11 Replies
Naiintindihan ko ang iyong sitwasyon bilang isang ina na may 37 linggo na buntis na baby na breech pa rin. Maari pa ring umikot ang iyong baby, ngunit maaring kailangan mo ng tulong para maging successful ito. Maari kang magtanong sa iyong doktor kung meron siyang mga exercise o therapy na maaring makatulong sa pagpapalit ng posisyon ng iyong baby. Tungkol naman sa iyong tanong tungkol sa CS at kung alam ko kung saan may murang CS, maari kang magtanong sa mga government hospitals sa inyong lugar dahil sila ay karaniwang nagbibigay ng murang serbisyo para sa mga ganitong pangangailangan. Maaring kailangan mo ng referral mula sa iyong OB-GYN para mabigyan ka ng tulong sa paghanap ng abot-kayang ospital na maaring magbigay ng CS. Sana maging maayos ang lahat para sa iyo at sa iyong baby. Good luck sa iyong panganganak! Voucher ₱100 off 👉🏻 https://invl.io/cll7hw5
maliit nalang po yung chance na iikot si baby kasi di na po gaano maluwag sa loob ng matres, pero may doctor na marunong mag ikot ng baby. try nyo po sa public hospital pwede kang maging zero bill, magpacheck up po kayo dun para may record po kayo at kailangan may hulog po philhealth nyo para maka 0 bill. ang magagastos nyo lang dun ay mga gamot na gagamitin sayo. ang panget lang sa public (depende kung saang ospital base lang po ito sa naranasan ko), masusungit yung mga nandun. minsan 2 persons pa sa iisang kama. ang maganda lang makakatipid po kayo
try mo momsh maglagay sounds banda sa puson mo. ganyan din aq before and effective naman sa akin. Nabasa ko kasi na nakakadinig na si baby sa loob. so once he heard sounds hahanapin nya un san galing. And that's the point na iikot xa
Nakow, konti nalang po ang chance na umikot si baby, mommy. Sa public hospital po kayo kung gusto niyo na less gastos kung ma-CS man. Sa public din po ako na-CS dahil breech baby ko. Zero bill kasi may Malasakit at PhilHealth naman.
try mo kausapin sis or kung naniniwala ka sa hilot,ipahilot mo para umikot.pero kung gusto mo murang ospital dapat po sa public hospital ka then dapat may philhealth ka at indigent ang status para konti lang babayaran mo.ako kc cs din..
opo Yan din sabi sakin nang ob baka matanggal daw po sa inunan .
dito samin sa taytay cs ako 26k ang total ng bill ko sa public hospital 24k ang nakaltas sa philhelth ko 2k tas may kaltas pa sa malasakit lumabas kami ng 980 pesos binayaran sa ospital pati bill sa baby ko sa philhelth din.
marami pong exercise sa youtube na pwede nyo itry para umikot si baby .search nyo lang po spinning babies or how to turn breech baby..if ever lipat ka na po sa any public hospital na malapit po sa inyo para makatipid po
sobrang liit ng chance na iikot pa yan at masikip na siya sa loob diba nakita yan nung nasa early stage palang? pero try mo mhie maglagay ng music sa bandang puson mo tapos kausapin mo baka sakaling umiikot
Panoodin mo ung Spinning Babies sa Youtube. exercises un na pwede mo gawin para mapaikot si baby. Pwede pa yan, ganyan ako noon - at 37 wks pumwesto sya ng tama :)
That's because even doctors have different ways of practice - as long as it is approved by the Philippine Board of Obstetrics and Gynecology. My OB is a gentle birth advocate and as much as possible she wants her patients to deliver via NSD unless necessary ang CS or the mom chooses na magpa cs herself. If you want to educate yourself, then you can read more about gentle birth practices, but if not then that's fine kasi what you know is the traditional practice of most doctors here in the PH. :)
Nuod ka sa yt mi. tapos magpa sounds ka sa bandang puson mo every morning sabi kasi nila susundan daw nila yun tas mah flashlight ka din sa puson banda
Junalyn Borado