6 months breech position

6 months breech position c baby,iikot pa kaya sya,?, worried ako kc tinanggihan ako sa lying in at sa ospital na nirefer sakin kase hindi cla nag c cs,,nahihirapan ako maghanap ng ospital ngayon na pwede ako magpa check up dahil hindi cla tumatanggap pag wala pang 37 weeks..help nman po ano ba dapat gawin para umikot pa c baby..๐Ÿ˜ฅ

6 months breech position
60 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

sa 1st baby ko, midwife yung nagkapa around 6mons.ata ako nun na preggy sabi nya di daw accurate ang position ni baby sa month nya in short di pa sya nakaposisyun..tapos merong nagsabi samin na ipahilot ko daw.. kumadrona sya dati(yun po ung mga nagpapaanak sa bahay lng) pinuntahan namin sya.. tas yun nga sabi di pa sya nakaposisyun so ginawa nya hinilot nya tas kumuha sya ng bote yun yung ginagamit nyang pang.ikot ky baby..na.feel ko nga na nag.ikot tlga si baby..tas sabi ok.na daa..nung nagpa.ultrasound na nga ako nung 7mons.naka.cephalic na sya at di na sya umikot pa gang sa manganak ako..sobrang likot kasi ni baby sa tyan ko kea di sya nun nakaayos ii..try neu po ipahilot dun po sa talagang marunong..para safe din po kayo at c baby neu..

Magbasa pa

ganun din ako nag dati nag pa altrasound ako 5 months naka breech pa si baby kaya nung ginagawa ko nag pa tugtug ako ng music every tangahali at sa gabi din before ako matulog tapos nung nag 7 months na ako pmunta ako sa kumadrona para mag pahilot tapos sabi ng kumadrona naka position na daw si baby kaya ang ginawa lang niya inayus lang niya ng maayus si baby pero ngayon 8 months na ako at malapit na kabuwanan ko di pa ako nakapg altrasound ulit at hindi ko din alam kong naka cephalic pa rin ba si baby until now kasi 7 months palng siya naka position na siya

Magbasa pa

nung 6 months pregnant po ako..breach position dn si baby...but after 2-3 weeks po...nag cephalic na sia...sabi nman ng OB ko..nothing to worry kasi iikot pa si baby...pero I did dn po yung flash light sa puson..every morning..pgka gising..and ngpapatugotg dn po ako ng soothing music sa puson...as suggested dn ng OB ko..sabi nia wala nman mawawala if susubukan..basta wag lng ako papahilot ...

Magbasa pa

Ipahilot mo yan sis para siguradong hindi na breech kc minsan kung breech ang baby breech na talaga... yung iba naman naikot pa yung iba hindi na gaya nung sakin kaya na cs ako buti nlng tinanggap ako sa hospital kahit high risk dahil sa covid..

4y ago

yun lng,,wala kase manghihilot d2 samin..nun 1st trim.ko nman cephalic sya,tas nitong 2nd na nag breech na sa lying in kase d ako tinanggap at sa ospital na nirefer sakin sa center kase d daw cla nag c cs.. sana nga umikot pa..

Too earlynpara umikot si baby. Lagi lang kayo maglakad, mag play ng music sa baba ng bump and kausapin nyo lang si baby. 6mos ako cephalic na si baby pero umikot ulit siya nung 7mos ako, 8mos cephalic na ulit. Kaya masyado pa maaga Momsh ๐Ÿ˜Š

Nakatatlong ultrasound ako ung una 5 months ako at padalawa 6 months breech position si baby then nagpaultrasound ulit ako mag 8 months and nakapwesto na sya. โ˜บ๏ธ umiikot naman po sya ng kanya. hehe

Iikot pa po yan. Help nyo po si baby nyo. Pwede kayong mag tapat ng flashlight sa bandang puson nyo possible n sundan ni baby yung ilaw. Pwede rin naman po mag patugtog ng music sa bandang legs nyo

VIP Member

36 weeks ako mommy breech dn si Baby. CS na sana ako pero naniwala ako na prayer works. Pray & Trust the lord mommy, flashlight bndang puson and music. 38 weeks & 5 days na ako in Cephalic na si baby.

4y ago

thank you sis,,gagawin ko yan sinabi...๐Ÿ˜Š

VIP Member

iikot pa yan mamsh, ganyan din si baby nung 6months. lagi ako nagpapatugtog sa puson ko tuwing gabi. Tapos lagi ko rin sya kinakausap. Pagkaultrasound sakin nung 7months ko, umikot na sya.

4y ago

thank you sis..gagawin ko yan sana nga makatulong..๐Ÿ˜Š

Dito nagpapahilot kami prof manghihilot momsh, inadvised ako last time na balik ako pag 7 months na tyan ko. Pero so far sa unang hilot naman nya sakin naka posisyon na si baby