slehc profile icon
PlatinumPlatinum

slehc, Philippines

Contributor

About slehc

Mom of beautiful Princess and a handsome Prince

My Orders
Posts(72)
Replies(319)
Articles(0)
Naku, naiintindihan ko ang iyong concern. Bilang isang ina, importante talaga na komportable ang ating mga anak, lalo na pagdating sa kanilang kalusugan at kalagayan. Maaaring may ilang dahilan kung bakit tumigas ang dumi ng iyong baby matapos magpalit ng packaging ang Bonakid. Isa sa mga posibleng dahilan ay ang pagbabago sa formula o sangkap ng gatas. Siguraduhin mo munang pareho pa rin ang nutritional content at ingredients nito. Minsan kasi, kahit maliit na pagbabago sa formula ay maaaring makaapekto sa digestion ng bata. Narito ang ilang tips na maaaring makatulong: 1. **Bigyan ng sapat na tubig:** Siguraduhing nakakainom ng sapat na tubig ang iyong baby. Ang hydration ay mahalaga para mapanatiling malambot ang dumi. 2. **Magdagdag ng prutas at gulay sa diet:** Kung pwede na sa edad niya, subukang bigyan siya ng mga prutas at gulay na mataas sa fiber tulad ng papaya, saging, at kamote. 3. **Subukan ang ibang brand o formula:** Kung patuloy pa rin ang problema, maaari mong subukan na magpalit muna ng ibang gatas na mas hiyang sa tiyan ng iyong baby. 4. **Kumonsulta sa pediatrician:** Pinakamabuti pa rin ang magpakonsulta sa doktor upang matiyak na walang ibang health concern na nagdudulot ng pagtigas ng kanyang dumi. Kung gusto mo rin ng iba pang option, maaaring makatulong itong produkto na pampadami ng gatas ng ina: [link](https://invl.io/cll7hui). Maraming nanay ang nagsasabi na nakatulong ito sa kanila para masigurong sapat ang nutrisyon ng kanilang baby. Ingat ka lagi, mommy, at sana gumaan na ang pakiramdam ng iyong baby! https://invl.io/cll7hw5
Read more
 profile icon
Write a reply

2 babies in 2 years in a row

Yes sobrang possible mabuntis ulit kahit kakapanganak lang. I've shared my story about my 1st born nung year 2022 dito sa asianparents and now I'm sharing again my my 2nd baby dahil kahit unexpected I'm happy and greatful to have these little cute babies of mine in just 2 years! Di talaga impossible na mabuntis ka ulit kahit ilang buwan ka palang kagaya sakin. Since normal delivery ako sa 1st baby ko, 1 month palang dinatnan na ako after manganak and so as 1st time mom hindi ko expect na masusundan din agad yung firstborn ko excited kase ang daddy yan tuloy nasundan😁 haha kidding aside. Sa pangalawa ko masasabi ko napaka lakas ng kapit nya comapare sa 1stborn ko na dinugo ako at need mag bedrest at uminom ng pampakapit eto namang sa 2nd born ko masasabi kong naging kampante ako sa mga kilos ko na halos araw araw gawaing bahay talaga plus alaga pa sa 1st baby ko may pangyayari pa sa pagbubuntis ko sa pangalawa ko e 3 beses kami binaha sa inuupahan namin which is sobrang traumatic. But sa awa ng diyos nailabas ko ng ligtas yung pangalawa ko, emergency cs nga lang since di nag 1 cm lang yung cervix ko at mas nauna pa pumutok panubigan ko. 1 week din kami nag stay sa ospital since nagkaron ng sespsis si baby paglabas so need mag antibiotics. Grabe din yung hirap pag cs talaga imagine 1 day ka palang nanganak gusto na agad ng doctor at nurse maglakad na ako at makapupu. At after 1 day inalis na agad catheter ko hahaha di ko alam pano ko nakaya yung sakit at hirap then pag uwi ko after 1 week sa hospital nag laba at luto na agad ako since ako lang mag isa nag aalaga at may kanya kanyang family na mga kapatid ko. Simula physically, mentally, financially grabe sa hirap kaya ngayon lang din ako nakapag share ng story after 4 months ko manganak since ngayon palang ako nakaka recover sa mga pangyayari. Sobrang thankful ako kay god di nya kami pinapabayaang pamilya lalo na ako. Despite sa lahat ng pagsubok na pinagdaan ginagabayan at sinasamahan nya ako. Thank thank you po talaga panginoon. 🙏 So ayun lang po mga ka mommies and daddies if ayaw nyo pa masundan mag family planning na po agad kayo or protection at sa mga unexpected mommy again kagaya ko laban lang lagi nyo po tatandaan nakagabay lang po satin lagi ang panginoon. ☺

Read more
2 babies in 2 years in a row
 profile icon
Write a reply

39 weeks 0 Days

DOB: Nov 13, 2022 EDD: Nov 20,2022 My Baby girl is out exactly 39 weeks! 3kg Via Normal Delivery Share ko lang experience ko kase sobrang unexpected yung paglabas ni Baby. Schedule CS na ako for Nov. 14 dahil ang laki narin ng timbang ko and possible preeclampsia daw ako dahil narin sa pagtaas ng BP. And then Nov 13 naghihintay na ako ng result for rtpcr test para ma admit na ako for tomorrow Sched CS tas nung nasa ER kami nag wa-wait ng result narin ng antigen ng partner ko bigla ako nakaramdam ng paghilab na patindi ng patindi yung pag sakit hanggang sa hindi ko na kaya yung continues na sakit kaya napahiga na ako sa kama at napasigaw sa ER hanggang sa pumutok na panubigan ko. Wala muna nag asikaso saakin sa ER kase nga Scheduled CS ako even though may contraction na ako at pumutok na ang panubigan ko hanggang sa di ko na talaga kaya ang sakit tsaka nila ako dinala sa OR(operating room) instead sa Delivery room kase naghahantay pa sila ng order sa doctor ko na CS ako dahil otw palang non Doctor ko. Pero to make the story short sa last IE ko ng araw na yon, pa 2cm palang yung cervix ko hanggang after 3 hrs nag fully dilated na ako at sabi ko sa mga nurse ramdam ko na yung ulo ni baby dahil parang gusto pa nila pigilan ko pa paglabas ni baby which is mas masakit pa so napasigaw na ako na "Ano bang ginagawa nyo! Gusto ng lumabas ng baby ko." sabi pa nung in house doctor mag relax lang ako which is nakapag pa trigger pa lalo sa labor na nangyayari sakin. So ayun pinakita ko mismo sakanila yung pwerta ko na nakasilip na yung ulo ng baby ko and nag decide sila na ma normal delivery na ako. And ayun lahat sila nagulat kasi nakadalawang ire lang ako lumabas agad yung baby ko ni hindi na ako nalagyan ng anesthesia for pain labor dahil gustong gusto na talaga lumabas ni baby, na feel rin siguro ni baby yung stress at kaba ko nung nalaman ko sa last check up na may possible ma CS ako at umiyak ako non kaya di na ako pinahirapan ni baby sa panganganak sa kanya. 🥰Perfect timing talaga and sobrang thankful ako kay God sa plano nya saakin sa madaling panganganak ko. So ayun Goodluck po sa lahat ng mommy na malapit narin manganak, kaya nyo po yan at makakaraos din po kayo.😊##firsttimemom

Read more
39 weeks 0 Days
 profile icon
Write a reply