Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies

Ako po kagabi lang parang pusang kutkut ng kutkut sa bubong pero ang nakakapagtaka bakit sa bubong lang mismo namin and bakit kung nasan ako nandun rin yung nagkukutkut. Mahirap paniwalaan yes kasi part na sya ng mga haka haka pero kagabi ako talagang nakaramdam ng takot. Pero pray lang palagi 😊

VIP Member

Talagang nasa belief na ng mga pinoy yun, pwede ka din po magsabit ng bawang or asin, wala naman din mawawala. Pero sa experience ko po, wala naman ako nararamdaman kahit wala ako bawang at asin sa bintana hehe. Sabi ng mga lola ko, totoo daw ang aswang kaya medyo nakarinig na ko ng kwento.

@ the age of 29 Hindi rin ako nniniwala nun sa tiktik kasi nga kathang isip lg un. Till i heared it po. Nasa probinsya ako nun at bedrest. Nrinig ko ung " tik tik tik " n sound tapos lahat nung aso nmin eh pumunta dun sa pinanggagalingan ng sound. Ntakot cguro sa mga aso. Ayun nawala.

VIP Member

ako ndi naniniwala s mga ganyan.. Dati kc panakot lng nla s mga bata un pra umuwi ng maaga s haws at wag abutin ng gabi sa daan. Ang salitang ASWANG ay galing sa ASin at baWANG n sinasabi nlang pangontra pero wala pang nakakakita ng nun kahit nga mga CCTV ntn ndi p dn un nakikita eh

true yan..sa bahay nmin sa subic pag may nag bubuntis lagi may tiktik..inaaswang nga daw..tas nung nagbuntis aq..naranasan q din..lagi may parang malalaking yabag sa bubong nmin..di nman pusa...tas yung baby sa tian q di mapakali..pero after q nmn nanganak..wla ng ganon

VIP Member

Hindi rin ako naniniwala pero nitong mga nakaraan nagigising din ako ng madaling araw. May maingay sa bubong namin, mamaya maglalagay na din ako ng asin at bawang pero inuna ko na holy rosary sa tabi ko. Wala naman masama kung sumunod lalo na para naman sa mga babies ko.

Hindi po ako naniniwala pero nong buntis ako sinusunod ko nlng yung mga sinasabi ng matatanda na mag lagay ng asin sa bintana at mag sout ng itim. Gaya nga po ng sinabi sa inyo wala naman pong mwawala kong gagawin nyo po. Mas okey na po yung handa kong sakaling totoo.

di rin aq naniniwala pero proven kung m naririnig kami ng mga bordmate kung tumutunog n tiktik..nung di p aq buntis wala nmang ganyan,for my sake of my baby pinaniwalaan ko nlang n mglagay ng kung anu2 sa bintana.start nun wla n kaming narinig kya ok n tulog ko ngayon.

totoo po yan buntis plng mama ko rinig n rinig kona at nung lasing papa ko nawala lasing nia at npatakbo pauwi sa bhay kc nkakita xa sabay kuha ng gulok at pinasok sa loob ng bhay pti bawang at asin naghagis sa lbas ng bahay papa ko non kc buntis c mama ko

hind rin ako naniniwala. pero nung ako na yung preggy may something daw sa madaling araw sabi ni mother dear. mabango raw ang buntis sa mga tiktik. wala naman mawawala kung maglagay ng bawang sa bintana, maglagay ng matulis na bagay or magsuot ng itim.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles