Tiktik/Aswang/Wakwak Story

Bilang logical akong tao at millenial naman din, hindi ako nagpapapaniwala sa mga tiktik, aswang o wakwak kung anuman tawag sa kanila. Nung hindi pa ko preggy, nakakatulog pa ko ng bukas na bukas ang bintana at halos sobrang iiksi ng mga pantulog kasi mainitin ako. Nung malaman ko na preggy ako mga 6 weeks na tiyan ko nun, chill lang din ako at masarap pa din matulog. Normal lang, alam ko lang na preggy ako at excited ako tapos maaga na ko natutulog. Ayoko napupuyat para kay baby. Until one day, may isang kakilala na nagtanong sakin kung ilang months na tiyan ko? Going 3 months na ata ako nun if I remember it correctly. Tinanong niya ko kung wala daw ba nagpaparamdam na something sakin. Naguluhan ako kung anong something until she told me na nung buntis daw siya though hindi din siya naniniwala sa tiktik, yung kasama daw niya sa bahay laging sinasabi na may nadidinig daw na sounds na "tik tik tik" lalo na kapag gabi na. Tapos sinabihan niya ko na magsabit ng bawang, maglagay ng asin sa bintana, magsuot ng itim. Wala naman daw mawawala sakin kung maniniwala ako kahit ang motto ko talaga ay "to see is to believe". For my safety lang din daw. Natatawa pa ko during that time. Pero mula nung sinabi niya sakin yun, though hindi nga ako funnywalain, bigla akong nakaramdam ng takot not for myself but for my baby. (first time momshie here) Syempre kahit sinong momshies ayaw na mapahamak si baby di ba? So, ang tanong ko.. totoo nga ba na may tiktik? Kung meron nga, bakit wala nun sa America o Korea at dito lang sila sa Pinas naglalagi? Kung may nakaexperience na, please provide with video footage and interview sa tiktik. At kung may gustong magtiktik hunting, please magfb live naman po kayo para sa awareness ng ibang momshies at pakitanong sa tiktik during the interview kung .. 1. Bakit niya ginagawa yun? 2. Ano itsura niya pag nagmake up siya? No make up look ba niya yun? 3. Hindi ba siya mahal ng mama niya? Just for fun. Please tell me what's on your mind mga momshies. ?

117 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi rin ako naniniwala pero pamilya ng asawa ko malakas ang paniniwala sa aswang.. yung bintana namin binudburan ng pagkarami-raming asin saka nilagyan ng bawang.. hindi rin nila ako pinapalabas ng bahay na walang nakabulsang luya at bawang

Hindi rin ako naniwala nun. Maabutan pa nga ako hating gabi sa daan galing work, pero ng lumaki ng tyan ko umuwi ako sa mama ko dun ng simula "may wakwak daw " may narinig din ako once pero d nadin na ulit kasi mg ginawa ang lolo ko.

HAHAHA YES! ako di ko pa sila nakikita ha? pero yung mga kasama ko sa bahay, may nag iingay daw na "KIKIK" dito sa Zamboanga. šŸ˜‚ Well, para gumaan loob ko, sinunod ko yung advise nila and always pray talaga before matulog.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-81065)

VIP Member

Ako di ako naniniwala, pero yung mommy ko naniniwala. Kaya ayun may mga asin sa gilid gilid and meron din langis kontra aswang daw. Meron ba yung buntot ng pagi ba yun haha. Sabi nila better to be safe than to be sorry

Hindi ako naniniwala kahit parang nakaka experience ako ng mga ingay sa gabi. May mga gustong magpa abort ng baby, bakit hindi nalang nila hintayin yung aswang/tiktik diba kung meron man. Yung iba gumagastos pa.

Dahil sa nakasanayan ko na magdasal bago matulog, sa habag ng Diyos, wla naman ganyan...Meron DAW tiktik pero sa pananaw ko, hanggat hindi ko nakikita or naranasan, hindi ako naniniwala.😁

VIP Member

Nung time na nag buntis ako sa panganay ko hindi ako naniniwala pero nung nalaman ko na buntis din pala yung pinsan ko gabi gabi may kumakalampag na malakas sa bubong nila at samin

Ako po wala naman nararamdaman n nagtitiktik. Nagigising p ako sa gabi at madaling araw para umihi pero wala naman kakaiba. Tahimik lang din aso namin sa bahay pati mga pusa. Hehe

Prang hubby q dn nkakatuwa nung di aq mktulog nilagyan ng bawang at asin ung bintanašŸ˜‚šŸ˜‚šŸ˜‚ tsaka nilock nya pntuan s bntana bka daw lapitan aq ng mga anu anušŸ˜‚šŸ˜‚šŸ˜‚