Pano nyo nahandle ang cheating?
It's been months already pero parang sariwa padin sakin lahat. That was the first time and hopefully the last. 8 years na kami together may preschooler kami at 3 months old ako noong buntis. High-risk ang pregnancy ko kaya binawalan ako ng doctor sa kahit anong activity na mapapagod ako dahil dinudugo ako agad, kasama na doon ang di pakikipagdo sa kanya. Tumitigas yung tyan ko at automatically duduguin ako kahit hindi dahan dahan lang namin. Pero nung mga time na yun tinatry kong pagbigyan pero kulang pa din pala. Sa android phone ko kasi pwedeng magclone ng messenger. Noon pa man alam na namin yung password ng bawat isa. Kampante na kami sa ganon. But that time was different may kutob ako not specifically na may iba sya pero yung kutob ko parang nagsasabing magopen ka at may kelangan kang malaman. Noon pa man naoopen ko na yun kahit ako gumamit ng messenger nya wala lang sa kanya. Nung mga time na yun lagi din syang nagiinom na talagang naiistress ako kasi bawal dito sa bahay ang lasing dahil ayaw ng parents ko. Going back to the story: mag profile sa pinakaunahan ng story sa messenger. Avatar lang yung DP nya pero wala syang message sa messenger. Mainit na mata ko noon parang may mali sa acc. na yun. So magkatabi kami sa higaan may mga kachat sya na tropa at katrabaho. Pero nung time na yun may naguudyok sakin na magabang ako sa messages at yun nakita kong may nagpop na message nung acc na avatar yung dp at biglang nawala. Hanggang sa nagpop uli at binuksan ko na. Ang nadatnan kong message ay "anong gagawin ko may nararamdaman na ako sayo" parang di ako makahinga noon. Until now pag naalala ko nanlalamig yung palad ko. That acc ni girl is dummy. She is a call girl. Gamit nya yung account to get customer na magbook sa kanya for s*x. I confronted him about doon at sinira nya yung phone nya. Fast forward di padin ako matahimik so nahanap ko kung sinong nasa likod ng acc na yun. I know kung anong fb, IG kahit pamilya nya natrace ko. Ganon pala pagdesperada kana. Kahit asawa ko di nya alam yun bukod sa dummy at first namin ni ate. Hanggang sa kinontact ko si ate. Deny to the max sya at nagmessage sya sa asawa ko. May bagong phone na mister ko. Eto nanaman yung nadatnan ko "Nung huling nagkita tayo sabi mo usap lang" "Usapan natin 3k pero 2500 lang binigay mo" "Alam ng asawa mo sabihin mo nagusap tayo about scholarship" Di naman ako pinanganak kahapon para di maintindihan yon. Nagkita sila once. May nangyare sa kanila sa loob ng 3hrs hindi ko alam. Ayokong maniwala na isang beses lang sa loob ng 3 hrs. Ayokong maniwala na napilitan sya kasi nagiinsist yung babae. Kasi at the end of the day choice nya yung sinunod nya. I cried my heart out. I feel betrayed. Yung taong dinependehan ko ng buhay ko. Yung taong pinagsakripisyuhan ko ng napakadami tinraidor ako. I got hospitalized because of too much stress. Naalarma na din ang parents ko. (i know sasabihin nyo sa akin na dapat inalagaan ko yung sarili ko dahil lalaki lang yan, please don't judge me). Then one day umuwi sya ng maaga from work. Nagconfess sya sinabi nya lahat bawat pinagusapan, kung saan as in lahat lahat. Ang tanging nasabi ko nalang sa kanya ay: "Nung hinahawakan mo sya , hinahalikan, hinuhubaran, nung ginagawa mo yun, di man lang ba ako dumaan sa isip mo? " Alam ko yung iba don hugas kamay but naappreciate ko na gusto nyang ayusin. That happened last week ng march to 3rd week of april. I gave birth at 8 months because highrisk at nadiagnose ako ng depression. Until now sumisikit padin dibdib ko pag naalala ko at nakikita ko syang natutulog. Inaatake padin ako ng anxiety. I got pregnant sa first baby namin 16 ako. Now sa second I am 23. Nakuha ko din yung bachelors degree ko last 2018. NagkaSepsis yung baby ko. Sobrang bigat sakin ng 2019. And hopefully iwan ko na to this year.