Sana May Maka Sagot

Bakit po magugulatin yong baby ko? Kahit kunting galaw lang po or ingay... Normal po ba yon sa 2 weeks old baby?

141 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I-swaddle mo sya everytime na matutulog. Sanayin mo din sya sa maingay para hindi maselan kapag natutulog. Ganyan ginagawa ko sa baby ko kaya kahit tahol ng aso hindi sya nagigising agad kapag tulog. Pinapatugtugan ko din sya ng music habang tulog. So far, bihira sya magulat kapag tulog.

Ganyan din anak ko..kongting ingay or galaw gulat agad..hanggang nag toddler cya ganyan pa din..normal and healthy naman cya..medyo may pagka alert and sensitive lng talaga sa environment nya. Ngayon 4 years old na cya. Pag magulang na ang nagsasalita minsan di na nakakarinig..hmmp! hehe..

Normal lang po yun kasi mag-aadjust pa sila sa real world. Nasanay sila na heartbeat and boses lang nating mommies ang naririnig and very muted pa yung sound ng voices na naririnig nila nung nasa loob natin sila. Shookt pa sila ngayon kaya magugulatin. Masasanay din yan 😊

VIP Member

Feeling kase nila di sila safe kase sanay sila sa womb kaya swadle mo lang or lagyan nang magaan or blanket sa dibdib para di nagugulat mnsan kase naiiyak sila at gising dhil sa gulat then sabi nang matatanda sawan dapat ginugulat para mawala dko lang alam kung totoo

Normal po... Sa hospital yun ang isa nilang paraan para malaman nila kung normal o walang sakit ang baby mo... Ginugulat nila tapos paiiyakin para makita yung paghinga at para daw ma exercise ang puso ni baby...

Normal. Lagyan mo nlng po ng something heavy wag yung sobrang bigat talaga ha. Like unan or kumot sa tiyan niya po just make sure di niya matataas kapag magugulat siya. Or better yet swaddle your LO.

oo normal lang pero sana wag sya laging nagugulat kasi may nalalanghap syang hangin na baka ikakabag nya. ganyan yung baby ko. nag karoon ng kabag once na nagulat sya sa kalampag ng pintuan

Hi mommy! It’s a normal reaction. In medical terminology, we call that “startle reflex”. Baby’s are startled by a loud voice or sudden movement. This reflex lasts until 2 months old.

6y ago

ganon po ba... Salamat po

Ganyan din baby ko mamsh! Until now ganyan siya lalo na kapag hindi pa ganun kahusto tulog niya. Newborn hanggang ngayon 6mos. na siya. Pero normal lang naman siya😊

VIP Member

Normal po yun. As per my baby’s pedia, until 6mos saka mawawala yung pagiging magugulatin nila kaya it’s best to swaddle them to lessen yung pagkagulat.