Bakit kailangan BUMUKOD KAPAG MAY SARILING KA NG PAMILYA?

Bakit kailangan BUMUKOD KAPAG MAY SARILI KA NG PAMILYA? Actually maraming advantages. Pero mas pinili namin ang mag RENT dahil sa 5 main reason namin. 1. Para MAS MAKILALA MO yung asawa mo, at MAKILALA KA din ng asawa mo - kasi kapag kasama mo either of your family, mahirap.. kasi hindi ka makakagalaw ng maayos. Hindi mo magagampanan yung PAGIGING ASAWA MO para sa kanya. 2. Para MAS MAPAGSILBIHAN NYO ANG ISA'T ISA - diba ang sarap yung ikaw yung kikilos para pagsilbihan ang asawa mo, hindi yung paglabas mo ng kwarto or pag-gising nyo, may nakahanda na ng pagkain. Diba, mas gusto natin na tayo mismo ang magsisilbi sa mga asawa natin.? Kasi kapag nakatira ka sa mga in-laws or sarili mong pamilya, hindi natin yan magagawa. 3. Para MAY PRIVACY KAYONG MAG-ASAWA- mas nagagawa nyo ng malaya yung mga gusto nyong gawin. Walang sisita sa lahat ng mga desisyon nyo sa BUHAY. Walang taong nakatingin kapag hindi nagawa ang ibang gawain sa bahay. 4. Para IKAW LANG ANG REYNA AT HARI SA LOOB NGA BAHAY- mahirap kasi kapag dalawa ang reyna at hari. For sure may problema na mabubuo. Kahit sabihin natin na mababait ang mga In-laws natin. Kaya nga mas maganda ang bumukod para mamaintain ang maayos na relasyon. 5. Para KAYO LANG MAG-ASAWA ANG MAGDIDISIPLINA sa mga anak ninyo- mahirap kapag may kontra, mahirap kapag may konsintidor, hindi mo magagampanan ang pagiging nanay at tatay nyo kung marami kayong MAGDIDISIPLINA AT KUNG MAY SISITA SA WAY MO KUNG PAANO MAG DISIPLINA. Para saken, better na magkaroon kayo ng sariling bahay kahit nag rerent, di man kalakihan pero alam nyong magagawa nyo ang mga gusto nyong gawin ng walang ibang inaalala. Yes, wala pa kaming sariling bahay, Yung bahay at lupa, darating din yan sa tamang panahon sa buhay namin. ❤️ And WE TRUST GOD'S PERFECT TIMING. ❤️🥰 Genesis 2:24: "Therefore a man shall leave his father and his mother and hold fast to his wife, and they shall become one flesh." #motherhoodjourney21 #mamajoyce🦋 ##theasianparentph

7 Replies

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles