Private school ang anak ko. Mga pinsan naman niya public school. Pinalilipat nila ang anak ko!
For context, nakatira ako sa parents ng asawa ko habang nasa abroad ang asawa ko at nagiipon na kami para maka bukod sa sariling bahay. Every month, kami ng asawa ko naman ang nagbabayad ng kuryente at nagpapagrocery ng araw araw na pagkain. Ang anak ko kay nasa private school, same school kung saan ako lumaki. Ang mga pinsan naman niya ay nasa public school. Ngayon pinepressure ako ng aking parents-in-law pati ng mga sisters-in-law ko na ipasok ko din sa public school yung anak ko. Dahil panget daw tingnan na yung anak ko lang ang nasa private school. Wala po ako problema sa public school, laking public school ang asawa ko. Maganda ang naging career niya. Just to be clear. Magaang lang talaga ang loob ko sa private school kung saan ako dati dahil kakilala ko pa din ang mga teacher pati principal pati mga magulang ng mga classmates ng anak ko. Nasa tama naman po ako di ba? Pero sinasabihan po akong selfish dahil nagmamatigas daw po ako. Sabi ko na lang desisyon naming magasawa ang school ng anak ko at sige aalis na lang kami at magrerent kung ganito na lang ang control nila sa amin. Nagalit bigla ang in laws ko dahil sino daw magbabayad ng kuryente at groceries nila. Kaya drop na lang daw nila yung schoool topic. pero ramdam na ramdam ko ang pagbabago ng treatment ng mga in laws ko sa akin. Feeling ko binaback stab nila ako. HELP po