Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

you're funny mommy. seryoso nako nagbabasa kasi akala ko naexperience mo narin hehe. but like me, laki ako sa Maynila, sa Makati. that's why i dont really believe sa mga ganyan. marami talaga nangungulit sakin na maids or kakilala sinasabihan ako pag out of town kami or pag may bawa bawal daw. wala naman siguro masama kung gawin nalang kung di naman makakasakit kay baby.

Magbasa pa

Sabi nga po nila totoo yun pero may mga buntis din kasi na hindi lapitin ng aswang Or depende sa paniniwala nila. ako Inaantay ko panga eh kasi ganun din sabi sakin so nag iimagine nako kung ano maririnig ko gabi gabi at kung mag papakita sakin hahahaha Until now 7 months preggy nako. wala pa naman akong naririnig or nararamdaman. Sguro depende din sa lugar nyo yun sis.

Magbasa pa

Sa walong naging anak ko minsan ko na narrinig yung sinasabi nilang tiktik sa bubong pero hindi ko nmn sya nkita ., tumutunog lng sya ng kikik.. kikik ung sound .. nagppray lng aq kpag nattakot n aq .lalo kpag wala ang mister ko .. Meron tlagang mga nbbuhay n masasamang elemento .. nasatin nlng yun kung pano natin sila iaavoid para di nila tyo lapitan

Magbasa pa

Ako din hindi ako naniniwala di ko pa na try eh. To see is to believe din ako. πŸ˜‚ 6months pregnant na din ako pero wala nman akong nafeel na kakaiba kada tulog ko. Hahahaha.. Wala na siguro yan ngayun, di na uso. Basta may faith klng kay Lord at pray ka sa safety mo at sa baby mo. Put everything in God's hands dahil di nya tayu pababayaan. ☺

Magbasa pa

asin at bawang po maglagay dw pangontra un. aq naniniwala dn kce nakakita na yung lolo at tito ko. hinabol pa nila. πŸ˜‚ and even my father nakakita na dn.. nung buntis dn aq nkkrmdam dn aq sa bubong nmin. pero ang mdalas dw aswangin n buntis pag nakahilata matulogπŸ˜‚ kaya aq prating nkatagilid at my takip n kumot kpg ntutulog. . πŸ˜‚

Magbasa pa
VIP Member

Depende sa lugar momsh. Doon kasi sa barrio namin every night talaga ako nakakarinig ng tiktik. Namiscarriage ako on my 6th month, maybe bcoz of stress. Paglabas ko ng hospital, that night tumunog yung tiktik, narinig namin, then sabi ng mother ko, WALA NA SIYA DITO (Referring to my baby) the next night wala na kaming narinig na tiktik

Magbasa pa

Laking probinsya kase kami . Naalala ko sa first baby ko . Ang nanay ko pinag lalagay ako ng walis tingting sa bintana chaka asin . Nung November 1 nmn na bumisita kami sa sementeryo , binag baon pa ko ng bawang . Lagay ko lng daw sa bulsa ko . Wala nmn mawawala kung susundin . Anu bang malay ko eh sila matanda . Sunod nlng ako πŸ˜…

Magbasa pa

Depende sa lugar daw pero sabi ng iba kahit saan daw merong ganyan. Pero sabi naman ng mama ko dasal lang. If malakas ang faith mo kay God walang makakagalaw na kahit anu sau. Pero dahil nasa province aq ginagaw ko din ung paglagay ng bawang at asin hehhehe meron nga akong katabing bawang sa higaan eh. πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa

true poh yan first time mom din poh ako ngayon tuwing gabi at madaling araw may kumakaluskos pa sa may bintana namin at may umalulong pang aso sa madaling araw kaya simula nangyari sa akin yung naglagay na ako ng bawang sa bintana at may matalim na nakasabit sa bintana namin at pray yun lang ginagawa ko ngayon

Magbasa pa

true poh yan first time mom din poh ako ngayon tuwing gabi at madaling araw may kumakaluskos pa sa may bintana namin at may umalulong pang aso sa madaling araw kaya simula nangyari sa akin yung naglagay na ako ng bawang sa bintana at may matalim na nakasabit sa bintana namin at pray yun lang ginagawa ko ngayon

Magbasa pa
7y ago

kahit umaalis lagay mo yung dinikdik na bawang na may asin na nakabalot sa itim na tela di mo rin masabi baka yung nakasalubong mo is aswang