Open up lang Sana ako about sa family ng Asawa ko🙂👍

check up ng anak ko nung nakaraan and Ang findings ng pedia e may Pnumonia daw po Yung baby ko simula palang nung day 1 na nagkasipon sya sinabi kona agad sa Asawa ko na ipacheck up namin kase ayokong umabot sa ganto kase uso nga sa baby e pero Sabi ng byenan ko normal lang daw yon sa bata atsaka parang inaano nya na Over ako Maka react sa mga nakikita ko Kay baby kesyo wag mong pansin normal lang yan hanggang sa napansin Ko ng inuubo sya Sabi nya Hindi Naman daw eh Hindi Naman Kasi sya yung laging nasa tabi ng anak ko kaya pano nya malalaman na Hindi inuubo baby ko 😒 hanggang sa lumala Yung pag ubo nya madalas na Lalo na yung sipon nya nagkaroon nadin sya ng plema kaya pinacheck up ko nung una ayaw pa hayst tapos nung nalaman na namin na Pnumonia nya nga daw ayon asakin lahat ng sisi buong pamilya nya kahit sya na asawA ako sinisisi ako kesyo kasalanan ko daw dahil pabaya akong ina chinichissmiss Pako sa lahat 🙂👍Ang Sabi nila kasalanan ko daw dahil nagsasando ako tapos naglilinis ng katawan sa Gabi kung ano ano daw kasi kinakain ko baka daw natuyuan ng pawis si baby (eh lagi ko nga syang alaga sa palit lagi ko din minomonitor on time) baka daw dahil naka electricfan lagi (knowing that my baby is banasin) Sabi pa sakin Nila lagi ko daw tignan yung likod nya palitan ko daw lagi ng damit aba Ang lagay ay Hindi Baga po ako kailangang matulog?magpahinga?Ang hirap kase pag taga province Asawa mo andaming pamahiin ng dahil sa pamahiin Nayan Lalo lang nagkasakit anak ko nirerespeto ko naman pamahiin Nila pero kase po bat parang mas magaling pa sila sa Doctor?sakanila daw ako maniwala wag daw sa Doctor why would I trust them e Hindi Naman sila nakapagtapos lahat ng medisina?pinipilit Nila sakin yung mga pamahiin nilang yon na pag uminom ka ng malamig madede yon ng anak mo na kapag naligo ka o naglinis ng katawan mapapasukan ng lamig anak mo you know andami Nila laging say hanggang sa eto nalang pinagaawayan namin ng Asawa ako kase syempre ako masama ako pabayang Ina kwento ng nanay nya yon e depress na depress nako to the point na Hindi nako nakakatulog kakaisip kung Anong ginawa Kong mali para magka Pnumonia anak ko btw before nagkasipon anak ko naalala ko nagkaroon sya ng contact sa kapatid ng Asawa ko na bunso na may sipon at ubo tapos yung tatay nya nagsisigarilyo din sa Salas okaya kahit malapit lang sya Kay baby Hindi konaman mapagsabihan kase matapang yon baka mamura lang ako yun lang yung mga possible reason bat nagka Pnumonia anak ko baka sa second hand smoke tapos okaya nahawa sya Hindi kona alam Ang gagawin ko mababaliw na ata ako kakarinig ng mga opinion Nila lagi nalang ako yung mali Hindi konaman ma explaine side ko dahil andami Nila isa lang ako🥺

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan na ganyan din sakin ako sinisisi hirap kase sa kanila dami pamahiin... Pero sakin sumasagot ako nung sinisisi ako sinagot ko sila sabi ko ako may kasalanan? Sino kaya yung nilalabas bata madaling araw anong point para ilabas bata ng aroud 5? Eh iba ang klima ngayon maginaw talaga? Tapos nag luluto sa di uling na mausok yung usok pasok lahat sa kwarto namin kahit sinasabe ko na wala padin ka artehan ko daw gang sa nag reklamo nako na umuubo ubo na si baby... pabango kahit sinabihan ko ng wag mag pabango sa loob ng bahay at kwawa si baby wala sila mga paki naniniwala sila sa mga pamahiin pero yung mga bagay na actual nilang ginagawa di sila naniniwalang nakaka apekto sa bata... Gang sa yung ubo nyang once a week naging once a day na pina check up ko na agad buti nalang talaga kahit papano walang kontra asawa ko sa desisyon ko yun lang talaga nag aaway kami dahil ayaw nya umuwi sa bahay namin gusto nya dito sa bahay ng magulang nya kase dito sya kumikita wala din ako choice

Magbasa pa
2y ago

May sarili namang kaming bahay malayo sa both parents kaso dito kase sa kanila malaki kita nya ayaw naman nyang uuwi ng once a week gusto nya palagi nya kami kasama ok na din naman kase ngayon aware na sil na bawal usok pabango ubo at ilabas bata simula nung inubo si baby sana tuloy2 na 😍

Sorry pero yang asawa mo ay Mama's boy. Sinabi mo na sknya ipacheckup na agad nung una pa hnd pa naniwala. Kung ako ikaw hnd ako mananahimik sis dhil safety at health ng anak ko ang pinaguusapan. Kahit nandito kami sa inlaws ko, Ako pdin nasusunid sa mga anak ko. Kapag narinig kong may sipon/ubo sila inuunahan ko na agad ng sabi na wag lalapit samin dhil baka mahawa at kmi din kawawa. Kahit pinsan ng mga anak ko wala ako paki kahit marinig ng mga BIL ko. Basta sabihin ko wag aakyat sa kwarto namin ng may sakit.Pati asaw ako sinsabihan din sila. Dapat kayong mag asawa ang partner hnd magkaaway. Dapat kayo ang priority nya hnd pamilya nya. Yang yosi na yan tlaga isa sa mga main reason ng pneumonia. Mas malala ang 2nd hand smoker. Hnd din kasi mdaling nawala ung amoy nyan sis,, Kumakapit. kung pwd ka bumalik sa pamily mo, dun na lng kayo

Magbasa pa
2y ago

layasan mo na te ng makapag isip yang asawamo sama mo baby mo dun ka muna sa mama mo isipin mo anak mo yung asawa mo matanda ma may sarili na syang utak gamitin nya naman

Tapos ngayon ikaw ang sinisisi? Ang sarap batukan ng asawa mo mi, sa true lang. Asawa ko sa akin kampi, nandito ako sa mga in-laws ko pero ang sabi ko ang pedia ni baby ang susundin ko, nung nagkaubo sya byenan ko pa nagsabi na ipacheck up agad, yung mga pamahiin nila minsan di ko sinusunod kasi di naman ako lumaking naniniwala sa pamahiin, di naman sila nagagalit sa akin, sinabi ko kasi kagad sa kanila na kapag hindi tayo nagkasundo aalis kami HAHA ayun walang problema pagdating kay baby. Tsaka yung reasons nila bat nagkapneumonia hindi naman totoo yun, season ngayon ng flu and natamaan talaga si baby mo. Hindi totoong madedede ni baby ang malamig kapag uminom ka ng malamig kasi pagdating sa tyan mo mainit na yan, Jusmiyo sa in-laws mo at sa asawa mo. Stay safe and if maaari magbukod kayo, sakit sa ulo lagi yan.

Magbasa pa
2y ago

oonga eh nakakaipon nanga po ng sama ng loob

Ako po ang nasusunod sa anak ko, kahit ang dami sinasabi ng nanay ng tatay ng anak ko. kahit pag may pinapagawa ako sakanila para sa anak ko tapos hindi nila sinunod, ipapakita ko na disappointed ako, lalo na sa asawa ko sasabihin ko si ganito ganyan wala sa oras sa paginom msa gamot or kung ano. kasi alam ko ako at ako ang masisisi kung may mangyaring di maganda sa anak ko dahil ako ang ina at magulang ng bata. mamii kung may chance na bumukod kayo, gawin nyo po. napakalaking stress ng inlaws mo sayo. at sa asawa mo, wag ka matakot na sabihin ang side mo. kung di nya kayang tanggapin ang mga salita mo regarding sa pamilya nya, hayaan nyo na sya. magsama sama sila tutal sila sila magkaka mukha. ☺

Magbasa pa
2y ago

hahaha, thank you po gagawin kopo

Sorry to say this mommy pero big NO talaga sa mga Mama's boy. Pag ganyan, wala sarili desisyon at lagi lang makikinig sa kung ano sabihin ng pamilya nya, lalong lalo mama nya. If I were u, bumukod kayo mag asawa. Kahit maliit basta bukod. Lagi ka madedepress kung ganyan asawa mo. Imbis na sya karamay mo, nakikinig sa sabi sabi ng pamilya nya. Para naman sa baby mo na nagka pneumonia, usually talaga coz nyan 2nd hand smoke kasi mismo mga doctor na nagsasabi na di totoo ung "natutuyuan ng pawis". Better think of your baby's health. Sabi mo nga, dimo naman masabihan inlaw mo na nagyoyosi, so better bumukod kayo para kayo lang ng hubby mo.

