Sharing is caring

YUNG ASAWA NA MAY PANGARAP SA PAMILYA Mahirap kapag may sarili ka nang binubuhay. Pero wala nang mas hihirap pa kung yung tao na inaasahan mo na makakasama mo sa hirap at ginhawa, nawala na . Ang sarap sa feeling kapag yung mister mo bukangbibig kung paano maitataguyod ang sariling pamilya. Kung paano magiging mabuting modelo sa anak. Yung isasakripisyo yung pang sariling kagustuhan para sa mas mahalagang bagay. Uunahin ang sustento bago bumili ng kung ano. Uunahin na makasama ang pamilya bago mag aya sa barkada. Yung alam ang prayoridad sa buhay may asawa. Bago mo maisipan na kailangan mo rin ng “ME TIME” , itanung mo muna to sa sarili mo: 1. Nakakapagsustento ba ako ng tama? 2. Bago ko yayain ang ibang tao, nai date ko manlang ba ang asawa ko? 3. May gusto akong bilhin , okay pa ba ang supply ng gatas ng anak ko? 4. Tinatamad akong pumasok, pero anu bang mga nakasalalay kapag di ako makasweldo ng kumpleto? 5. Masaya pa ba kaming pamilya? Kapag nasagot mo yan, malalaman mo kung deserve mong magkaroon ng ME TIME. Kailangan mong intindihin ang sitwasyon nyo dahil kung hindi, patuloy kayong hindi magkakaintindihan ng asawa mo.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

agree ako momsh luckily i have one of the most responsible man.. ndi kami mayaman nakakaraos lng sa araw araw, ndi dn ngkakaunawaan paminsan minsan pro ung pagiging responsable niang asawa at ama ay nvr ko makukuwestyon ksi hindi lng kmi importante sknia. priority nia tlg kmi higit kanino man. salat kami sa karangyaan pro msasabi ko na mas mayaman pa kmi sa mga me materyal at pinansyal ksi sa simpleng buhay n meron kmi, masaya at kuntento ang mga anak nmin. yun ang nag mamatter samen mag asawa😊

Magbasa pa
VIP Member

Mamsh. Ganyan na ganyan po ang LIP ko. Kahit yung sahod niya maliit man para sa iba naibibili niya parin pangangailangan naming mag pamilya :) Handang umiwas sa inuman at pagiging adik sa online games lahat yan ang naiwan na niya ata mas priority ang kapakanan ng pamilya. Kaya thankful ako sa Lip ko kasi yung mindset niya nakaayos niya may plans na hindi man magawa agad agad pero kung magtitiwala at magdadasal magagawa yan :))

Magbasa pa
VIP Member

So true mommy. Kaya importante ang communication ng mag asawa. Sa mga mommy na struggle ang communication, better to consult a counselor. They are a big help. Kesa naman sa kainuman o kay kumare hihingi ng help.

lahat ng sahod ni hubby nasa akin kahit piso binibigay nia sakin😂 kaya lahat yan ako gunagawa kac galing namn kay mister

Truth i had a good and the best partner ☺️

Truth sana ganyan din isipin ng asawa ko hays