lang. kung saan po kayo komportable pag aralin ang anak nyo ipagpatuloy nyo lang kasi alam nyo naman po ang best sa anak nyo. okay naman po magbigay ng tulong pinansyal pero mapapansin nyo po yun pag masyado ng nakadepende at abuso na, yung kapag di nakapagbigay iba na ang trato.

Magbasa pa
6mo ago

sa fb ko nmn nabasa about don sa anak ng kuya nya by the end umalis nlng yung mom sender dun sa bahay akala ko nga eto yong kwento na yun

mima copypaste mo daw to sa fb? or kaw din yung sender sa fb? anyway yung ganitong scenario alams mo na as parents tayo ang magiging paladesisyon sa gusto natin sa mga Kids natin. ngayon kung sasama loob nila mas mabuti nga mag kanya kanya nalang... tama naman e wala masama sa pagpasok sa Public pero kung kaya ng parents na sa Private karapatan yun ng magulang.. at Hindi natin kelangan isipin yung pangit ba tingnan na sila nakaprivate at iba niyang pinsan nasa Public alam mo yung nag iisip ng ganyan sila yung nag iisip ng negative at nagda down sa mga batang nasa Public..

Magbasa pa
VIP Member

Baka siguro iniiwasan lang nila mainggit anak nila, sana as a parent dapat ipaintindi nila sa anak nila yung situation nila kung hindi na kaya mag private. Kung ganyan lang din po, better bumukod na lang po kung hindi na po kayo komportable. Pero sana maayos pa relationship niyo with your in laws. Kasi malamang niyan pag bumukod kayo mas lalayo loob nila.

Magbasa pa

Coba pakai produknya mama's choice bun. https://shope.ee/9KLw1ZdiEL . Produknya sudah sesuai anjuran IDAI dan FDA, 100% aman. Bisa cek langsung di tokonya >> https://shope.ee/9KLw1ZdiEL , lagi ada free gift barang seharga 87.000 dan voucher diskon 100.000 bun. 5241839

mi parang nakwento mo din to sa mommies group noh hehe.. wag mo sila pakingan mi.. inggit lang yan ..magbukod nalang kayo mi the best yon ! .. wag kayong papayag na my nagdedecision para sa inyo . buhay nyo yan iba ata utak ng mga yan.. 🤦‍♀️🙅‍♀️

TapFluencer

nabasa ko ito sa fb pero yung babae Ang nakatira sa Bahay Ng parents nya. tapos yung kuya nya at Asawa nya na dun na rin nakatira public school nag aaral Ang anak. edited na nga post nun Kasi sabi dun umalis na daw Sila at sinundo na nginlawas nya

Hayaan mo sila momz, hindi naman sila ang magbabayad sa tuition at lalong wala silang ambag sa tuition ng anak mo. Kasalanan mo ba kung afford mong mag private school at sila hindi. Pagnakabukod kayo lalong mandidilat mga mata nila sa inis.

better momshie bumukod hirap talaga ang nakikipisan wala kang peace of mind

much better to rent your own place for your piece of mind and happyness

Isa lang solution diyan mi, bumukod na kayo