Burden Bella!

Bat ganon pakiramdam ko. Ako bumubuhay at bumubuhat ng pamilya namin. Samantalang asawa ko, parang ang priority na buhayin at tulungan eh ung nanay, lola, anak nya sa pagkabinata dawit ung ex dahil andon anak nya. Bigat na bigat ako. Parang wala akong pinakasalan na makakasama at makakatuwang ko sa buhay. Kasama ko nga pero hndi naman pamilya namin priority nya. Wala daw syang pera. Pero pag nanghingi ex at lola at nanay nya. Agad agad makakapg bgay. Sakin, lqgi walang pera. Laging sakin nahingi. Madami pa ko pangarap sa dalawa kong anak. Pero parang dko na makukuha. Nanaginip ako, umaakyat ako sa napakataas, napakatarik napakakitid na hagdan. May dala dala daw akong 2 bag na grocery na mabgat. Pero nagawa kong makaakyat. Malapit na ko sa dulo... nakikita ko na ung dulo. Mataas na ko. Nakakalula na ung taas. Medyo tabingi na nga lang ung hagdan dahil sa bigat dn siguro ng dala kong grocery. Nagdahan dahan ako gumapang paakyat. Pero bglang may umuga ng hagdan. Sinabi ko wag mong ugain, malalaglag ako. Inuga padn nya.. hanggang sa nalaglag na ako. Kasama ng mga grocery ko. Tapos napatingin ako sa kabilang side. May lalaki dn na naakyat sa hagdan at malapit ndn sa dulo. Dko na nakita kng nagawa nyang makaakyat. Samantalang ako nalaglag. Pero ok padn ako. Buhay ako. Tapos nagising na ko sa panaginip ko.. Dko magawamg hndi ihalintulad sa buhay ko. Natakot dn ako. Pero sana hndi naman totoo. Sana tulungan ako ni Lord makaahon para sa mga anak ko.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

isa lang ibig sabahin niyan wag kang susuko kahit anong mangyari sayo, gawin mo ang lahat pra sa mga ank mo , dimo man makamit sa ngayon ang mga bagay na gusto mo para sa anak mo, makakamit mo din yan basta wag ka lang sumuko, kahit ikaw lang mag isa tumaguyod sa anak mo kayanin mo , madapa ka man, mahulog ka man sa bangin bumangon ka ulit, umahon ka ulit,wag kang padadaig sa iba,wag kang papatalo. lahat nyan makakamit mo para sa mga ank mo basta wag ka lang padadaig sa iba kayanin mo kahit ikaw lang mag isa..... 😊😊😊😊😊 sana kilala kita in person magaling akong magpayo pero gusto ko din may nagpapayo sa akin...😁 i'm 22 yo pa lang po walang kaibigan, wla din mapagsabigan tungkol sa nararamdaman, walang mapagkakatiwalaan.. lagi din ako nanaginip umakyat sa bundok ,nahulog pero umakyat ulit, at muntik mahulog sa tubig, ang tubig ay isa sa pinaka kinatatakutan ko takot na takot ako sa tubig at kitang kita ko sa repleksyon ang sarili ko takot, pero iniisip ko kaya ko ang lahat madami pa ako pangarap,madaming parangarp para sa aking magging anak at para sa hinaharap dinya maransan ang hirap. kaso madami akong kinatatakutan andun din yung mga traidor na mga tao na iniiwasan kong pagkatiwalaan. sa ngayon iniisp ko kung paano lumangoy, kasi sobrang takot ako sa tubig takot ako malunod at mapunta sa malalim. hindi ko alam kung paano magsisimula matutu lumangoy, hindi ko alam kung paano sumisid sa malalim na tubig. natatakot ako😭😭😭😭😭...

Magbasa pa

Kaya mo yan mommy.. Sa baby mo ikaw humugot ng lakas. Pag magkaroon ng perfect timing, magusap kayo magasawa kc dapat mas focused na kayo ngayon sa family na binibuild nyo... More prayers mommy. Virtual hugs