47 Replies

Parang baby acne nga sis gaya ng ki bb ko, milia kasi is puti2 e. Normal lang yan sa newborn sis sakin nga mas mapupula pa talaga nagkumpol sa mukha ni bb, worried din ako dati kasi baka kako ano na, sabi ng pedia nya mawawala din. Ligo lang everyday, wag mo kuskusin ang face nya. Pat dry lang after bath. Sa redness makakatulong breastmilk mo sis, pahid mo using cotton.

Ano gamit mo bath soap niya? Baka need mo siya switch ng soap sis sa baby ko nagkaron ganyan konti pero naagapan ng pedia pinalitan niya ng cetaphil gentle cleanser si baby ko at cetaphil moisturizing lotion for sensitive skin nawala agad sa baby ko.

Lactacyd naman po gamit ni baby.

Normal.lang po yan mamshiee ganyan din po sa baby ko now.. 25days old siya ngayon daming ganyan sa face, everyday po punasan niyo lng ng maligamgam na tubig umaga at hapon ung sa baby ko nawawala na po eh saka wag pong pahalikan 😊

Nagkaganyan din yung baby ko. Sabi ng lola ko normal daw yan pero ang pinapagawa niya sakin is mag iipon ako ng gatas tapos isasawsaw ko yung cotton sa milk and ipapahid sa muka ni baby. Mas nainam daw pag bagong ligo si baby 💖

Yung mittens nya po if mahimulmol na palitan po ng new sets. Lagi kinukuskos nila baby ang mga kamay nla sa muka nila so.kapag magaspang ang mittens naiiritate yung skin. And please use mild detergent para sa mga damit nya. 😊

Normal Lang yan sis, lahat ng baby pinagdadaanan talaga yan. Kusa naman mawawala yan, gawin mo sis punasan mo Lang face nya ng cotton na may tubig na maligamgam.

True ako ganyan din baby ko before ginagawa ko kuha ako ng clean towelette na basa n warm water then damp ko sa face ng baby ko d nmn punas dampi dampi lang and gradually nawawala sya. 😊

Ganan po talaga ang ibang baby mommy. Every morning kuha ka ng bulak then pigaan mo po ng gatas mo then ipahid mo sa face nya. Kahit po tanghali tsaka hapon pwede😇

rushes yan sissy..wag m muna pinapahalikan c baby lalo n sa mabalbas..delicate pa skin nia yan..try cetaphil n din pansabon sknya..mganda kc un for babies skin

sa panahon po ngayon kaya nagkakarashes mga babies lalo na tagulan ganyan din po baby ko binigyan ako ng gamot para sa muka at gumaling naman po

Normal lang nmn po yan. Basain niyo po yung cotton ng maligamgam na tubig. May ganyan din kasi si baby, yan lang po ginawa ko natangal naman.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles