Open up lang Sana ako about sa family ng Asawa ko🙂👍

check up ng anak ko nung nakaraan and Ang findings ng pedia e may Pnumonia daw po Yung baby ko simula palang nung day 1 na nagkasipon sya sinabi kona agad sa Asawa ko na ipacheck up namin kase ayokong umabot sa ganto kase uso nga sa baby e pero Sabi ng byenan ko normal lang daw yon sa bata atsaka parang inaano nya na Over ako Maka react sa mga nakikita ko Kay baby kesyo wag mong pansin normal lang yan hanggang sa napansin Ko ng inuubo sya Sabi nya Hindi Naman daw eh Hindi Naman Kasi sya yung laging nasa tabi ng anak ko kaya pano nya malalaman na Hindi inuubo baby ko 😒 hanggang sa lumala Yung pag ubo nya madalas na Lalo na yung sipon nya nagkaroon nadin sya ng plema kaya pinacheck up ko nung una ayaw pa hayst tapos nung nalaman na namin na Pnumonia nya nga daw ayon asakin lahat ng sisi buong pamilya nya kahit sya na asawA ako sinisisi ako kesyo kasalanan ko daw dahil pabaya akong ina chinichissmiss Pako sa lahat 🙂👍Ang Sabi nila kasalanan ko daw dahil nagsasando ako tapos naglilinis ng katawan sa Gabi kung ano ano daw kasi kinakain ko baka daw natuyuan ng pawis si baby (eh lagi ko nga syang alaga sa palit lagi ko din minomonitor on time) baka daw dahil naka electricfan lagi (knowing that my baby is banasin) Sabi pa sakin Nila lagi ko daw tignan yung likod nya palitan ko daw lagi ng damit aba Ang lagay ay Hindi Baga po ako kailangang matulog?magpahinga?Ang hirap kase pag taga province Asawa mo andaming pamahiin ng dahil sa pamahiin Nayan Lalo lang nagkasakit anak ko nirerespeto ko naman pamahiin Nila pero kase po bat parang mas magaling pa sila sa Doctor?sakanila daw ako maniwala wag daw sa Doctor why would I trust them e Hindi Naman sila nakapagtapos lahat ng medisina?pinipilit Nila sakin yung mga pamahiin nilang yon na pag uminom ka ng malamig madede yon ng anak mo na kapag naligo ka o naglinis ng katawan mapapasukan ng lamig anak mo you know andami Nila laging say hanggang sa eto nalang pinagaawayan namin ng Asawa ako kase syempre ako masama ako pabayang Ina kwento ng nanay nya yon e depress na depress nako to the point na Hindi nako nakakatulog kakaisip kung Anong ginawa Kong mali para magka Pnumonia anak ko btw before nagkasipon anak ko naalala ko nagkaroon sya ng contact sa kapatid ng Asawa ko na bunso na may sipon at ubo tapos yung tatay nya nagsisigarilyo din sa Salas okaya kahit malapit lang sya Kay baby Hindi konaman mapagsabihan kase matapang yon baka mamura lang ako yun lang yung mga possible reason bat nagka Pnumonia anak ko baka sa second hand smoke tapos okaya nahawa sya Hindi kona alam Ang gagawin ko mababaliw na ata ako kakarinig ng mga opinion Nila lagi nalang ako yung mali Hindi konaman ma explaine side ko dahil andami Nila isa lang ako🥺

17 Replies

Mga boseet talaga ang ganyang pamilya mhie, siguro next time pag alam at ramdam nyo po na may mali kay baby wag na po kayo mag paalam sa asawa nyo po gawin nyo nalang po kung ano mas makaka buti. Dahil kayo po ang Nanay, hayaan nyo silang sabihan kang OA basta alam mo sa sarili mo na ginagampanan mo ng mabuti ang pagiging ina mo wala kang dapat ika guilty o ikahiya sakanila. Sila dapat mahiya kasi ang kikitid ng mga utak nila.

true ka dyan, ngayon napansin Kong medyo epektib sakanya Yung mga tinetake nyang gamot alerto nako lagi bahala na sila kung Anong opinion Nila ako Naman nanay ako Ang masusunod

ako pagsobra na buysit sa partner ko kasi di ginagawa maayos sinasabi ko sinisigawan ko kahot sino pa nasa loob ng bahay naman. wala nako paki kung magalit sila lahat. kapag nagalit sila lalayas ako dahil kaya ko naman magtrabaho,dadalhin ko anak ko. pero di naman ako pinapatulan ng partner ko. kaya tumitigil ako.

buti po partner nyo ate, yung akin kase nasobrahan sa pagka barako e

much better po tlga nakabukod kayo.. mas kumportable alang kokontra at mgssbi sbi sayo.. mhrap po ung gnyan.. npakdalang mo lng tlga makatgpo ng byenan na mkksundo mo at suportahan ako. like me po.. pray lang po kayo mie.. sana po maicp dn ni mr mo ung gngawa at cnsb ng side nia..

kaya nga eh ,thank you po

Kung possible layasan mo na yan sama mo si baby sayo uwi ka.muna sa inyo at if not possible sa ssunod isama mo byenan mo sa check up itanong mo yung mga sinasabi nya kunwari doc totoo ba nakaka ubo ang natuyong pawis etc...

Hala ate yun po ginagawa ko talaga para alam nya atlist pag ganon Hindi nyako masasabihan ng kung ano-ano hehe.

Sis asawa mo dapat kakampi mo sa lahat ng bagay. Lalo jan sa problema na yan, asawa mo dapat magtatanggol sayo sa pamilya niya. Nakakasad lang na pati sya sinisisi ka din.. baka need niyo ni baby umuwi muna sa inyo sis.

kaya nga po e

lumayas ka na jan sa mga inlaws mo. mag bukod kyo. your child your rules kamo.

VIP Member

Umalis ka na sa puder nila.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles