Open up lang Sana ako about sa family ng Asawa koπŸ™‚πŸ‘

check up ng anak ko nung nakaraan and Ang findings ng pedia e may Pnumonia daw po Yung baby ko simula palang nung day 1 na nagkasipon sya sinabi kona agad sa Asawa ko na ipacheck up namin kase ayokong umabot sa ganto kase uso nga sa baby e pero Sabi ng byenan ko normal lang daw yon sa bata atsaka parang inaano nya na Over ako Maka react sa mga nakikita ko Kay baby kesyo wag mong pansin normal lang yan hanggang sa napansin Ko ng inuubo sya Sabi nya Hindi Naman daw eh Hindi Naman Kasi sya yung laging nasa tabi ng anak ko kaya pano nya malalaman na Hindi inuubo baby ko πŸ˜’ hanggang sa lumala Yung pag ubo nya madalas na Lalo na yung sipon nya nagkaroon nadin sya ng plema kaya pinacheck up ko nung una ayaw pa hayst tapos nung nalaman na namin na Pnumonia nya nga daw ayon asakin lahat ng sisi buong pamilya nya kahit sya na asawA ako sinisisi ako kesyo kasalanan ko daw dahil pabaya akong ina chinichissmiss Pako sa lahat πŸ™‚πŸ‘Ang Sabi nila kasalanan ko daw dahil nagsasando ako tapos naglilinis ng katawan sa Gabi kung ano ano daw kasi kinakain ko baka daw natuyuan ng pawis si baby (eh lagi ko nga syang alaga sa palit lagi ko din minomonitor on time) baka daw dahil naka electricfan lagi (knowing that my baby is banasin) Sabi pa sakin Nila lagi ko daw tignan yung likod nya palitan ko daw lagi ng damit aba Ang lagay ay Hindi Baga po ako kailangang matulog?magpahinga?Ang hirap kase pag taga province Asawa mo andaming pamahiin ng dahil sa pamahiin Nayan Lalo lang nagkasakit anak ko nirerespeto ko naman pamahiin Nila pero kase po bat parang mas magaling pa sila sa Doctor?sakanila daw ako maniwala wag daw sa Doctor why would I trust them e Hindi Naman sila nakapagtapos lahat ng medisina?pinipilit Nila sakin yung mga pamahiin nilang yon na pag uminom ka ng malamig madede yon ng anak mo na kapag naligo ka o naglinis ng katawan mapapasukan ng lamig anak mo you know andami Nila laging say hanggang sa eto nalang pinagaawayan namin ng Asawa ako kase syempre ako masama ako pabayang Ina kwento ng nanay nya yon e depress na depress nako to the point na Hindi nako nakakatulog kakaisip kung Anong ginawa Kong mali para magka Pnumonia anak ko btw before nagkasipon anak ko naalala ko nagkaroon sya ng contact sa kapatid ng Asawa ko na bunso na may sipon at ubo tapos yung tatay nya nagsisigarilyo din sa Salas okaya kahit malapit lang sya Kay baby Hindi konaman mapagsabihan kase matapang yon baka mamura lang ako yun lang yung mga possible reason bat nagka Pnumonia anak ko baka sa second hand smoke tapos okaya nahawa sya Hindi kona alam Ang gagawin ko mababaliw na ata ako kakarinig ng mga opinion Nila lagi nalang ako yung mali Hindi konaman ma explaine side ko dahil andami Nila isa lang akoπŸ₯Ί

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sorry pero yang asawa mo ay Mama's boy. Sinabi mo na sknya ipacheckup na agad nung una pa hnd pa naniwala. Kung ako ikaw hnd ako mananahimik sis dhil safety at health ng anak ko ang pinaguusapan. Kahit nandito kami sa inlaws ko, Ako pdin nasusunid sa mga anak ko. Kapag narinig kong may sipon/ubo sila inuunahan ko na agad ng sabi na wag lalapit samin dhil baka mahawa at kmi din kawawa. Kahit pinsan ng mga anak ko wala ako paki kahit marinig ng mga BIL ko. Basta sabihin ko wag aakyat sa kwarto namin ng may sakit.Pati asaw ako sinsabihan din sila. Dapat kayong mag asawa ang partner hnd magkaaway. Dapat kayo ang priority nya hnd pamilya nya. Yang yosi na yan tlaga isa sa mga main reason ng pneumonia. Mas malala ang 2nd hand smoker. Hnd din kasi mdaling nawala ung amoy nyan sis,, Kumakapit. kung pwd ka bumalik sa pamily mo, dun na lng kayo

Magbasa pa
3y ago

layasan mo na te ng makapag isip yang asawamo sama mo baby mo dun ka muna sa mama mo isipin mo anak mo yung asawa mo matanda ma may sarili na syang utak gamitin nya naman