Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

here is the thing momshie. dito kasi sa pilipinas marami tlgang mga kwento kwento tungkol doon. Coz made up po tayo ng mga superstitious beliefs. Based on my experience. Kapag buntis, paborito tlga nila yan. Masarap ang pang-amoy nila sa mga tiktik, aswang, atbp. Kaya nung nagbuntis ako. Naglagay ako ng ahos, asin, sili at yung lana sa bintana. Wala nmn mawawala sa atin., pero buhay ng baby mo ang nakasalalay kung hindi po kayo mag-iingat. Prevention is better than cure.

Magbasa pa

Ako din po hindi talaga naniniwala sa mga ganyan . Hanggang sa ilang beses na po ako nagigising sa madaling araw kasi my maingay sa bubong namin . Lagi po ako my naka kabit na bawang sa damit kahit matutulog . Wala naman kasi mawawala kung susundin mo ang payo ng ibang matatanda . Ehh ang lugar po namin along the h.way hindi nawawala ng tao at tambay sa gabi hanggang mid night . Kaya nakakapag taka po talaga na alanganing oras my mag iingay sa bubong namin . 😅

Magbasa pa

Hahaha! nakakatawa ka sn mommy noh? tingin mo may gana ka pang interviewhin ang tiktik? kung Takam na takam na xang sipsipin dugo mo at kainin lamang loob mo? sa CITY at maraming tao, wala gaanong ASWANG kc madali clang maHunting...punta ka sa PROBINSYA cgurado maka experience ka... d2 sa Mindanao marami! to see is to believe ka man kaya... hehehe! ihanda mo lhat ng gamit pangVideo mo, camera... mas mganda ung ikaw gagawa pra alam mo.. tpos kwento mo sa amin.

Magbasa pa

6 months pregnant na ako turning 7 this may . yung kapitbahay namin lagi sinasabi na maglagay lagi ako ng bawang sa bintana pero hindi ako naniniwala pati partner ko so never ko pa ginawa 4 months pregnant palang ako nun so until now naman wala naman akong nararamdaman na anything minsan late nadin ako matulog kasi midnight na umuuwe asawa ko . siguro it depends nalang din sa mga place where you live ☺ Pray ka lang mommy 🙏

Magbasa pa

Hindi din po ako naniniwala pero ung mama ko naniniwala, ngayon nga ginising ako kase may nagtitiktik daw kaya ito puyat nanaman hahahaha pero may narinig din ako something kaya hinawakan ung tummy ko kung may heart beat pa si baby. 4 months pregnant na po ako now, simula 3months hindi na ako mapakali tuwing madaling araw at nagigising din ako bigla tuwing 3Am ka naglalagay ako ng bawang sa tabe ko para sa safe na din ng baby ko.

Magbasa pa

sabi ng lola ko ang tiktik daw ibon lang yun, at ang kinakatakutan nilang kumukuha ng baby sa tummy iyun ay aswang daw mismo. pero sa panahon ngayon siguro naman mga nag upgrade or nag bago na din yung mga asawang na yan dahil sa takot nadin sa pwedeng gawin ng mga tao ngayon. basta ingat ingat nalang po sa ating mga buntis. wala din naman masama kung maniniwala pero wag tayo dumipende sa mga sabi sabi, ingat nalang po

Magbasa pa
VIP Member

Naniniwala ako momsh nung ako 2 month preggy umuwi kami ng batangas ng babydaddy ko tapos nung 1st day and night ok na ok naman .. until kinabukasan namasyal na kami pumunta din kami sa parola (lighthouse) then un na kinabihan jusko napakainit kahit mahangin (mahangin kasi un puno ng mangga wasiwas ng wasiwas) pero grabi kainit talaga tas maingay un aso at mga manok .. un na pala un , nakakatakot ..

Magbasa pa

sa province po meron nung mga ganun yung tiktik at wakwak parang uri ng ibon yun na sa gabi mo lang maririnig..so hindi mo sila makakausap😂 isa pa ang aswang kusa daw yung lumalabas anyong hayop kahit anong hayop.kahapon lang sabi ng boy namin tsaka ng tenant namin may wakwak daw sa may bintana namin😊 mag pray ka lang tsaka maglagay ka ng tingting sa bintana nyo kasabihan kasi yun ng matatanda

Magbasa pa

totoo ang mga yan kasi naaswang na aq to my first bby ehh ung ang init ng katawan mo sa madaling araw balisa ka tapos makaktulog ka bglang may kalabog sa bubong ung parang may tao sa taas after nun kinabukasan nakunan aq and durog ang inunan ng anak ko . kaya now im preggy again may buntot ng pagi na aq .. and syempre ill always pray thank god 22weeks preggy na aq and still nag iingat pdn

Magbasa pa

Yung asawa ko hindi naniniwala pero ako naniniwala ako kase nung preggy ako sa panganay ko e may lumilibot at rinig na rinig ko umiikot sa kwarto namen yung baboy e pano yung nakakapasok sa may bakuran namen e may gate saka late na din ginising ko yung asawa ko sabi ko may baboy sa labas tas lumabas sya sabi nya wala naman daw tas nag saboy nalang sya ng asin sa bubung saka sa labas namen..

Magbasa pa