Magbasa pa
2y ago

yun nga din gusto ko na e kaso kulang pa kase yung ipon gustong gusto kona talagang bumukod nung una palang Hindi Naman kase pwedeng dalawang Reyna sa iisang bahay

Wag ka nang madepress, ganyan talaga usually mga in-laws, ganyan din ako. 3yrs na sobrang hirap. Mahigpit na yakap for you sis. mahirap para sa ating mga mommies pag may sakin mga anak natin. Get well soon kay baby. Gawa ka lagi ng paraan na pag may naninigarilyo sa house niyo ilayo mo agad si baby. Try mo ding magvitamins si baby para di agad mahawaan. Di mo kasi talaga mapipigilan mga yan kahit ilan beses mong sabihan na pag may ubo't sipon sila Naku, di sila ganun kamindful, lalo nat nakikitira lang tayo. Wala kang kalasanan, Hayaan mo sila. I'll pray for your baby.

Magbasa pa

tayong mga nanay kadalasan nakakapansin kapag may mali sa anak natin kaya incase na ganun mii kahit wag kana humingi ng opinion nila Kung alam mo mas makakabuti sa baby mo kadalasan kasi sa mga ganyan lalo nakikitira ka sa side ng asawa mo puro yan side comment mas mabuti na ikaw nlng mag desisyon anak mo yan Sabi nga mother's knows best para sa mga anak imbes na minsan kasi makatulong at mag advise sila sisihin kapa nyan kapag may sakit si baby eh Hindi naman din tumutulong diba. mas mabuti nlng tlga magbukod kapag ganyan mga kasama.

Magbasa pa
2y ago

oonga una palang gusto kona talagang bumukod.

Ay nako mamsh. Wag po kayo maniwala sa mga paladisisyon na mga byenan. Kase ikaw lang dn ang kawawa nyan. Ako nga nag sisi dahil sa kanila ako naniwala simula sa pag bubuntis ko sila pumili ng ob ko. At ngayon sa huli ako parin yung gumagastos. At ako na yung walang klarong ob na pinupuntahan. Mag tiwala po kayo sa sarili nyo wag po sa iba. And mostly sa doctor po talaga kau maniwala wag sa sabi2 kase hindi tayo lahat parepareha ng sitwasyon. Anak mo yan at hindi nila anak. Alam mo talaga ang nararamdaman ng anak mo. Good luck po

Magbasa pa
2y ago

Ang hirap lahat ng galaw mo pakekeelaman.

uwi ka muna sa inyo. its the safety of ur child. trust me kahit sila ang may kasalanan part of us sisishin mo din sarili mo kase wala kang gunawa pneumonia is so hard for a child. wag mo na palalain. opinyon lang ang meron sila puso at karapatan ang meron ka. do what you think is best for ur child. anong mawawala kung uuwi ka sa inyo eh wala ka namang boses jan kahit sa asawa mo. pag matigas ang ulo mo at sisiksik ka parin jan. baka nga ikaw na may kasalanan bakit nagkakaganyan ang anak mo.

Magbasa pa
2y ago

minsan sinisisi ko rin sarili ko bat natatakot ako sa byenan ko e pero pag minsan nagsasalita Naman ako pag sobrang sobra na talaga Lalo na pag badmood ako.

kaya talaga ayoko ng may kasamang kamag anak sa bahay both side kahit pamilya kopa. yan ung mga iniiwasan ko ung makialam sa buhay namin mag asawa. kung yung nga dimo kasama sa bahay may nasasabi what more pa kaya kung kapit bahay or Kasama mo lang sa bahay diba. 😭 btw get well soon sa baby mo. napaka red flag ng asawa mo sa totoo lang. Mama's boy din ung akin pero di naman nya kinakampihan ung mama nya. tahimik lang ung mister ko kapag nag sasalita ako laban sa mama nya.

Magbasa pa
2y ago

but sadly Hindi Ganyan mister ko HAHAHA Sana ako din kinakampihan ni mister