Ask lang sa mga expert moms
Bat po grabe iyak ni baby kahit busog naman, bagong palit ng diaper, at napa burp naman po ng maayos, nilabas na po namin ng bahay pero iyak pa din, kinakausap naman po namin. Di na po namin alam kung anong gagawin. Ftm here po. Sana may mag comment dto ng mga tips or advise kung paano po masosolusyunan yung ganito. 1 month old po si baby.

Hi based sa experience ko yung baby ko is 1 month old na bukas hinahaplasan ko po ng aciete at alcamporado yung tyan ng baby ko kasi ang sabi sakin ng mother ko is baka kinakabag so ayon kada hinahaplasan namin non ang himbing na ng tulog niya plus binibigkisan ko din and pag nagamit ako electricfan hindi ko masyado pinapatamaan sa kanya as long as hindi mainit ang room okay na yon and gumagamit ako always ng hat sa kanya kasi para di din mapasukan ng hangin
Magbasa pahello nasa growth spurt stage kayo, need nya ng more snuggles cuddles karga at sayaw sayaw. if breastfeeding po kayo wag nyo po iisipin na nagugutom sya. ung growth spurt po monthly yan at dedede yan kahit di gutom kasi inuutusan nya katawan mo magproduce ng maraming milk. just karga lang po and kanta kanta sayaw sayaw.
Magbasa pabaka kinakabag si Baby sis, haplusin mo lng sya sa likod ng padapa sau wag mo sukuan hanggat maramdaman nya init mo na prang nsa womb mo pa sya and tahimik ung paligid kse naiirita na sila, pag utot ng utot na yan kinakabag nga, avoid dn na paiyakin ng paiyakin kse lalong dumadami ung hangin nya sa chan.
Magbasa pamay baby po na ayaw ng masyadong niyuyugyog sa sayaw. tamang ritmo lang at samahan ng yakap para mafeel nya ung presence mo. need mo din hanapan ng kumportableng pwesto habang karga mo sya. usually overstimulated ung bata kaya hirap makatulog at iyak ng iyak.
growth spurt ganyan po baby ko. kahit minsan nasa bibig ung dede parang nagwawala pa dn pero gusto dumede. 3-4 hrs kong pinapatahan, inaantok pero nd mahanap ung antok. itatayo mo maggcng tapos iiyak ulit. normal po yan 😊
Colic po yan. wala po kayo ibang dapat gawin kundi HABAAN ANG PASENSYA.. Dumadaan po talaga sa ganyan lalo pag ganyang Age Ni Baby ganyan po Kami Nung 1StMonth Ni Baby Ko. Ngayon Okay na po Siya.
Baka po may kabag,di po porket napa-burp ay okay na. Massage niyo po lagi ang tiyan at likod after dumede,try niyo din po ihele. Kung makakatulong,pwede niyo din bigyan ng pacifier.
tignan nyo po mga pagitan ng daliri mommy baka po may nakasingit baka din po binabanas sya presko po dapat damit ni baby
Lagi mo lagyan mansanilla oil ang tiyan at likod, tapos hilutin mo din slowly lang ang tiyan at likod nakakarelax po
Baka po may kabag mommy try to do bicycle massage at makakautot din siya